Chapter 22

82 10 4
                                    

CHAPTER 22

   

PAPASOK pa lamang ng headquarters ay hindi siya nakaligtas sa mapanuring mga tingin ng mga naroon na tila ba isa siyang alien sa lugar na iyon. Subalit wala siyang pakialam. Simula sa araw na ito ay aayusin na niya ang lahat sa kaniyang sariling paraan. Hahanapin niya ang sagot sa mga katanungan at tutuklasin niya ang katotohanang kay tagal na niyang inaasam na malaman. She is one step closer to the truth. Pagkapasok niya sa opisina ay si Aki ang kaniyang nabungaran at malugod siyang niyakap ng kaibigan.
   

“How are you? How is the honeymoon. Balita ko ay nag-ibang bansa pa kayo ni Ralth.” Sunod-sunod na tanong ni Akierra sa kaniya habang tinungo niya ang desk nito. 

Allison just smiled in a timid way.
“Walang honeymoon na nangyari dahil naging busy sa trabaho si Ralth nitong mga nakaraang araw. It’s a good way naman para makaiwas ako sa kaniya and hell I don’t want to share my bed with him,” again. Aniya at pabagsak na naupo sa swivel chair.

Nagpangyaring matapos ang paglipat nila sa bagong bahay na niregalo ni Cloud ay hindi na rin natuloy ang pinaplanong honeymoon dahil nga busy ang asawa sa trabaho nito. Gabi na kung umuwi at minsan ay hindi o ‘di kaya ay kinabukasan na kung umuwi. It was her console dahil hindi masiyadong inuukupa ni Ralth ang atensyon at oras niya. She started to live like a normal person tulad ng dati. Ang kaibahan nga lang ay may kasama siya sa iisang bahay.

Though she insists na sa magkaibang kuwarto sila natutulog, at tumatabi lang kung dadalaw ang mga manugang. She occupied the guest room habang nasa masters’ bedroom naman ang asawa. Pero kahit na ganoon ang setup ay hindi siya maayos na nakakatulog sa gabi, knowing na may kasama siyang lalaki. At nitong nakaraang araw lang din siya mahimbing na nakatulog dahil ilang araw na ring hindi umuuwi sa bahay si Ralth.

They talk rarely, he never bothered to call her and do his husbandly duty na kakamustahin siya, took them for dinner outside, or spend time together once in a while. Everything like a normal couple always did. Hindi niya rin maiwasang huwag isipin ang asawa. Afterall, kasal parin sila. Gusto nan ga niyang kausapin si Cloud subalit pinipigil niya ang sarili. Ralth may be busy with his works kaya hindi niya ipagsisikan pa ang sarili.

“I’m sorry to hear that. Alam mo, sa aming apat ako ang pinaka-na-excite nang malaman kong ikakasal kana but when you told us na para lang iyon sa reputasyon ng mga Sevilla I felt sad for you. Eh kasi alam namin lahat kung ano ‘yong mga gusto mo and it turns out, ni isa walang natupad. Ako yata ang maiiyak para sa’yo eh.” Kinabig siya ng kaibigan at mahigpit na niyakap. Now, the torment was doubled.

Allison sighed deeply at unang kumawala sa yakap. “I don’t want to talk about it, Aki. Narito ako para kausapin si Thalia and to clear things out. And I want to tell you that I remembered everything.”

Napamulagat ang mga mata ni Akierra sa narinig.
“You-you remembered? Papaano? Kaya ka ba umalis? Alam ba ni Mommy T ito?”

Allison bowed down her head and wipe her tears that were about to sprung. “Matagal ko ng alam, and yes I left to sort things out at sigurado akong may alam si Thalia rito,” sagot niya.

“Oh my god!” dagling napaangat ng ulo si Allison at binalingan ang nagmamay-ari ng mga tinig na iyon. Nakita niya si Ria at Chantria na parehong nakatayo sa may pintuan. Kasunod niyon ang pagpasok ni Shan at ito na ang nagsarado ng pinto at ni-lock iyon.

“Totoo ba ito zombie Einstein? Naalala mo’ng lahat?” tumango si Alli at mapait ng ngumiti sa mga kaibigan. Si Shan na casual lamang nakatingin sa kanila na tila alam na nito ang lahat.

“Yeah, and I remembered that we are not friends before. None of those were true but it doesn’t mean na galit ako sa inyo dahil hindi niyo sinabi sa akin ang totoo. I know you were helping me to avoid relapse kapag nalaman ko kaagad o pinilit kong makaalala. You’re still my friend at walang magbabago doon.” Everyone sighed in relief. Hindi nila inaakalang gayon ang sasabihin ni Alli. Though they only said na tulad rin si Alli sa kanila, it was then true at lalong wala silang alam sa background nito dahil wala rin namang sinabi si Mommy T sa kanila.

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon