21 - Ending

2.2K 100 18
                                    


ARAW NG kasal ko ngayon, Papa. Kung nakikita mo ako ngayon, tiyak na masaya ka. Sumunod ako sa kagustuhan mo. Binalewala ko na kung legal man o hindi ang ginawa mo sa testamento. Mas ginawa kong matimbang sa akin ang pagsunod sa kahilingan mo. At aaminin ko sa iyo na ngayon ko lang napatunayan na mabuting maging masunuring anak. Kung hindi sa ginawa mo, hindi ko mare-realize na si Claudio ang karapat-dapat kong mahalin.

Thanks to you, Papa.

Love is lovelier the second time around, Papa. Damang-dama ko iyan ngayon sa sitwasyon namin ni Claudio. We are deeply in love with each other now. At nakatitiyak akong lalong titibay ang pagmamahal namin kapag ikinasal na kami. We see marriage as a lifetime term. Walang expiration 'to. Ni minsan, hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa annulment. We both wanted to make our marriage work, Papa. Hindi ba't pag-ibig iyon?

I love you so much, Papa. Kung may pinanghihinayangan man ako sa araw na ito ay dahil sa wala ka dito. But every thing has a reason, di ba? Kaya iisipin ko na lang na masaya ka na rin diyan sa kinaroroonan mo. Siguro, in love na in love din kayo uli ni Mama sa isa't isa...


Hinalikan ni Celine ang nakakuwadrong larawan ni Carling. Hindi pa nasiyahan at dinala niya iyon sa dibdib.

"Hija, baka naman ngayon ka pa iiyak?" bungad ni Carolina sa kanyang silid. "Ikaw na lang ang hinihintay, tayo na."

Ngumiti siya at mabilis na pinahid ang luhang namuo sa sulok ng kanyang mga mata. "Nami-miss ko sina Papa," aniya.

Nakakaunawa itong tumango bago siya inasistehan sa pagbaba.



*****

KUNG HINDI niya kabisado ang tunay na itsura ng Hermosa ay hindi niya iisiping nasa Hermosa siya ngayon. Manghang-mangha si Celine sa nakitang gayak ng lugar. Puno ng naglalakihang tent ang paligid. Puno rin ng magagandang bulaklak. Mayroon ding mga ilaw na nakakalat dahil dapit-hapon ang kanilang kasal. Ang bahaging lalakaran patungo sa altar ay nalalatagan ng pulang alpombra. Subalit halos hindi rin naman iyon makita sa kapal ng mga flower petals na nakasabog doon.

Maraming mga bisita. At kumpleto ang mga kaibigan ni Claudio. Abay ang lahat ng iyon at si Nate ang pinili nitong gawing best man. Si Trina naman ay kinuha din niyang matron of honor. Ka-close na rin niya sina Hannah at Sari subalit higit siyang kumportable kay Trina kaya ito ang kinuha niya. Isa pa, tinotoo ni Trina ang pagbibigay ng bridal shower sa kanya kasabay ng ibinigay na stag party ng mga lalaki kay Dio.

"You're glowing, Celine," lapit sa kanya ni Trina.

Proud naman siyang ngumiti. "Siyempre, in love, eh."

"And you should be that way from now on," sabad naman ni Sari.

"Oo naman, dapat lang," sabi naman ni Hannah.

Ilang sandali pa at inihudyat na ang simula ng kasal.

Nagmartsa si Celine na mag-isa. Bawat hakbang palapit kay Dio na naghihintay sa kanya malapit sa altar ay nagdudulot sa kanya ng hindi maipaliwanag na antisipasyon. Excited siya na puno rin ng kaba. At marahil kung hindi lang siya nakatitiyak na mahal siya ni Dio ay baka umatras na siya. Sa mga sandaling iyon ay naunawaan niyang pag-ibig ang dapat na siyang tanging dahilan sa pagpapakasal.

At ang mga paghakbang niya ay natapos din. Nasa harapan na siya ni Claudio. Nang magdaop ang kanilang mga kamay, tila himalang nilipad ang lahat ng kanyang kaba. Ang umapaw sa puso niya ay labis na pag-ibig at kagalakan.

LA CASA DE AMOR - CLAUDIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon