YES, IT'S been a long while indeed.
At iyon din siguro ang dahilan kung bakit ang pamilyar na kiliting hatid ng halik ni Claudio ay nagmamadali ring gumapang sa buong katawan niya. Mabilis na napuno ng kilig ang kaibuturan niya. At tila naglaban-laban iyon dahilan upang magsimulang gumawa ng init. Init na nagsimula namang kumulo.
Maalab ang paghalik na ginagawa sa kanya ni Claudio. Marubdob. Mapang-angkin.
Kailangan niyang aminin sa sariling na-miss din niya ang halik nito. She allowed her past boyfriends to kiss her pero walang binatbat ang mga iyon sa paraan ng paghalik ni Claudio. Hinahalikan siya nito na para bang inaarok ang kanyang kaloob-looban. Hinahalikan siya nito sa paraang ginigising ang lahat ng natutulog na damdamin sa kanya.
Nangunyapit ang kamay niya sa leeg ni Claudio. She kissed him back. Si Claudio din naman ang nagturo sa kanya noon kung paano humalik. Si Claudio ang pumukaw sa kainosentehan niya noon.
Naging hudyat ang halik niyang iyon upang lalo pang lumalim ang halik. Hinapit siya nito at lalo siyang siniil ng halik. Lumipad ang katinuan ng isip niya. Tangay na tangay siya ng maalab na paghalik nito.
Nagulat pa siya nang malamig na hangin ang dumapyo sa kanyang mga labi. Ibinukas niya ang mga matang hindi niya namalayang ipinikit pala niya. Nakita niya ang binata na nakatitig sa kanya.
"I missed your kisses, Celine. I missed everything about you." At tila may init ang mga mata nitong humagod sa kabuuan niya.
Napalunok siya. Bigla siyang pumihit upang tumalikod. "Baka hinahanap na tayo nina Auntie."
Inabot ni Dio ang kamay niya. "Bakit bigla ka yatang natakot?" tila tudyo nito at pinakawalan din siya.
Mabibilis ang mga hakbang na bumalik siya sa sala.
PALUWAS sila sa Maynila. Ayon kay Claudio ay ipapakilala siya nito kay Trina at sa kukunin nilang wedding planner. Gusto sana ni Marjorie na akuin na ang pag-aasikaso sa kanilang kasal subalit umiral kay Celine ang pagiging sociable. Naisip niyang kasal niya iyon kaya dapat lang na maging involved siya.
"Mabait ba si Trina?" tanong niya kay Dio habang nasa biyahe sila.
"Mabait? Siguro. Hindi ko alam kung ano ang pamantayan mo ng mabait pero isa lang ang alam ko, halos magkaugali kayo. Spoiled-brat, sosyalera, anak-mayaman."
"Ganoon ba ako?" kunwa ay maang na tanong niya.
"Hanggang ngayon hindi mo pa alam?" kunwa naman ay shocked na sagot sa kanya nito.
Hinaplos niya ang buhok. Bago niya naibaba ang kanyang kamay ay hinuli iyon ni Dio.
"Mabuti naman at suot mo ang engagement ring," sabi nito, mukhang nasisiyahan. Hinagkan pa nito ang kamay niya bago iyon binitiwan.
"Oo naman. Ikakasal na ako, eh. Saka baka makasalubong ko ang isa sa mga sinasabi mong girlfriends, iba na iyong makita nila ang ebidensya na wala na silang aasahan pa sa iyo."
"Sounds possessive," nangingiting sabi nito.
"Ayoko lang ng may kahati sa magiging asawa ko." Then she paused. Nagulat siya sa binitiwan niyang pangungusap. At mas nagulat siya sa impact niyon sa sarili niya mismo. Bigla ay hindi niya mawari ang kanyang pakiramdam. Tila buong-buo na sa kanyang loob ang gagawin niyang pagpapakasal. Bigla siyang napatingin kay Claudio. Nakatitig ito sa kalsada, tila buhos ang atensyon doon. Kaswal siyang umayos ng upo. "Bakit nga pala ang dami mong girlfriends? Hindi ba dapat, isa lang?"
Ngumiti ito. "Bakit naman ako magdidyeta sa isa kung puwedeng marami? Gusto kong pagbigyan ang lahat ng may interes sa alindog ko."
"Ang yabang mo, Dio!"
BINABASA MO ANG
LA CASA DE AMOR - CLAUDIO
Romance"I guess, I have to make you fall in love with me again. Ako nang bahala dun. Just wait and see, okay? Basta magigising ka na lang, in love ka na sa akin." ***** "Hindi ba niya ibinilin sa iyo ni Papa na pakasalan ako?" tanong ni Celine. "What?!" r...