"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Para kasi siyang baliw. Kulang ata siya sa atensyon eh.
"Huh? Oo, bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Para ka kasing ewan. Kung ano ano pinagsasabi mo." sagot ko. "Gusto mo ba ng atensyon?"
"Oo, basta galing sayo." nakangising sambit niya.
Yuck! Nasusuka ako sa pinagsasabi niya.
"Ayoko na lang mag-talk!" sabi ko at natawa naman siya.
Kumuha na siya ng panungkit para sa mangga habang ako naman ay kumuha ng basket para sa lagayan ng mangga.
Pinapanood ko siya habang nagsusungkit ng mangga. Kada may nakukuha siya ay binibigay niya sa akin para ilagay ko sa basket. Halos napuno namin ng mangga ang isang basket.
"Sa wakas natapos na rin! Umuwi na tayo!" aya ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali dali na akong naglakad paalis.
"Hintayin mo 'ko!" sigaw niya sa akin at tumingin naman ako sa kanya. Nakita kong binuhat na niya yung basket at naglakad papalapit sa akin.
Nang matapos ko siyang tignan binilisan ko na ang lakad ko.
"Bakit ka ba nagmamadali?!" nagulat ako nang may biglang humila sa kamay ko. Napahinto naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.
"Bakit ba?" medyong inis na tanong ko.
"Bakit mo ba ako iniiwan?" seryosong tanong niya pero parang may meaning.
"Tagal mo kasi!" pakikipagtalo ko pa sa kanya saka hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Sorry," sabi niya. "Let's go."
Naglakad na kaming dalawa at habang naglalakad kami nakakasalubong namin ang mga tauhan na nandito sa farm.
"Uuwi na po kayo, Sir?" tanong ng isang matandang lalaki kay Prince.
"Opo, Mang Simon." magalang na sagot ni Prince. Napansin ko na nakatingin sa akin si Mang Simon kaya naman nginitian ko siya.
"Ganoon ba? Oh siya, tulungan na kita dyan." sabi ni Mang Simon saka kinuha yung basket kay Prince.
Pagkatapos makuha ni Mang Simon ang basket naglakad na rin kami. Habang naglalakad kami nag-uusap silang dalawa, hindi ko na lang sila pinansin at tumingin na lang ako sa nilalakaran ko.
"Salamat po, Mang Simon!" nakangiting pagpapasalamat ni Prince nang ilapag ni Mang Simon yung basket sa likod ng sasakyan.
"Walang anuman. Ingat kayo," bilin pa niya. Sumakay na ako sa passenger seat at binuksan ko ang bintana para magpasalamat.
"Thank you po." nakangiting sabi ko.
"Welcome, hija. Ingat kayo sa byahe." nginitian niya ako.
Nag-usap pa sila saglit ni Mang Simon bago kami makaalis. Tahimik lang ako buong byahe at nakatingin lang sa bintana.
Gusto ko na umuwi. Inaantok ako! Napagod ako sa ginawa namin kanina.
Nang makarating kami sa bahay agad akong bumaba sa sasakyan saka pumasok sa loob ng bahay.
"Kamusta gala n'yo?" tanong ni Gel pagkarating ko sa sala. Nakaupo ito sa sofa.
"Okay lang." walang ganang sagot ko saka umupo sa tabi niya.
"Masarap siya kasama 'noh?" pang-aasar pa niya sa akin.
"Duh! Hindi siya masarap kasama! Nakakainis nga siya eh. Parang baliw!" sagot ko naman sa kanya at napapikit na lang ako dahil sa pagod.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...