Chapter 29

77 11 1
                                    

CHAPTER 29

AYAW man ay nagpumilit na sumama ang tatlo para siguruhing maililigtas nila si Thalia. Natunton nila ang lugar na nagsilbing hideout ni Francisco, at iyon at dahil nagtutulungan silang e-track ito gamit ang huling numero ng burned phone.

Si Alli ang nagmaneho ng sasakyan, habang si Ria at Shan ay nag-aayos ng kanilang mga gamit.

"Are we suppose to engage? Hindi ba natin sasabihan ang ibang elders o ang ibang kasamahan natin? For reenforcement." Ani Ria habang ina-assemble ang sniper.

"For what? Para ma-delay lahat at makialam sa mga gagawin natin? Mabuti na iyong ganito uy, total tayo I mean si Alli naman ang kailangan, hindi ang buong HQ." Depensa pa ni Shan.

"Ang iingay niyo, hindi ako makapag-concentrate!" sigaw ni Tria at tinanggal ang suot nitong earpiece. She's still tracking Francisco. "Ang laki ng earpiece ko pero rinig na rinig ko ang mga boses niyo." Reklamo niya pa.

Sasagot na sana si Ria nang biglang pumreno si Alli at inihinto ang sasakyan. Nagkatinginan silang tatlo saka nilapitan si Alli.

"What happened?" Tarantang tanong ni Shan.

"Hawak nila si Addi," diretsang sagot niya. Napamulagat ng mata si Ria.

"Oh my ghad, ganito. We have to split up. Kami na ni Tria ang bahala kay Mommy T, at ikaw sa kapatid mo. Shan come with her." Suhestyon niya.

"Chop-chop!" Sigaw pa ni Tria. 

Pinaandar muli ni Alli ang sasakyan at tinungo ang safehouse, naroon ang private jet ng kanilang org.

Ilang oras lamang ang byahe mula Manila patungong Berlin, nahirapan silang e-trace si Addi. Kaya't minabuting puntahan ang apartment na tinitirhan nito nagtanong-tanong kung may nakakita sa kapatid niya. Marton wasn't there kaya nagulat ito nang makatanggap ng tawag mula kay Alli and he helped her tracing Addison.

Natunton nila ang pinagdalhan kay Addi. Martin insisted na sumama sa dalawa ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Alli na huwag na lamang at hintayin ang signal nito kung kailan siya pupunta.

"Playing a hero?" nasa tono ni Martin ang panunuya.

"I am not!" Depensa naman ni Alli at nilisan ang lugar na iyon.

Narating nila Shan at Alli ang isang warehouse ng mga harina. Walang halos tao ngunit naging maingat at alerto ang dalawa. Malaki ang lugar at sako-sakong harina ang nakaimbak roon. Napagpaseyahan nilang maghiwalay ng landas upang mapadali ang paghahanap kay Addi. Si Shan na nanatili sa groundfloor at siya naman sa basement. Bumaba siya sa paikot na hagdan at pumasok sa isang silid. Doon ay may nakasalubong siyang goons at mabilis siyang pinaputukan.

Mabilis siyang gumulong at nagtago sa likod ng pinto, gumanti rin siya ng putok at tinamaan ang isang lalaki. May nagpaputok ring isa at kamuntikan siyang matamaan sa ulo kung hindi pa agad na nakayuko. Ginantihan niya ito at sapol ang kaliwang dibdib. Tuluyan siyang nakapasok sa loob subalit walang tao roon.

"Bullshit!" she hissed angrily. She tapped her earpiece para bigyan ng babala si Shan nang may marinig siyang boses ng lalaki.

"God! Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo ito?" galit nitong sigaw sa kung sino man ang kausap nito. Pamilyar ang boses. Kilala niya ang may-ari niyon.

Dagli siyang lumabas ng silid na iyon at nagtago muli sa katabing silid, malapit sa pinanggalingan ng boses.

"My, my. I am doing this to help you. Tsaka bakit na ba nagagalit?" Was that Karen?

That made her burst into jealousy. Bakit kailangan magkasama ang asawa niya at ang ex-girlfriend nito sa ganoong lugar? Ano bang meron sa dalawa at bakit tila lihim ang lahat para sa kaniya?

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon