Chapter 19

31 4 0
                                    

"Kamusta? Na-approve ba ni Ma'am?"

Iyon agad ang tanong ni Gabriel pagkaupo ko sa tabi niya. Medyo konti pa lang kami at wala pa ang iba kong mga kaklase.

Ang iingay rin ng mga kaklase ko kala mo nasa palengke kami sa sobrang ka-ingayan.

"Hindi." maikling sagot ko saka kinuha na lang sa bag ko 'yung notebook ko. Gagawa na lang ako ng assignment sa physical science.

"Bakit hindi?" tanong niya pa.

"Dami naming mali tapos bwesit pa yung isa kong kagrupo!" sabi ko naman sa kanya.

"Dapat gawin sa mga pabigat ibagsak." natatawang sambit ni Gabriel at natawa naman ako.

Hindi na ako sumagot at bumaling na ulit ako sa ginagawa ko. Ang daming terms sa physical science sakit sa ulo. Dami rin mga pangalan ng tao. Sino ba sila? Hindi ko nga sila kilala!

"Good morning," napahinto ako sa ginagawa ko nang may biglang nagsalita sa harapan at parang familiar ang boses.

"Crush mo!" bulong bigla sa akin ni Gabriel.

Napatingin naman agad ako sa harapan. Si Lance 'yon. Nanglaki ang mga mata ko.

Anong ginagawa niya rito sa Abm? Stem siya ah!

"Absent ngayon si Ms. Renalyn at pinasuyo niya sa akin na ako muna ang magbabantay sa inyo." paliwanag pa ni Lance. "By the way, I'm Lance."

"Ang pogi niya!" rinig kong bulungan ng mga kaklase ko.

"Anong strand mo?" tanong pa ni Tania.

Hindi naman siya pinansin ni Lance dahil nakatingin ito sa hawak niyang papel.

"Okay, class! May pinapagawa si Ms. Renalyn na activity." sabi ni Lance at iniabot sa unang row ang papel na hawak niya kanina. "Pass the paper."

Ang pogi niya talaga. Sana lagi na lang absent si Ma'am para lagi siya nandito.

Pagkakuha ko ng paper tinignan ko naman 'yon. Hindi naman mahirap kaya sinimulan ko na rin 'yon sagutan.

Hindi naman nagtagal natapos na rin ako kaya naman lumingon ako kay Lance para tignan kung ano ang ginagawa niya.

Nakatingin siya sa laptop at nagulat ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumiti agad ako sa kanya pero bumaling lang siya ulit sa laptop niya. Sungit talaga! Cold niya talaga kahit kailan.

"Oh, baka matunaw na siya sa mga titig mo!" napalingon naman agad ako kay Gabriel.

"Sungit niya." sabi ko at tumingin na lang ulit sa papel ko.

"Class, finish or not finish, pass your paper!" sabi bigla ni Lance. Tumayo naman agad ang mga kaklase ko para magpasa. Tumayo na rin ako para magpasa.

"Thank you." sabi sa akin ni Lance pagkabigay ko sa kanya ng papel ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

Ano raw? Anong thank you?!

Nalilito akong bumalik sa upuan ko at iniisip kung para saan yung sinabi niya.

"Class, goodbye and thank you!" paalam na ni Lance sa 'min.

"Balik ka ulit, Sir!" malanding sabi ng mga kaklase kong babae.

Mga malalandi talaga! Aagawan pa nila ako!

Huwag ka na bumalik!

Buong klase namin ay wala ako sa sarili. Paano ako magiging okay hindi ko magets yung sinabi ni Lance. Bakit siya nagpapasalamat sa akin? Nababaliw na ako!

Hindi rin ako nakakain ng maayos kanina sa breaktime. Gulong-gulo ako sa sinabi ni Lance.

"Hoy! Ayos ka lang ba!" natauhan ako nang may biglang sumigaw sa tenga ko.

 A HAPPY CAFE  (FRIENDSHIP SERIES #2 )Where stories live. Discover now