Chapter 14

76 11 8
                                    

Chapter 14

“NASAAN si Phantom?” sigaw na tanong ni Zythro nang marating nito ang conference room. Naroon ang lahat para sa isasagawang meeting subalit wala roon si Allison.

Nagkatinginan sina Ria, Tria, Aki at Shan at parehong nagkibit-balikat. Si Thalia na walang emosyong nakatitig kay Francisco at ito naman ay naglalaro ng ballpen sa kamay na para bang walang nangyari. Naroon din ang ilang miyembro ng underlings mula sa iba't ibang headquarters. Lahat ay walang imik at pare-parehong nakikiramdam sa tensyong nabubuo. Walang nais na magsalita o kumibo.

“Lahat kayo hindi niyo alam kung nasaan si Alli?” nasa tono nito ang panganib kaya't walang naglakas loob na sagutin ang kaniyang tanong. “Fuck it!” bulalas nito at pabagsak na naupo sa kaniyang designated chair.

“Akala ko ba magkasama kayong umalis Francisco, bakit wala si Alli?” tanong pa ni Thalia sa seryosong tinig. Higit sa lahat ay siya ang nag-aalala ngunit bakit niya iyon naramdaman?

“Come on, iniisip niyo bang bumaliktad na sa atin ang alaga natin? I doubt that.” ismid nito at tuyang ngumisi.

Naningkit ang mga mata ni Thalia at kulang na lamang ay patayin niya ito sa masamang tingin ang kausap. She was about to utter a word subalit nanatili sa ere ang kaniyang mga salita. “Let's postpone the meeting.” It was a dismissal kaya wala sa loob na tumayo ang mga naroon at lumabas ng conference room.

“Mag-usap tayo sa opisina Fran,” may halong pagbabanta ang boses nito at saka tumayo. 

Ngumisi lamang si Francisco.
“Bakit hindi nalang dito, Thalia. Mahalaga ba ang usaping iyan?” anito ng may panunuyang tinig. Humugot ng hininga si Thalia at marahas na nilapitan ang kausap at tiningnan ito ng masama.

“Alam mong may memory loss ang bata, at alam mong naroon ang kapatid at ina niya pero bakit mo nagawa ang bagay na iyon? Aminin mo nga sa akin, binalak mo itong lahat, ano?”

Nag-iwas ng tingin si Fran at pahapyaw na ibinaling ang tingin sa kung saan at muling ngumisi. Iyong nakakalokong ngisi. “Ang saya nga ng kanilang pagtatagpo. So dramatic and I am sure nagtataka ang alaga natin kung bakit kilala siya ng target. And now that she's not here malamang ay hinahanap ni Alli ang kasagutan sa kaniyang utak. Hindi sa nanghihimasok ako, kundi pinapadali ko lang ang reunion ninyong apat.”

“Wala kang alam Fran!” bulyaw ni Thalia at lumayo rito. “You don't know a thing. Inaalala ko lang ang kalagayan ni Allison—”

“Because she's—, God Thalia. You're playing a saint but you're not. Alam mo ang rule ng organisasyon but you oppose it. Hayaan mong tuklasin ni Alli ang lahat sa kaniyang sariling paraan, of course with my little help. Pero ito ang tandaan mo. Subukan mo mang harangan ang tubig sa ilog, maghahanap at maghahanap parin ito ng dadaluyan. Payong kaibigan lang, pagbutihin mong ang pagbabalat-kayo mo.” Tinapik nito ang kaniyang balikat at naunang lumabas ng silid.

Halos mabuwal siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa panghihina ng kaniyang katawan. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang tuhod sa pangamba at ang malakas ng kabog ng kaniyang dibdib dahil sa galit. May hinuha siyang may alam si Francisco tungkol sa kaniya. The answer was there but she denied it. Ito ba ang kapalit ng lahat ng pag-iingat na kaniyang ginawa? She secured her closet ngunit bakit may amoy na lumabas, o baka ay naiwan niyang hindi nakakandado ang closet niya. And Francisco found out the skeleton in her closet. Oh, God.

“No, hindi pwedeng maunahan ako ni Alli sa gagawin niya. She can't be with Tamara again, hindi ngayong hawak ko na siya, ulit.” She breathes inwardly.

Agad siyang lumabas ng conference room at nagtungo sa kaniyang opisina at siniguradong naka-lock iyon. Agad niyang tinawagan si Bell para hanapin si Alli.

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon