Chapter 12
“ANO ba ang bago kong misyon?” tanong ng dalaga habang prenting nakaupo sa settee ni Thalia. Ngumunguya pa ito ng dalawang bubble gum while tapping her pointing finger sa armrest ng upuan. Sanay na si Thalia roon and she can’t change that personality of her. Naging mabait at masunurin naman ito subalit sadyang lumalabas ang totoong Allison Mackenzie na high-hat, proud at may malaking tiwala sa sarili. Maybe MI-6 made her that, o baka dahil sa nangyaring insidente 19 years ago.
Sa drawer ay kinuha nito ang file at inabot sa dalaga. Tiningnan muna iyon ni Alli bago kunin. She maybe thinking something but don’t want to give her the benefit of the doubt. Not that she won’t care if one of her underlings would turncoat the org. Malaking kawalan at problema kapag nangyari iyon.
Sinipat ni Allison ang laman ng file and she found it interesting. “Ito ba ang org na matagal ng tumiwalag sa atin?” tumango siya bilang sagot.
“Manslayer, ito ba ang target ko?”
“Hindi, magiging cover ka lang at ang misyon mo lang ay ang mga files ng CDJ at si Zythro at Francisco na ang bahala sa mga tao roon.” Napangiwi ang dalaga sa narinig. It was a less thrill. Ngunit may plano si Thalia, there is something she needs to find out bago siya gumawa ng hakbang sa planong iyon. May duda siya sa isa sa kanilang mga tauhan ngunit hindi niya matukoy kung sino kaya sa lihim na lamang niya aalamin ang lahat.
Alam niya ring delikado kay Alli ang gagawing misyon. Ngunit wala siyang mapagpipilian kundi ang gumalaw ng naaayon. Walang maghihinala, at walang makikialam.
“Okay, kailan ba?”
“Si Zythro ang kausapin mo tungkol diyan dahil kasama siya sa misyon.” Bumuntong hinga ng malalim si Thalia at makahulugang tiningnan ang dalaga.
“I’ll be safe.”
Matapos ang meeting ay nanatili muna siya saglit sa isang safehouse ng org at doon nagpalipas ng magdamag. She was completely lost, oo nga at maraming tumatakbo sa isip niya subalit pinili niyang balewalaen ang mga iyon sapagkat nakakapagod and she want to shut her mind for a little bit.
“Good morning sleeping beauty!” napamulagat ang mat ani Allison habang tinitigan isa-isa ang mga taong naroon sa kaniyang silid. Kompleto ang apat at bakas ang excitement sa mukha. Lahat ay nakadungaw sa kaniya ng may ngiting abot tenga.
“Good morning, what time is it?” tanong niya rito at sinipat ang wrist watch.
“Basically, alas dos na ng hapon, and I know your watch telling it’s still 7 am but duh! Late kana naman sa meeting Alli! Hello, hindi pinas ito kundi Europa. Jusko dzae kami napapagalitan ng elders dahil sa’yo!” sermon ni Tria at binigyan siya ng ismid.
“Oversleep, bakit?” tanong naman ni Ria habang naupo sa kama. Siya nama’y umayos din ng upo at sinapo ang mukha. She was trying to shut her mind out last night ngunit hindi siya agad nakatulog because of homesick? Kailan ba masasanay ang katawan niya sa palipat-lipat ng lugar.
“I don’t know. I mean, iniisip ko lang ang tungkol sa misyon,” half truth and half meant lie. Hindi uso sa kaniya ang ganoon dati but lately napapaisip siya tungkol sa misyon, lalo na kapag nasa usapan ang ‘manslayer’ o ‘do kaya ay ang tungkol sa CDJ. Iyon rin ang ipinagtataka niya. Nagiging magulo ang lahat mula ng ibigay sa kaniya ang undercover na iyon. She was not thinking, frantically, most of the time.
Kung dati ay iniisip niya kung babalik pa ba ang alaala niya, na kung may pamilya pa ba siya, at kung ano siya dati. Now, dumagdag sa pagkagulo ng isip niya ang panaginip, ang babaeng kamukha niya at si Bell. Nararamdaman niyang may koneksyon ang lahat ng iyon sa pagkawala ng alaala niya. Everything was in there, laid crystal clear, ang tanging kulang na lang ay ang kumpirmasyon.
BINABASA MO ANG
Her Formidable Sin (COMPLETED)
AçãoShe woke up from the dead. From the nightmare. Dahil sa isang misyon ay natagpuan na lamang ang kaniyang sarili sa isang kwadrong silid, kulay puti, lying on her death. And from the moment she woke, she don't know who she is. Walang kakatiting na al...