Chapter 18
PILIT na ngiti ang pinakawalan ni Hera, ang mama ni Ralth at itinuon ang atensyon sa pagkain nito. Nakahinga ng maluwag roon si Alli subalit naroon parin ang pagkakaasiwa niya. She can't blame them lalo pa at ngayon lamang siyang nagpakilala rito at biglaan ang lahat sa kanila ng binata. Thanks to Mr. Cloud na nakangiti kung tingnan ang anak. Marahil ay alam rin ni Hera ang tungkol sa usapan ng mag-ama.
"I know how capable Allison is. She is very much skilful and strong woman," si Cloud sabay kumindat sa kaniya. Hindi maikakaila ni Allison ang paghanga sa matandang lalaki. Tila ba ito ang older version ni Ralth, not to mention Cloud is a big, tall man and she was sure ay may angking kagwapuhan din ito sa kaniyang kabataan. Cloud is in his mid-50's but it didn't mean ay hindi na nito nakukuha ang atensyon ng mga kababaehan. Allison is very much aware sapagkat may minsan din niya itong nakasama sa isang gathering and it was the launching of ZTech's new ship. Speaking of, naroon siya dahil sa undercover kay manslayer at kay Alexie Dixson.
That part where she regreted the most. Dahil sa pagkikitang iyon unti-unting bumabalik ang alaala niya sa paraan ng panaginip.
"I know that, Papa kaya nga siya ang napili kong pakasalan."
May diin sa tuno ni Ralth sa salitang napili, she felt insecurity, somehow. Na para bang isa lamang siyang display sa isang estante na tila no choice kundi ang kunin siya. Bakit nga ba siya pumayag sa nais nito? She never agreed on it, dahil tila utos iyong inihayag sa kaniya ni Ralth and she wanted to punch him for that. Kahit na agent siya ay hindi siya tumatanggap ng ganoong uri ng utos, even Zy would never do that to her.
"Is Papa Hades will come?" biglang singit ni Sean na puno ng sauce ang gilid ng labi sa kinain nitong pasta.
Napansin niya ang pagtitinginan ng tatlo sa kaniyang harapan. She felt something odd. May hindi ba pagkakaunawaan sa pamilyang Sevilla? Ano marahil iyon? Iyon ba ang tungkol sa isyu ng magkapatid? And with that, she remember her twin sister. Hindi pa niya ito nakakamusta matapos ang nangyari tatlong araw na ang nakararaan. She is worried but still naroon parin ang pagkapoot niya rito.
"Yes, baby. In fact Papa Hades will bring pasalubong for you." Si Ralth sa masiglang tinig at sinubuan ng pasta ang bata kahit pa medyo malayo ito sa kaniya. He even crossed the table to reach him.
"Pasensya kana Allison, sadyang mapaghanap lang si Sean sa ama," despensa ni Cloud na hindi naman karapat-dapat na gawin. Wala namang problema roon dahil family matter and she is not part of that family. Well, soon. Hopefully.
"Hera, kausapin mo naman si Alli. Hindi iyong nagmukha kang pepe diyan at iwas na iwas sa mamanugangin mo. She is different form--" hindi na natuloy ang kung ano man ang sasabihin ni Cloud nang mag-angat ng tingin si Hera. Kung kanina ay nakataas ang kilay nito at matalim kung tumitig sa kaniya, ngayon ay nakanguso ito.
"Panira ka ng trip, alam mo namang trying hard ako sa pagiging kontrabida ehh. Sorry Alli kung ganoon ang trato ko sa iyo. I was just testing you. Ang akala ko ay tatarayan mo rin ako pero, snob ka."
Hindi malaman ni Allison kung matatawa o lalong maasiwa. Okay, there is member of the Sevilla family na weird and that is Hera. Ngunit ang nagpa-intriga sa kaniya ang salitang naputol ni Cloud.
"Pati ba naman sa bagong bisita?" untag ng isang malalim na tinig mula sa kaniyang likuran. Was that the other Sevilla? "Hey, buttercup I got you something." Agad niyang nilingon ang nagsalita and she drolls like a maniac. This must be Hades and damn, he was gorgeous and masculine in his way. Tall, dark and dangerous. Matangkad ito na pakiwari niya ay hanggang balikat lamang siya kahit pa ang tangkad niya ay hindi natural sa mga Pilipinang babae. Isang tikhim ang nagpabalik sa kaniyang sarili si Allison. Pagkalingon ay ang mukha ni Ralth ang nabungaran niya. He was staring with animosity in his ocean blue eyes. But she ignored it at muling bumaling kay Hades na nakaupo sa tabi ng anak habang sabay nilang binuksan ang paper bag na dala nito.
BINABASA MO ANG
Her Formidable Sin (COMPLETED)
ActionShe woke up from the dead. From the nightmare. Dahil sa isang misyon ay natagpuan na lamang ang kaniyang sarili sa isang kwadrong silid, kulay puti, lying on her death. And from the moment she woke, she don't know who she is. Walang kakatiting na al...