Chapter 27

67 10 3
                                    

CHAPTER 27

MALUTONG na sampal ang inabot ni Thalia mula kay Francisco. Duguan na ang kaliwang parte ng kaniyang labi at namamaga na rin ang kaniyang pisngi. Isa pa ay tila nabali ang buto ng kaniyang kalingkingan na siyang pinilipit ni Fran kanina nang tawagan si Allison.

Masakit ang buong katawan niya sa sipa at sapak ng tauhan nito. Namamaga rin ang kanang binti niya dahil sa malakas na paghambalos ng stainless tube noong isang araw. Mabuti na lamang at iyon lamang ang natanggap niyang torture mula rito. Kaya niyang tiisin iyon.

Alam na niya na darating ang araw na mangyari ito. Sukdulan na ang kahibangan at kasakiman sa kapangyarihan si Fran. Kung noon ay para gantihan lamang si Fabián, ngayon ay hindi na. Ang paghihiganti ay napunta sa pagiging gahaman.

And now she was abducted and tortured para hindi niya kakayaning humawak ng posisyon sa Orders of the Five. And Fran would do everything para lamang maluklok sa posisyong iyon. Ngunit hindi siya natatakot, sinuong na niya ang impyerno noon, ilang beses na rin niyang nakatagpo si kamatayan. Ano pa marahil ang ikakatakot niya?

"Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, Fran. Wala kang mapapala sa akin," aniya at ngumisi.

"Mayroon, Thalia. Gagawin ko ba ito sa iyo kung wala? Hindi mo na hawak ang alas."

"Ano bang nagtulak sa iyo para gawin ito? Kung ang paghihiganti kay Fabián ay patay na 'yong tao. This," tukoy niya sa mga bagay na ginawa ni Fran sa kaniya. "This is all worthless, Fran. Nahihibang kana."

"Well, masaya sana kung narito si Favian at buhay. Magiging masaya ang reunion niyo habang pinapatay ko kayo isa-isa sa harap ng mga anak niyo. That would be fun. Pero imbes na si Favian ay si Tamara nalang."

Saka ito sumenyas sa isang tauhan nito. Maya-maya ay may babaeng nagsisigaw na pakawalan siya at pamilyar ang boses ng babae. Si Tamara, ang kaniyang kambal. Pabalyang pinaupo ng isang bruskong lalaki si Mara sa isang selya at doon ay ginapos. May takip pa ang ulo nito kaya sigurado siyang hindi alam ni Mara na naroon siya at pinagmamasdan ang kapatid.

Nang hustong maitali ay saka pa nito tinanggal ang bagay na nakapiring dito. And Tamara eyes widened as she saw her. Para itong nakakita ng multo.

"What's the meaning of this?" naguguluhan nitong tanong habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Fran. "I thought you were working together, 'di ba't nasa iisang organisasyon kayo at magkatulong kayong nagpabagsak sa CDJ."

"Iyan din ang akala ko," sabad niya. "At nagkamali ako ng taong pinagkatiwalaan." Subalit umismid si Tamara.

"It's a good thing dahil pinagkatiwalaan mo pala ako, Thalia. But sorry not sorry, hindi ka marunong tumingin sa kung anong totoo sa nagkukunwari. Well, I'm just too good at being hideous," he proudly pronounce.

"Bullshit!" Tamara cursed.

Galit siyang tinitigan ng kapatid, hindi niya malaman kung bakit sapagkat sa kanilang dalawa ay siya dapat ang galit dito. Tamara once took the man of her life, si Favian. Iginigiit ng kaniyang kapatid sa mga magulang na inagaw niya si Fabián mula rito. The part that she understood dahil unang nagkakilala si Fabián at Tamara dahil pareho itong agent ng MI-6 noon.

Nang minsang sumama siya sa kapatid na magtraining ay doon niya nakilala si Fabián na noo'y binata, makisig at maraming alam sa pakikipaglaban. Since that day, they became friends. Subalit nararamdaman niyang lumalayo ang loob ni Tamara sa kaniya habang napapalapit siya sa binata. And Tamara keeps telling her to stay away from Fabián sapagkat may pagtatangi rito ang kapatid. She tried subalit ang binata na ang lumalapit sa kaniya.

Nagpahayag ng damdamin si Fabián sa kaniya, amd she too was being in love with him. They were dating secretly for almost a month, at nang malaman ni Tamara ang tungkol doon ay tuluyan na siyang kinagagalitan ng kapatid. Tamara even made stories para lamang mailayo siya kay Fabián.

Tamara was a hindrance sa kanilang love story noon sapagkat tumiwalag ito sa org at nag-iwan pa ng issue na isa siyang spy. Na pinaniwalaan rin ng lahat maging si Fabián at nagsuhestyon ng isang undercover mission at siya ang gagawa niyon. Ayaw ni Thalia noong umpisa, alam niyang pain iyon ng kapatid. Subalit mapilit ang nobyo niya at hinayaan na lamang ito.

Iwas na iwas siyang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon ngunit para bang pinaglalaruan sila ng tadhana. As much as she avoided it ay kusa itong lumalapit. At kung papaano napasok sa kwento si Fran? Matalik na magkaibigan sila ni Fabián, at may lihim na pagtatangi kay Tamara. Ilang beses na nagpahayag ng damdamin ang binata sa kaniyang kapatid ay paulit-ulit na rejection ang tinanggap nito.

The undercover was effective noong simula, subalit makaraan ang ilang linggo ay hindi na halos nagre-report si Fabián tungkol sa misyon. Magkasama ang dalawa palagi kaya nagtataka na sila, at siya ay abot langit ang paninibugho. Pareho silang nagulat ni Francisco nang malamang ikakasal na sina Fabián at Tamara. Doon magsimula ang kagustuhang makaganti ni Fran sa kaibigan. Sa pagkakaalam niya ay may usapan ang dalawa, a promise na hindi guguluhin ni Fabián ang damdamin ni Tamara so that she could learn to see Francisco's value.

Siya'y walang nagawa kundi ang ilihim na lamang ang pagkapoot niya para sa kapatid at kasintahan. She felt betrayal subalit bago ang kasalan ng dalawa ay nakiusap si Tamara hayaan siyang sumaya sa piling ni Fabián. Mahal niya ang kapatid, mahal niya rin si Fabián. Naiipit siya sa sitwasyon, kaya kahit masakit ay nagparaya siya.

Ngunit bago nangyari ang kasalan nina Tamara at Fabián ay ikinasal silang lihim ni Fabián. He did his promise. Kaya nang mangyari ang pekeng kasal ng kapatid ay masaya siya. Isa pa ay nagbunga ang pagmamahalan nila ni Fabián.

"Papunta palang tayo sa exciting and thrilling part. Hawak ko rin si Addison at papunta na roon si Allison para sagipin ang kapatid."

Nagkatinginan sina Tamara at Thalia, pareho ang kanilang naisip subalit naunang magsalita ang kaniyang kapatid.

"Why would she do that? Galit si Alli kay Addi."

Subalit umiling si Fran. "Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo, darling? Bumalik na ang alaala ni Alli, at oo galit nga siya sa kakambal niya. Pero papunta siya doon dahil akala niya ay si Thalia ang naroon." Paliwanag nito.

"Buntis ang anak ko, Fran! Kapag may masamang nangyari kay Addison, papatayin kita!" Sigaw ni Tamara. Thalia can't believe what she saw from her sister. Galit ito at the same time ay nag-aalala sa anak. She must've love the twins. Sa tagal ba na namalagi ang mga ito sa puder ng kapatid.

"Don't worry, alam ko namang buntis si Addi kaya nasa easy level lang ang binigay kong parusa. Nothing would happen if she can handle the punishment. Pero hindi ko naman talaga sasaktan si Addi, I loved that kid, masunurin. Tingnan mo nga naman ang ginawa nang ipag-utos kong patayin ang biyenan niya sana."

"Allison took the man down! Hindi si Addi," pagtatama ni Tamara na nanlilisik ang mata sa galit. Kung nakawala na siya kaniya pa ay baka hindi na nakadaldal pa itong si Francisco. But damn! Mahigpit ang pagkakatali niya sa silyang bakal na iyon.

"I know, pero obedient ang batang iyon. Job first before her heart," 

"Because you manipulated her just like the way you did to me. You make me believe with all that damn lies!" Sigaw ni Thalia. Hindi siya nakatali kundi nakaupo siya at nakasandal sa pader. Wala na siyang lakas na pumiglas sapagkat namamaga ang kaniyang binti at puno ng bugbog ang kaniyang katawan. Noon pa man ay nagapos na siya sa pagmamanipula nito. Ginagamit ang tanging alas niya laban sa kaniya. Because Fran knows everything about her and her secrets.

"Hindi ba uso sa iyo ang kasabihan, walang manloloko kung walang nagpapaloko? God, Thalia you were so naive and vulnerable,"

"And you take your advantage," Thalia added in rage. Minsan na niyang pinagkatiwalaan si Francisco sa isang bagay na lubos niyang pinagsisihan. Noong una ay para lamang tugisin si Favian for his betrayal sa organisasyon subalit nang malamang pinatay nito ang kaniyang mga magulang ay doon niya kinapopootan ang dating kaibigan.

At ganoon din ang galit niya kay Tamara nang iwan nito ang mga anak para hanapin si Fabián na noon ay nankatakas. Galit rin siya sa dating asawa subalit patay na ito kaya ibinaling niya'ng lahat sa dalawang taong nasa harap niya. Hindi niya kailanman mapapatawad ang dalawa sa mga kasalanan nito.

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon