CHAPTER 3
UMALINGAW-ngaw ang malakas na sigaw sa apat na sulok ng kaniyang silid. Agad siyang bumangon at sinipat ang kabuuan ng kaniyang kwarto, tinitigang maigi ang bawat bagay na naroon. It was just a dream, nightmare perhaps. Ang buong akala niya ay totoo iyon. Pero bakit may bahagi ng sarili niya ang naniniwalang totoo iyon.
“Alli, are you okay?” nag-aalalang tanong ni mommy T nang pumasok ito sa kaniyang kwarto. Naroon rin sa bukana ng pinto ang mga kaibigan. Lahat ay nakatingin sa gawi niya at iisa ang pinapahiwatig. Pag-aalala.
“I had a bad dream. I thought it was real.”
Mommy T sighed and look at the girls at her back, ngayong nagkamalay na si Alli ay nangangam ba siya, lalo at unti-unting bumabalik ang alaala nito sa pamamagitan ng panaginip.
“It was just a dream. Pahinga kana ulit Alli. Maya-maya ay may ibibigay akong bagong misyon sa inyo.” Aniya at ngumiti ng pagkatamis. She breath loudly in relief. Kamuntikan na siyang maniwala na totoo talaga iyon.
“I guess, we suffered from the same nightmares. Good morning zombie.” Si Ria na may nakakalokong ngiti sa kaniya. Ginantihan niya lamang ito ng pilit na ngiti. Sanay siyang tawagin nito ng zombie, Einstein at kung ano-ano pa.
“Magtigil ka nga Ria, kita mo namang hindi okay si Alli, sige na balik na tayo sa room. Because today is a big day.” Sabad pa ng isang babae na nagngangalang Shantell. Pero imbes na lumabas ang apat ay pumasok ang mga ito at sumampa sa kaniyang kama at doon nahiga.
“Dito nalang kami magpapalipas ng madaling araw, boring sa kwarto at ayokong maburyo.” Napailing na lamang si Alli sa mga ginagawa ng mga kaibigan. Alam niyang ginagawa nila iyon para kahit papaano ay libangin siya at huwag nang isipin ang tungkol sa panaginip.
Napatingin siya sa digital clock na nasa side table. Pasado alas kwarto na ng umaga ngunit madilim parin sa labas. She leaned at Shan and hug her tight, hushing her to her comfort.
Sa isang taong pananatili sa loob ng organization na iyon ay natagpuan niya ang mga bagong kaibigan. She found family, shelter and peace. Ang buong akala niya ay wala siya niyon ni isa but she’s wrong. When she woke up, ay ang mga mukha na nila ang nasilayan niya, and the two male elders of the org.
“Thank god, you’re awake Alli.” Kunot noo niyang tinitigan ang bawat taong naroon sa silid. Wala ni isa ay kilala niya. Pilit na hinahanap sa utak ang alaala ngunit nag-uulap ang mga ito and her head start to ache like hell.
“Ahh!” she shouted in pain. Nagsimulang mag hysterical ang dalaga na agad na dinaluhan ng mga nurse at doctor na naroon. She only cried and cried, she can’t move her body, not even a single nerve she has. Lalo siyang natakot.
“Why I can’t move, why doctor? What’s happening to me. Oh God, who are you?” pasigaw niyang tanong sa mga ito pero wala siyang nakuhang sagot mula sa mga kanila. Those people stared at each other, hopelessly sighed and shook their head. Panghihinayang at simpatya. Lahat ng kalituhan ang gumuhit sa mukha ng dalaga sa mga sandalling iyon.
“Please calm down,” agap ng babaeng nasa early 40’s, beautiful, sophisticated and authority screams all over her body. Pamilyar ang babae pero hindi niya maalala kung saan at kailan niya ito nakilala.
“Who am I?” it was the last word she utters before closing her eyes again.
Darkness swallowed her wholeness.
“As we expected, she has an amnesia, and it is normal considering her circumstances. A partial memory loss. And it’s dangerous for her if we will force her to remember her past. We have to trust the process, even though we don’t know how long it takes.” sunod-sunod na tango ang ginawa ni Thalia. Lalo siyang nahabag sa kalagayan ng alaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/299921147-288-k496137.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Formidable Sin (COMPLETED)
ActionShe woke up from the dead. From the nightmare. Dahil sa isang misyon ay natagpuan na lamang ang kaniyang sarili sa isang kwadrong silid, kulay puti, lying on her death. And from the moment she woke, she don't know who she is. Walang kakatiting na al...