Chapter 15

75 10 3
                                    

Chapter 15

IWINAWAGAY-way ng malakas na hangin ang kaniyang buhok. Maingay rin makina ng sinasakyang lantsa at mainit sa kaniyang kinalalagyan. Subalit wala siyang choice kundi ang sumakay sa sasakyang iyon. Kaninang madaling araw ay narating niya ang lungsod ng Zambales at sukat roon ay saka pa niya napansing apat na oras pala niyang binabay-bay ang mainroad patungo roon. She can't believe na narating niya ang bayan. Saglit lamang siyang naidlip sa sasakyan bago nagpasyang bumaba at maghanap ng makakainan.

And from where she had her early breakfast ay narinig niya ang usap-usapan tungkol sa isang isla malapit roon. She got curious. "Papaano po ba makarating roon?" tanong niya sa mga ito.

"Sasakay ka ng lansta at mga ilang minuto rin bago makarating roon." Sagot ng matandang lalaki na kaniyang napagtanunga. "Ay, maiba ako. Kakilala mo ba ang nag-mamay-ari ng Islang iyon? Kasi hindi basta-basta nagpapasok ang may-ari kung hindi kakilala. Preserve kasi ang lugar na iyon, may pass ka ba?"

Nag-isip saglit si Alli at tumango. "Salamat po Tatang." Saka siya bumalik sa pagkain. Matapos niyon ay nagtanong siya kung sino ang nagmamay-ari ng isla and she does her research. Napangiti ng wala sa oras si Alli at naghanap ng lantsang papaalis Pundaquit.

"Wala po akong pass, pero kasi kakilala ko ang may-ari. Si Dark Jensen hindi ba? Tsaka nabalitaan kong naghahanap sila ng horse trainer at balak ko sanang mag-apply para sa trabahong iyon." Halatang nagulat ang matandang lalaki at may pagdududang tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo iha? Eh ka-babae mong tao ay marunong kang mangabayo. Ay nako!" she tried to make a face to convince the old man at wala itong nagawa kundi ang isama siya sa paglalayag patungo sa isla.

Kung hindi siya nagkakamali ay may tatlong isla na naroon. Isa na roon ang Capones Island, na siyang malaki at bukod tangi sa tatlo. Ang isa ay ang Camara, at may katabi pa itong maliit na isla at iyon ang kanilang paroroonan. Ang isla Rosa na pagmamay-ari ng mga Jensen.

Unti-unting luminaw ang pigura ng isla kaya't may kung anong saya ang bumangon sa kaniyang puso. Noon ay hindi niya naranasan ang magtungo sa isang lugar para magliwaliw, pero ngayon abot kamay na niya. At ang isla Rosa ang kauna-unahang lugar na aapakan niya bilang isang commoners at hindi bilang assassin. And deep inside her, she badly need a rest, a space where she can spend her day thinking nothing but herself.

"Malapit na tayo, basta ening kapag naroon na tayo ay ikaw na lamang ang lalakad papunta sa coast guard para ipaliwanag ang sadya mo." Tumango siya bilang tugon.

At gayon na nga ang kaniyang ginawa nang dumaong ang lantsang sinasakyan sa baybayin malapit sa coast guard. May nakita siyang bulto ng tao kaya agad niya itong nilapitan. "I am here to apply as a horse breaker." Akala niya ay ipagtatabuyan siya ng may edad ring lalaki subalit ngumiti lamang ito at iginiya siya pasakay ng four-wheel drive na jeep at tinungo nila ang isang mahabang lubak-lubak na daan.

Napapalibutan ng makapal at malagong puno ang paligid kaya't kakaunti lamang ng sinag ng araw ang lumulusot roon. She was fascinated by the view, napaka-exotic at untouch ng paligid. May namataan pa siyang wild animals sa paligid at ilang wild flowers na ngayon niya lamang nasilayan. Perhaps, she won't regret for staying there. Nilanghap niya ang sariwang hangin na kahit alas dyes na ng umaga ay malamig parin sapagkat nasisilungan ng malagong puno ang daang tinatahak nila.

"Hindi ko na pinagtakhan na mapunta ka rito ening, at ang sabi mo'y mag-aapply ka bilang tagapagsanay ng kabayo, aba delikadong trabaho iyan para sa babae. Ngunit sa nakikita ko ay kaya mo naman ang gawain kaya hindi na ako nag-atubili. Isa pa ay kinakailangan na talaga sapagkat matanda na si Rosita at hindi pa pumaparito ang kaniyang apo na sana ay mag-aasekaso ng buong isla." Pahapyaw nitong kinuwento ang tungkol sa tatlong magkakapatid na tagasanay rin ng kabayo noong mga dalagita pa lamang ito tulad niya, and she was surprise. Kaya hindi rin kataka-taka sa matandang si Erneo na sanay itong makakita ng babae sa kwadra habang nasa likod ng kabayo.

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon