Chapter 32

83 10 5
                                    

CHAPTER 32

AGAD na tumakas si Francisco sa lugar na iyon sakay ang sedan nito subalit nasundan parin si ni Ralth na sumakay rin ng isa sa mga nakaparadang kotse sa labas. Mabilis niyang kinabig ang manibela at sinundan ang papalayong kotse ni Francisco. Gamit ang kaliwang kamay ay kinasa niya ang baril at itinutok sa gulong ng target at pinaputukan iyon. Gumewang ang kotse ni Francisco subalit nakuha nitong kabigin pakanan ang sasakyan at pumasok sa masikip na bahagi ng eskinita. Napamura na lamang si Ralth sa isip at muling sinundan ang kotse. Muli siyang nagpaputok at tumama sa kaliwang gulong ng sasakyan. Bumangga ang kotse ni Francisco sa isang food stall subalit patuloy parin itong umaandar, pagiwang-giwang. Inapakan ni Ralth ang accelerator ng kaniyang kotse at intensyong binangga ang lkurang bahagi ng kotse ni Francisco. Sa unahan ay natanaw niya ang labasan at may dumadaang mga sasakyan.

Kinabig niya ang manibela pakanan at binanggang muli ang kotse ni Fran, sa ikatlong beses niyang pagbangga ay bumangga rin ang kotse ng target sa isang poste. Agad siyang lumabas ng kotse subalit naunang lumabas si Fran at tumakbo ito papasok ng isang gusali. He tailed on him, hanggang sa marating nila ang ikatlong palapag. Nagkagulo ang ilang tao na naroon sa gusali subalit wala siyang pakialam kung may mabangga man siya. Ang kaniyang buong atensyon ay nakatuon lamang kay Francisco.

Pumasok itong muli sa isang silid. Napangisi na lamang ng wala sa oras si Ralth at pumasok roon. The room was empty kaya naging alerto siya. Tinutok niya ang baril at sinipat ang kabuuan ng silid. Hindi ito gaanong Malaki subalit may tatlong malaking shelf na maaaring pagtaguan ni Fran. He controlled his breathing at pinakiramdaman ang paligid. Narinig niya ang mabibigat na yapak ng lalaki kaya agad niya itong natunton. But unfortunately, may hawak na tubong bakal si Fran at inihambalos iyon sa kamay niya.

Tumilapon sa gilid ang kaniyang baril, as he groaned in pain. Subalit nagawa niyang pigilan ang muli nitong paghambalos sa kaniya. sinuntok niya ito sa tagilirang bahagi ng makailang beses at marahas na kinuha ang bakal na iyon at itinapon malayo sa lalaki. He blew another punch subalit nakailag ito kaya nasapol ang kaniyang panga dahilan para mawalan siya ng panimbang at natumba.

"Bumabaliktad kana ngayon, bata? Dahil ba sa babaeng iyon?" wika ni Fran habang pabalyang pinunasan ang umaagos na dugo sa leeg. "Pathetic."

Tumayo agad si Ralth at naghubad ng jacket at itinapon sa kung saan. "You are the pathetic, pinagkatiwalaan mo ang maling tao." Aniya at ngumisi ng nakakaloko. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Fran na saglit ring naglaho.

"Kung gayon ay noon mo pa ako pinagtitiktikan? Sinasabi mo sa akin ang plano ng organisasyo at ganon din ang ginagawa mo sa kanila. Sa nakikita ko ay wala kang pinagkaiba sa aso, Ralth." Puno ng panghahamak ang boses nito.

"Pero hindi ako asong ulol na sakim sa kapangyarihan at pera, Winz. Isa akong tapat na aso." Depensa ni Ralth sa sarili.

"Aso na may dalawang amo, kahit na anong sabihin mo Ralth, aso ka parin."

That was it. Aso nga siya pero may paninindigan. He had enough of his manipulation at wala na sa puso niya ang paninibugho para sa kapatid at magulang. He regrated the part na umanib siya kay Francisco noon at tumanggap ng mga trabaho. He regrated that he turned his back against his family. Ang nas niya ngayon ay maipaghiganti si Alli kay Fran, sa mga kasalanan nito at upang itama ang kaniyang mali. Wala siyang ibang nakikitang paraan kundi ang patayin si Francisco.

Bumuwelo siya para sa susunod na atake, ngunit nailagan iyon ni Fran at sinuntok siya sa tiyan. Ininda niya ang sakit niyon at muling umatake. Nagkaroon ng opening si Fran kaya niya ito natamaan rin sa tiyan. Walang kahirap-hirap niya itong binuhat at ibinalibag sa sahig. Napaungol sa sakit si Fran ngunit nakuha paring tumayo. Bago pa iyon ay ikinulong ni Ralth ang leeg ni Fran sa kaniyang bisig at diniinan ang sugatang bahagi nito.

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon