"SABI KO na sa iyo, masarap dito, eh," tudyo sa kanya ni Claudio habang nakaunan ito sa dibdib. Kanina pa natapos ang mainit na sandali subalit hindi pa rin sila tumitinag at nananatili pa ring magkayakap. Mabigat si Claudio. Mahigit kalahati ng katawan nito ay nakadagan sa kanya subalit tama ito, sa lambot ng sofa na nakasalo sa likod niya ay hindi niya iyon gaanong iniinda.
Kinurot niya ito nang pino sa pipis na tiyan. "Hindi na siguro mabilang ang mga babaeng nakasama mo dito," sumbat niya.
"Huwag na nating pag-usapan iyon. Hindi pa naman tayo noong panahon na iyon."
'Eh, paano iyong may-ari ng mga damit na iyon?" tinapunan niya ng tingin ang nakakalat na damit.
"Si Arianne? Forget her. Hindi ba't sinabi ko na sa iyo dati na iiwan ko silang lahat kapag nagpakasal tayo? Matagal ko nang hindi kinokontak ang sinuman sa naging girlfriends ko. I told them to call it quits. Naiwan lang ni Arianne ang mga gamit na iyan."
"Siguruhin mo lang, ha?"
"Opo." Tila maamong kordero na sagot nito. "Ano ang parusa kung hindi ko magagawa?" tanong nito pagkuwan.
Kaagad niyang hinagilap ang bahagi nitong nagdulot sa kanya ng ibayong ligaya kani-kanina lang. "Tatagpasin ko ito."
"Aba'y huwag naman!" biglang react ni Dio. "Makukunteto ka ba na puro kamay na lang at dila?"
"Siraulo katalaga, Dio!"
"Don't threaten me, Celine. Ninenerbyos naman ako niyan," ngisi nito sa kanya.
Natawa siya. "Puwes magpakatino ka."
"Yes, love."
Naramdaman niya ang muling pagsiksik nito ng sarili sa kanya. "Ano na naman iyan?" kunwa ay maang na tanong niya.
"Ikaw kasi, eh," tila paninisi nito sa kanya. "Hinawakan mo, ayan, gusto na naman." Mabilis na itong dumagan sa kanya. "Second round, please?"
"Sure. With pleasure," bigay-todo namang sagot niya.
"PUPUNTA dito sa weekend ang wedding planner, Auntie. Si Gina. Nagkausap na kami. I told her what I want for my wedding. Okay lang ba kung nagbago ako ng isip? Garden wedding na ang gusto ko. Sa Hermosa gagawin. Memorable ang lugar na iyon sa amin nina Papa at Mama. Tiyak na matutuwa sila kung doon ko gaganapin ang kasal," mahabang sabi ni Celine sa tiya. Naisip niya ang ideyang iyong nang pauwi na sila ni Claudio. Walang silang ibang pinag-usapan kundi ang tungkol sa kanilang kasal. They were both excited about it.
"Doon nalagutan ng hininga ang mama mo, Celine," paalala sa kanya ni Carolina.
"Namatay siya na masaya, Auntie. Kaya nga nag-aya siya doon noon. She was reminiscing sweet memories when she died." Nilambing niya ang tiya. "Sige na, huwag ka nang kumontra. Gusto rin ni Dio na doon ang kasal. Sa papa pala niya talaga ang lupang iyon at ibinenta lang kay Papa."
"I know. Siya, ikaw ang bahala. Kaya lang ay malaking pag-aayos ang gagawin sa lugar na iyon para maigayak na akma sa kasal."
"Problema na ng wedding planner iyon," nakangiti namang sagot niya. Dagling nawala ang ngiti niya nang makitang nakatitig sa kanya ang tiya. "Bakit?"
"Galing dito si Diego, hinahanap ka."
Nagtaas siya ng kilay. "Wala na kami. Bago pa namatay ang papa ay malabo na kami, ano pa ang ipinunta niya dito."
"Hindi pa raw kayo hiwalay. Alam na ba niyang ikakasal ka na?"
"Kung ipinamalita mo na o ni Tita Marjorie ang tungkol sa kasal namin ni Dio, tiyak na alam na rin niya. Mabilis namang kumalat ang balita. At taga-rito din naman siya sa San Ramon."
"Mas maganda kung mag-uusap kayo. Ikakasal ka na. Dapat ay maisara ang mga bagay na dapat isara."
Tumango siya. Napatingin siya sa gate. Papasok doon ang sasakyan ni Claudio.
"Mukhang hindi ka na talaga pakakawalan ng lalaking iyan. Kahahatid lang sa iyo niyan kaninang umaga, naririto na naman," anang tiya niya.
Napangiti siya. "Na-miss niya ako agad."
"Magkasama kayo buong magdamag. Baka naman buntis ka na kapag ikinasal ka? Hindi magandang malaki ang tiyan kapag naka-wedding gown," kaswal na sabi ni Carolina.
Naumid siya. Wala naman silang ginawang pagkokontrol ng nagdaang gabi. Hindi nga malayong mabuntis siya.
"Auntie, kung sakali man, isipin mo na lang na magiging lola ka na agad." Niyakap niya ito. "Ikaw na si Lola Carol," tudyo niya.
"Good afternoon, Auntie," bati naman ni Dio na bumungad sa sala. Nagmano ito kay Carolina at humalik sa mga labi niya.
"Naririto ka na naman. Kagagaling mo lang dito, ah?" pabirong saludar ni Carolina dito.
"Aayain ko ho sana si Celine sa Hermosa. Nabanggit na ho siguro niya sa inyo na doon namin gustong magpakasal."
Tumango ito. "Siya, kung pupunta kayo doon ay lumakad na kayo. Huwag kayong magpagabi. Alam ninyo namang probinsya ito. Iba ang takbo ng isip ng tao. Hindi bale sana kung kagaya ko silang mag-isip."
Nagkatawanan silang tatlo at pagkuwa nagpaalam na sila kay Carolina at lumakad na sila ng binata.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
You can also vote and comment if you like.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
LA CASA DE AMOR - CLAUDIO
Romance"I guess, I have to make you fall in love with me again. Ako nang bahala dun. Just wait and see, okay? Basta magigising ka na lang, in love ka na sa akin." ***** "Hindi ba niya ibinilin sa iyo ni Papa na pakasalan ako?" tanong ni Celine. "What?!" r...