Chapter 17

25 3 0
                                    

"Hoy, naintindihan mo ba yung tinuturo ni Ma'am?"

Tanong ni Gabriel pagkalabas ni Ma'am sa room. Kakatapos lang ng klase namin sa Oral com.

"Siya nga hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako kayang magustuhan, yung tinuturo pa kaya ni Ma'am."seryosong tugon ko.

"Naks, may pa hugot lines!" pang-aasar ni Gabriel.

"Ako lang 'to!" pagmamayabang ko pa.

"Ikain na lang natin 'yan! Tara, puntahan na natin sila sa canteen." natatawang sabi ni Gabriel saka hinila ako sa braso.

Lumabas na kami ng room at pumunta na sa canteen.

"Grabe, nakakapagod!" reklamo ko pagkaupo ko sa tabi ni Elodie.

"Tapos na klase n'yo?" tanong ni Xander.

"Kung may klase kami wala kami rito ni Gabriel." pambabara ko kay Xander.

"Ano ba yan! Hindi ka naman mabiro!" reklamo pa niya.

"Si Freya pa talaga biniro mo!" tawang-tawa na sabi ni Gabriel kay Xander. "Alam mo naman na mabilis mapikon 'yan sa mga tanga."

"Wow naman!" 'yon na lang ang nasabi ni Xander.

"Kailan exam n'yo?" tanong ni Liam.

"Next week na." sagot ko habang kumakain ng sandwich. Pagkain 'yon ni Elodie at kinuha ko lang.

Grabe, ang bilis ng araw. Matatapos na agad ang first semester namin.

Hindi pa nga ako nakaka-move on sa score na nakuha ko sa quiz noong nakaraan.

"Gala tayo. Hindi na tayo nakakagala eh," sabi ni Liam.

"Go lang ako." sagot ni Elodie.

"Aber, saan naman tayo gagala?" tanong ko.

"Sa Happy Cafe na lang tayo." suggest ni Xander.

"May gusto ka lang makita eh." pang-aasar ni Elodie at napatingin naman kami lahat sa kanya.

"Sino bes?" nagtatakang tanong ko.

"Elodie! Ang ingay mo talaga!" inis na reklamo ni Xander.

"Bakit? Hindi ko naman sinabi kung sino, ah?!" pakikipagtalo pa ni Elodie.

"Hoy, tama na nga yan! Baka saan pa mapunta 'yan." awat ni Liam sa dalawa.

Sino kaya 'yon? Crush siguro ni Xander yung tinutukoy ni Elodie.

Taray, may crush na ang kaibigan ko. Sa buong buhay ko ngayon ko lang malalaman na may crush pala siya.

Pagkatapos namin kumain bumalik na rin agad kami sa mga susunod na klase namin.

"Good morning, class!" bati ni Ma'am Shina sa 'min. Teacher namin siya sa earth science. Bumati naman kami at saka umupo na sa upuan.

Nagdiscuss lang si Ma'am at nakinig naman ako sa discussion niya kahit boring na boring na ako.

Ang boring kasi ng lesson tapos tungkol pa sa solar system. Hindi pa nakakatulong yung pakiramdam ko, medyo inaantok pa ako. Pinipigilan ko ang sarili na huwag makatulog sa klase.

"Cuerva!" natauhan ako nang bigla akong tawagin ni Ma'am.

"Yes po?" kinakabahan na tanong ko at saka tumayo.

"What is the smallest planet in the solar system and it is closest to the sun?" seryosong tanong ni Ma'am.

Napabuntong-hininga pa muna ako bago ako sumagot.

 A HAPPY CAFE  (FRIENDSHIP SERIES #2 )Where stories live. Discover now