9

1.1K 62 8
                                    

KUNG SA KARANIWANG pagkakataon ay ibang lugar ang pupuntahan ni Claudio. He would play golf—kung saan hindi naman siya nag-e-enjoy sa mismong laro. Iyon ang mabisang paraan upang makakilala ng kliyente o dili naman kaya ay potensyal na business partner. At kapag talagang nababagot siyang maglaro ng golf ay tumatambay na lang siya sa mga country club. Marami din naman doon na kagaya niya ay hindi golf o iba pang laro ang talagang puntirya kundi ang mapalawak ang network sa negosyo.

He missed his true friends. Sa paglipas ng mga panahon ay nanatiling ang mga nakasama niya sa LCA ang kanyang tunay na kaibigan. Subalit pare-pareho na silang abala ngayon sa iba't iba nilang buhay. Para magkita silang lahat ay espesyal na araw o dili naman kaya ay birthday ng sinuman sa kanila.

Kung tutuusin ay nakabuti nang naging asawa ni Joaquin si Trina. Mahilig mag-organize ng party si Trina kaya nitong mga huling buwan ay dumadalas na rin silang magkita-kita. Madaling umisip ng okasyon si Trina upang magkasama-sama sila.

At naisip ni Claudio, mga ilang taon pa mula ngayon ay magiging magulo na ang pagkikita-kita nilang magkakaibigan. Kung noon ay bachelor's party palagi ang drama nila, baka maging family reunion na sa mga susunod pa.

Hindi lang si Joaquin ang nag-asawa na. Si Nate man ay kakakasal lang at mayroon pa itong instant baby girl. He was very much in love with Hannah at wala isa man sa kanila ang kumuwestiyon kung bakit si Hannah na may anak na ang inibig nito. They were all happy for Nate.

At si Pedro man ay "nasilo" na ng isang babae sa katauhan ni Sari. Good for him. Sa kanilang anim, si Pedro na ang tila kandidato sa pagiging matandang binata. Pero hindi pala.

Napangiti siya. Tatlo na sa kanila ang nahuhulog sa bangin. Biruan na nila noon na parang pagtalon sa bangin ang pagpapamilya. Malaking responsibilidad. Alam nila dahil sila mismo noon ay naging biktima. Lahat sila, sa ilang panahon ng buhay nila ay sa ampunan namalagi dahil sa iba't ibang kuwento ng kanilang buhay.

Sa sarili niya ay hindi naman sarado ang kanyang pintuan sa ganoong bagay. Gusto din niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya. Gusto niyang bumuo ng isang masaya at matatag na pamilya. Pero alam din niyang hindi basta sinusuong iyon.

Pero ibang kaso na ngayon dahil sa huling habilin ni Tito Carling.

Nasa Hermosa siya ngayon, ang lupang kanugnog nga batis. Ang service jeep ni Marjorie ang hiniram niya upang puntahan ang lugar na iyon. Kung hindi dahil sa testamento, hindi niya maiisip ang lugar na iyon. Pero ngayong binalikan niya, tila hindi na kasing-simple lang ng pagtingin niya noon ang tingin niya ngayon sa paligid.

Sa aminin man niya o hindi, naapektuhan siya ng sentimyento ni Tito Carling. Na-appreciate niya ang payak na paligid. Wala namang espesyal sa lupang iyon. Hindi iyon tila resort sa ganda. Natural ang lahat doon. Kahit ang kubong itinayo doon ay hindi ubod ng ganda. Tila damara lamang iyon na mayroong kayawang bangko sa paligid.

Sinulyapan niya ang matandang puno ng sampalok. Malalabay ang sanga niyon na nagbibigay ng malaking lilim sa paligid. Napangiti siya nang mapatingin sa bahaging inukitan ni Tito Carling ng pangalan nito at ng asawa. Natatandaan pa niya noon na hindi nakakalimutang ipagmagaling ni Tito Carling ang ukit na iyon sa ilang beses na pagpasyal nila doon. Corny siguro sa kasalukuyang henerasyon pero hindi matatawaran nag kaligayahang mababasa sa mukha ni Tito Carling sa tuwing ipagmamalaki ang ukit na iyon.

At naisip ni Claudio, kung sa kanya ay paulit-ulit na ikinukuwento ni Carling iyon, mas lalo na siguro sa mismong anak nito. At hindi lang iyon, mas marami tiyak na magagandang ala-ala si Celine doon.

At kung ang isasaalang-alang lang ay ang mga sentimental na dahilan, malamang na magpakasal sa kanya si Celine. Nag-isip siya kung paano aalukin si Celine ng kasal.

LA CASA DE AMOR - CLAUDIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon