18

1.2K 69 6
                                    

"MUKHANG malaking preparasyon nga ang gagawin sa lugar na ito," sabi niya kay Claudio nang nasa Hermosa na sila. "Masyadong plain itong lugar."

Tipikal na itsura ng nakatiwangwang na lupa ang Hermosa. Maliban sa malaking puno ng sampalok ay may iba't ibang punong namumunga ang nakakalat. Ni walang pormasyon. Tila dinala lang ng mga ibon ang buto at kalikasan na ang may gawa na naging puno ang buto.

"Kaya nga tayo kumuha ng wedding planner. Sila ang bahalang mamroblema. Basta tayo, ikakasal na lang dito."

"I want to make suggestions. Ayoko namang iasa kay Gina ang preparation. Gusto ko may personal touch din ako sa kasal natin."

"Sure. Basta ayoko lang na mag-worry ka nang husto. Remember kaya tayo magbabayad ay para sila ang mag-worry para sa atin." Hinapit siya nito sa bewang.

Sumandig naman siya sa dibdib nito at ikinawit din ang braso sa bewang nito. "Ang dami kong alaala sa lugar na ito. Pinakamasakit ay nang mamatay dito si Mama. Pero kung hindi ko na iisipin iyon, puro masasaya ang maaalala ko."

"Kaya nga dito tayo magpapakasal. Para masaya ring iisipin mo na dito tayo ikinasal. Kapag may mga anak na tayo, dito rin tayo magpi-picnic kagaya ng ginawa sa iyo noon ng papa mo."

Kaswal na kaswal ang tono ni Claudio nang sabihin iyon subalit mabilis na namasa ang kanyang mga mata.

"Napuwing ka?" pansin nito agad sa kanya.

"Naiiyak ako, tange," aniya at tumawa. Mabilis niyang diniinan ang sulok ng mga mata. "Nami-miss ko sila, Dio," at napaiyak na naman siya. "Mas masaya sana kung kahit ang papa man lang ay buhay pa."

"Hindi pa siguro tayo ikakasal kung buhay ang papa mo. Dahil lang naman sa testamento—" biglang tumigil si Claudio. "Shit." At niyakap siya nito. "I'm sorry, Celine. Hindi ko na dapat binuksan pa ang paksang iyon."

"It's all right. Alam naman nating pareho ang dahilan kung bakit tayo magpapakasal."

"Forget it," mariing sabi nito. "Basta ang importante ay ang magsama tayo nang maayos. We can work out this marriage, can't we?"

"We'll do our best to make this marriage work," positibong sagot niya.

Hinagkan siya nito nang mariin. At muli ay natangay siya. Subalit bago sila tuluyang makalimot ay kapwa sila bumitaw ng halik sa isa't isa. Hawak siya sa kamay na inaya siya ni Dio palapit sa puno ng sampalok.

"Alam mo, ilang beses pa lang akong nakapunta dito kapag nagkakatuwaan sina Papa at Tito Carling na mag-inuman dito pero hindi nakalimutan ni Tito Carling na ipagmalaki ang ukit na iyan," turo nito sa pangalang nakaukit sa puno.

Her throat constricted. Umahon na naman sa dibdib niya ang labis na pangungulila sa magulang. Higit siyang maraming alaala. At tama si Dio, kahit kailan ay ipinagmamagaling ng kanyang papa ang pangalang inukit nito sa puno. Kahit na nga ba kinakantiyawan na nila ng kanyang mama na para na itong sirang-plaka, alam nilang patunay lang iyon ng labis na pag-ibig nito sa kanyang ina.

Isang maliit na Swiss knife ang nakita niyang dinukot ni Dio sa bulsa nito.

"Ano ang gagawin mo?" tanong niya sa binata.

"Kahit kantiyawan mo akong walang originality, gagawin ko ito," sagot nito at nagsimulang ikayod sa puno ang talim ng munting kutsilyo. "Dagdagan natin ang magagandang alaala. Iuukit ko ang pangalan natin dito. Okay lang sa iyo?" lingon nito sa kanya.

Napalunok siya at tumango mayamaya.

"Anong petsa ang ilalagay natin? Wala pala tayong anniversary," sabi ni Claudio habang patuloy ito sa pag-ukit. "Petsa na lang ngayon, ha?"

"Sige."

Nakatitig siya sa ginagawa nito. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming gumagapang sa dibdib niya. Masaya siya pero tila hindi kayang magkasya sa ganoong salita ang talagang nararamdaman niya. Pinanood niya ito sa tahimik na pag-ukit. Ikinulong pa nito sa isang puso ang kanilang mga pangalan. Bago natapos ni Claudio ang ginagawa ay natiyak niya sa kanyang sarili ang isang katotohanan. She was in love with him again. At higit na matindi ang damdaming iyon ngayon kumpara noong nakaraang siyam na taon.

Napasinghot siya. Naluluha na naman siya. And she knew it was tears for joy.

"Celine, umiiyak ka na naman," pansin sa kanya ni Claudio nang marinig ang pagsinghot niya. Iniwan nito ang ginagawa at lumapit sa kanya. "Kung napipilitan ka lang na pumayag sa ginagawa ko, bakit hindi mo na lang ako pigilan? Humanap na lang tayo ng ibang puno kung sa palagay mo ay pinapakialaman ko ang punong espesyal sa mga magulang mo."

"Sira!" natatawang sagot at mabilis na tinuyo ang mga luha. "Wala naman akong sinasabi, ah?"

"Bakit ka umiiyak?"

"Masaya lang ako."

Kumunot ang noo ni Claudio. "Ang gulo mo. Masaya ka tapos umiiyak ka? Dapat tumawa ka."

"Tears of joy po ang tawag dito."

"Okay since masaya din naman ako ngayon, ito naman ay tatawagin kong kiss of joy." At minsan pang inangkin nito ang kanyang mga labi.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

You can also vote and comment if you like.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

LA CASA DE AMOR - CLAUDIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon