20

1.3K 66 4
                                    


NANG SUMIBAD palayo ang lumang sasakyan ni Diego ay bumitaw din ng yakap sa kanya si Claudio. Nauna itong pumasok sa bahay. At napasunod na lang siya.

"Ano ba ang sisimulan kong lilinisin dito?" tanong nito habang lumilinga sa paligid.

"Wala namang masyadong kailangang linisin. Dio, huwag ka na lang maglinis. Sina Aling Fely na ang bahala. Kanina, naisip kong magpa-renovate dito nang kaunti. Para ba magkaroon ng modern touch, ano sa palagay mo?"

"Ikaw, bahala ka," matabang na sagot nito.

Napakunot siya ng noo. "Bakit bahala ako? Tayong dalawa ang titira dito."

"Sa iyo naman talaga ito. Pinagulo lang ng papa mo ang lahat pero sa iyo talaga ito."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Gusto ng papa mo na magpakasal tayo kaya sa akin niya ito iniwan, hindi ba? Mapipilitan ka nga namang magpakasal sa akin."

"N-napag-usapan na natin dati iyan, ah? Ang labo mo naman, Dio. Bakit inuungkat mo pa iyan ngayon? Akala ko ba, hindi na natin pag-uusapan iyan?"

Isang mabilis na paghinga ang ginawa nito. "Akala ko ba, wala kang boyfriend?" sa halip ay tanong nito.

"W-wala nga. Matagal nang malabo kami ni Diego. Wala lang kaming formal break-up."

"Naghahabol pa siya."

"Wala naman siyang hahabulin pa," mabilis na sagot niya. "Narinig mo naman ako kanina, hindi ba?"

"Pero mahal mo pa rin siya?"

Sandali siyang naumid.

"Hindi ka makasagot," sabi agad nito. "Mahal mo pa nga siya," masama ang loob ang tono nito. "Hindi lang ako nagpahalata kanina pero nainsulto ako, ah. Parang ipinamukha niya sa akin na hindi naman pag-ibig ang dahilan ng pagpapakasal natin."

"Wala naman siyang alam sa tunay nating dahilan. Nasabi lang niya iyon sa pagbabaka-sakaling magkabalikan pa kami. Hindi mo ba nakita kung gaano siya kawalang-kuwenta? Hindi mo ba inabutan nang sabihin niya sa akin na siya na ang hahawak ng negosyong iniwan ni Papa sa akin? Pera ko lang ang habol niya. Ang tanga-tanga ko na minahal ko siya noon."

"Noon? Sigurado kang hindi mo na siya mahal ngayon?"

"Hindi ko na siya mahal ngayon." Napangiti siya. "Bakit, affected ka?"

"Natural! Magiging asawa mo ako. Ayokong magmukha akong gago na asawa mo akong naturingan pero iba ang mahal mo."

"How about you, Dio?" she asked softly. "May iba ka bang mahal?"

Tumitig ito sa kanya. At pagkuwan ay unti-unti nabuo sa mga labi ang isang ngiti. "Confrontation ba ito, Celine?"

"I'm just asking."

"Kung sasabihin ko sa iyong mahal na kita uli, maniniwala ka ba?"

Kagyat na nagningning ang kanyang mga mata sa narinig. "Iba iyong sinasabi lang kesa doon sa totoong nararamdaman. Iyong totoo, mahal mo ba ako?"

"Kung sabihin ko sa iyo na oo? Mahal nga kitang talaga?"

Napangiti siya nang matamis. "Talaga?" puno ng tuwa ang tono niya.

"I'm falling in love with you again, Celine," madamdaming pahayag nito.

"Dio..."

"Hindi mahirap gawin dahil dati na kitang mahal. Siguro, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa iyo. Nanahimik lang ng ilang panahon pero ngayon ay nangibabaw muli. And I promise you, Celine. Mula ngayon ay mananatiling nangingibabaw ang pag-ibig ko sa iyo. Nag-uumapaw pa."

Napahalakhak siya sa galak. "What a declaration of love, Claudio. Parang hindi bagay sa iyo."

Tumawa din ito. "Corny ba? Ang papa mo rin naman, corny, di ba? May paukit-ukit pa ng pangalan sa puno ng sampalok."

Umirap siya. "Para namang hindi mo ginaya ang papa. Umukit ka rin naman."

Niyakap siya nito. "Mahal na nga kasi kita noon, Celine. At gusto kong maniwala na kapag inukit ko ang pangalan natin doon, kagaya ng pag-ibig ng papa mo sa mama mo, hanggang kamatayan din ang pag-ibig ko sa iyo."

"Don't talk about death!" pabiglang sabi niya. "Ayoko ng ganyang usapan."

Hinapit siya nito. "Tapos na ako sa deklarasyon ko. How about you, Celine? Mahal mo na ba ako uli?"

Tumawa siya nang mahinhin. "Sabi mo sa akin dati, may gagawin ka para ma-in love ako uli sa iyo. Nagawa mo na ba?"

"Nagising ka na bang in love ka sa akin?"

Bumungisngis siya. "Honestly, yes. Noong nasa Hermosa tayo, Na-realize kong mahal na kita uli."  

"Then nagtagumpay na ako."

"Ano na ba ang ginawa mo?" tanong niya uli.

"Wala. Ipinakita ko lang ang natural ko. That's the best thing to do. I'm in love with you again, Celine. This time, it'll be forever. Pangako ko iyan sa iyo."

Namasa ang mga mata niya.

"Huwag mong sabihing iiyak ka na naman?"

"Tears of joy, Dio."

"I prefer kiss of joy, love." At inangkin na nito ang kanyang mga labi.

--- tatapusin ---

Maraming salamat sa pagbabasa.
You can also vote and comment if you like.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

LA CASA DE AMOR - CLAUDIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon