CHAPTER 4
"GOOD day phantom. This is your first mission." Saad ni Mommy T. Inabot nito sa kaniya ang folder na sa wari niya ay naglalaman ng files para sa bagong target. Humantad sa paningin niya ang mukha ng isang lalaki sa larawan, hindi iyon pamilyar kundi nakatitig lamang siya sa larawang naroon.
"Won't say anything? Kaya mo ba? O baka gusto mong pass muna at handi ako magdadalawang isip na ibigay kay Aki ang misyon. She's free." Naroon ang pormal at malamig nitong tono. Perhaps, disappointment. Ilang araw na niyang ginugugol ang sarili sa pagti-training mag-isa. Kaya marahil hindi siya binibigyan ng misyon noon ay nag-aalala ang mga ito nab aka ay mag-relapse siya.
Tama na ang dalawang taong mahigit na pamamahinga. Hinahanap siya ng kapalaran, ng sarili. Misyon ang kusang lumalapit and she don't want anyone to be disappointed again.
"It's just—I am overwhelmed kasi unang misyon ko ito rito. Thank you for this." Iyon na lamang angisinatinig niya gamit ang masiglang boses. Trying to console this woman. Kunot noo niyang binalingang muli ang larawan. Walang imik na lumabas ng opisina ni Thalia Mozqueda habang nasa profile parin buong atensyon.
Lulan ng McLaren F1ay tinungo niya ang dating apartment. Kasalukuyang nasa Berlin ang dalaga at si Mommy T for some reason at siya ay ang pagnanais na malaman kung sino at ano siya dati. Ayon kasi kay Thalia o mommy T ay nanatili siya sa Berlin ng ilang panahon. She hopes that through it, she could find the answer. Na kusang babalik ang alaala niya kung mananatili siya roon. Though the apartment is much familiar pero nag-uulap lamang ang kaniyang memorya and her head aches again. Ayaw niyang pilitin kaya hahayaan na lamang ang mga bagay-bagay at ang oras. Kung babalik ang memorya niya'y ipagpapasalamat niya dahil lubusan niyang makikilala ang sarili, at kung hindi ay bahala na.
Hininto niya sa tapat ng apartment ang kotse, nagsuot ng leather jacket, isinuksok sa beywang niya ang kalibre 45 beretta type na kulay pilak. Pinusod ang buhok gamit ang stilettos type dagger. It was familiar thing to do at nakasanayan na niya.
Bumaba siya at sinipat ang parameter. Ang apartment ay napapaligiran ng hindi gaanong kataas na mga establisyemento. Karamihan dito ay nasa dalawa o tatlong palapag lamang ngunit hindi siya maaaring magpakakampate. Mas malaki ang tyansang may mga kalabang umaaligid lamang lalo at maraming pasikot-sikot sa lugar na kaniyang kinatatayuan. Nasa ikalawang palagpag ang kaniyang dating silid ayon sa napagtanungan niya. At mula kay mommy T. Alam niyang may alam ito tungkol sa kaniya, every single detail of her. Nangangati mang tanungin ito ay pinilit niyang huwag gawin. She wants to remember her past sa sariling pamamaraan. Mas matatanggap niyang lahat kung paunti-unti at sa kaniya mismong utak manggaling.
Inakyat niya ang ikalawang palapag bagaman naging alerto sa buong paligid. Wala siyang naramdaman kakaiba maliban sa kabang lumukob sa dibdib niya tuwing pumapasok sa silid na iyon. A weird and odd thing she can't name. she felt strange to that room.
Naka-lock ang pinto mula sa labas ang she sighed in relief. Sinuksok niya roon ang susi at dahan-dahang pinihit ang door knob. Nasa ganoon siyang posisyon nang may biglang tumawag sa ngalan niya.
"Alli?"
Agad siyang umayos ng tindig at hinarap ang taong tumawag sa kaniya. It was a man wearing thick and big eyeglasses, smiling at her. "Y—Yes?"
"Oh my god! Is that really you? I am so glad you're alive." Anito at akmang lalapit sa kaniya kaya inihakbang niya paatras ang isang paa upang iwasan ang lalaki.
"Well, thank you but I have to go inside. I mean, I need some rest." Pagdadahilan niya.
"Right. Say hi to Adi me." Kumaway ito paalis. Ilang sandali siyang natigilan nang maalala ang pangalang binanggit ng lalaki. Somehow, she felt peculiar again. Adi, it's a renowned name. Kakaibang damdamin ang lumukob sa kaniyang puso. But then again, she shook her head to erase those thoughts.
BINABASA MO ANG
Her Formidable Sin (COMPLETED)
ActionShe woke up from the dead. From the nightmare. Dahil sa isang misyon ay natagpuan na lamang ang kaniyang sarili sa isang kwadrong silid, kulay puti, lying on her death. And from the moment she woke, she don't know who she is. Walang kakatiting na al...