11

1.1K 80 9
                                    


"DAMN you, Celine!" mariing wika ni Claudio habang tinutuyo ang sarili.

Matagal siyang nagbabad sa tubig bago humupa ang init na lumukob sa kanyang katawan. Si Celine ang sinisisi niya. Hindi niya akalaing sa matagal na panahong lumipas ay matindi pa rin ang epekto sa kanya ng dalaga. It was obvious that he was still aching for her.

He never had that kind of erection that was so painful. Na para bang hindi huhupa iyon maliban sa maangkin niyang muli si Celine. And he couldn't believe it. Sa dami ng babaeng nagdaan sa kanya kasali na rin ang mga babaeng nakakapiling niya sa kasalukuyan, tila iba pa rin ang antas ng paghahangad niya kung si Celine ang sangkot.

Napangiti siya.

Kaya siya napuyat ay sa pag-iisip kung paano niya kakausapin ang dalaga. Kung alam lang niya na paggising niya ay si Celine ang makikita niya, disin sana'y hindi na siya napagod na mag-isip pa. Sa takbo ng usapan nila kanina, hindi na niya kailangang magpakahirap pang buksan dito ang tungkol sa kasal. Mabuti na lang at mabilis siyang nakapagkaila tungkol sa habilin ng papa nito. Naisip niyang malaking pabor iyon sa kanya.

Hindi pa rin nagbabago si Celine. Childish pa rin ito. Isang karakter nito na kinaiisan niya dati. Lagi siyang napipikon noon sa childishness na karaniwang nagiging sanhi ng pagsisikmatan nila. At hindi pala nagbago si Celine sa nakalipas na mga taon.

Napangiti siya. Sa sarili niya ay malaki na ang nabago sa pagdaan ng mga taon. Napagpasensyahan niya si Celine. Nagawa niyang tawanan na lamang ang asal nitong dati-rati ay tiyak na papatulan niya.

Bigla ay na-miss niya ang ilang buwang relasyon nila noon. Bigla rin ay tila gusto niyang manghinayang. Subalit agad niyang kinontra ang sarili. Pareho nilang ginusto na maghiwalay noon. Pareho silang mataas ang pride. Pareho silang nagmalaki na hindi makakatagal sa ugali ng isa't isa kaya mabuti pang maghiwalay na lang.

Itinuon niya ang oras sa pagsisikap na magkaroon ng sariling negosyo. He had string of girlfriends, naturally. At si Celine naman ay nabalitaan niyang nagkaroon na rin ng relasyon sa iba. Mga lalaking wala namang kuwenta dahil balita niya niya Tito Carling noon ay mas matimbang ang interes ng mga iyon sa mamanahin ni Celine. Balewala iyon sa kanya tutal ay wala na silang relasyon. Pero bakit ngayon ay parang nais niyang magselos sa mga lalaking naging karelasyon nito.

"Over na ang delayed reaction mo, Claudio. Siyam na taon na ang nakalipas," aniya sa sarili habang nag-aahit.

"Dio, hindi ka pa ba lalabas?" katok sa kanya ni Marjorie.

"Palabas na, Ma," malakas na sagot niya.

"Hihintayin kita sa komedor."

Nakahain na ang tanghalian sa komedor subalit mayroon din doon piniritong itlog at daing at sinangag na mukhang ininit uli.

"Pagsabayin mo na ang almusal at tanghalian," sabi sa kanya ni Marjorie. "Akala ko'y hindi ka na bababa."

"Naligo pa kasi ako."

"Si Celine, mukhang natagalan din bago bumaba."

"Wala akong ginawa sa kanya," depensa niya agad.

Natawa ang babae. "Wala naman akong ipinapahiwatig. Ano ba ang sadya niya? Aba'y nagulat ako kanina, ah? Ano ba ang nangyari sa batang iyon at sumugod dito na hindi maipaliwanag ang amoy. Naprangka ko tuloy."

"Wala kayong dapat ipag-alala, Mama. Hindi iyon maiinsulto. Gimik niya iyon, akala naman niya, eh, magiging effective sa akin." Pahapyaw niyang ikinuwento ang tungkol sa pagnanais ng dalaga na mabawi nito ang bahay at lupa.

"Mukhang magiging mabilis kaysa sa inaasahan ko ang inyong kasal, Dio," nasisiyahang sabi ni Marjorie.

"Ayaw mo ba ng ganu'n, Ma? Kapag nangyari iyon ay tiyak na mapapabilis din kayong maging lola."

LA CASA DE AMOR - CLAUDIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon