12

1.1K 84 8
                                    

HINDI agad nakaimik si Celine. "Ano ang kailangan mo?" matabang na sabi niya. Nanatili siya sa kinatatayuan. Wala siyang balak na papasukin si Claudio sa kuwarto niya.

"Pag-usapan natin ang tungkol sa kasal natin."

Napamaang siya. "Magpapakasal tayo?" Sa nakaraang mga araw ay iyon ang laman ng isipan niya subalit nagulat pa rin siyang maging paksa nila iyon sa pagitan nila.

"Hindi ba't ikaw ang nagbukas sa akin ng tungkol sa bagay na iyan?" kaswal na sagot ng binata. "Tara, magpakasal na tayo. Ngayon na." Ang tono nito ay para lang silang mag-aabang ng naglalako ng turon.

"Ha?!"

"Nagbago ka na ba ng isip? Fine. Ikaw lang naman itong may gusto na magpakasal tayo." Pumihit na si Claudio para tumalikod.

"Sandali!" habol niya dito. "May gusto sana akong ialok sa iyo."

"Celine, may iaalok ka na naman? Nag-alok ka na ng kasal, ano pa ngayon?"

Nagtimpi siya. Ayaw niyang patulan ang mga may pasaring na pangungusap ng binata. "Naisip kong mabigat na bagay para sa ating dalawa ang kasal. Matatali tayo sa isa't isa. Bibilhin ko na lang ang property. O kung gusto mo, mamili ka sa ibang property ni Papa na iniwan niya sa akin.Swap tayo. Iyong condo unit sa Makati, iyon na lang kaya ang sa iyo. Mas mahal pa iyon kesa sa market value ng lupa sa Hermosa at bahay at lupang ito. Twenty-five million binili ng papa iyon. And that was five years ago. Hindi hamak na mas mataas na ang value niyon ngayon."

"May condo unit na ko. Sa Makati din."

"How about cash? Twenty-five million. Nasa nineteen million lang ang halaga ng ipinamana sa iyo ni Papa. Gagawin ko nang twenty-five M."

"Ayoko."

"Thirty M?"

"May thirty million din ako."

"Magkano ang gusto mo?" desperadang tanong niya. "Fifty? Seventy?"

"Lahat ng minana mo kapalit ng minana ko. Swap na lang tayo," suwabeng sabi nito.

"Ano ka, hilo?" bulalas niya.

"Celine, ikaw ang nagtatanong sa akin, hindi ba? Sumagot lang ako."

"Sobra naman ang hinihingi mo."

"Kung sobra, di magpakasal na lang tayo. Hindi mababawasan ang mana mo, madadagdagan pa."

"Paano ang pansarili nating interes? Paano kung may boyfriend ako? Paano kung may girlfriend ka?"

"May boyfriend ka ba ngayon?"

Naalala niya si Diego. Ito ang huling boyfriend niya. Bago pa namatay ang kanyang papa ay malabo na ang relasyon nila. Kailangan na lang na kausapin niya ito upang pormal na tapusin iyon. "W-wala."

"Ako, maraming girlfriends. Pero hindi sila problema. Iiwan ko sila para sa iyo. Para namang wala tayong pinagsamahan. For old time's sake, di sa iyo ako magpapakasal."

Nagtagis ang mga ngipin niya. Nagpipigil lang ang dugo niya na kumulo pero pakiramdam niya ay hindi naman sineseryoso ni Claudio ang kanilang usapan.

"Paano ang pag-ibig? Magpapakasal tayo ng walang pag-ibig?"

"For old time's sake, I will fall in love with you again."

Natigagal siya. Sa pagkakataong iyon ay seryosong binitiwan ni Dio ang naturang pangungusap.


***

HINDI PA man napag-uusapan ang detalye ng kanilang kasal ay matunog nang Kumare ang tawagan ng kanyang Auntie Carolina at ina-inahan ni Claudio na si Marjorie. Dahil ulila na siya ay kay Carolina mamamanhikan si Claudio at ang mama nito. At kahit anong tingin ang gawin niya, tila excited na excited naman ang kanyang tiya. Wala na sa itsura nitong tutol na tutol gaya noong una nitong malaman ang nakasaad sa testamento.

LA CASA DE AMOR - CLAUDIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon