Chapter 16

84 11 5
                                    

Chapter 16

"WHAT do you mean she's gone?" Ralth asks furiously. Halos mabasag ang mga ngipin niya sa pagtatagis. Pabalik-balik na siya sa opisina ni Francisco subalit iisa lamang ang sinasabi nito.

"Ito na nga ang sinasabi ko sa iyo, bata. Kung noon mo pa sana isinagawa ang pinag-uutos ko sa iyo 'di sana ay hindi na makakaalis si Allison." Giit pa ni Francisco. Subalit may plano siya, hindi! Sadyang napakahirap gawin ang kaniyang binabalak, napaka-komplikado ng lahat.

Tiim bagang niyang tinitigan ang kaharap. Sadyang sinasagad na ni Francisco ang pasensya niya. Oo nga at nagtatrabaho siya rito bilang spy, ever since he was in his teenage at hanggang ngayong bente-syete anyos na siya. He never fails his job, not until Allison happened.

Francisco gives him the mission two years ago, iyon ang araw ng malaman nito ang tungkol sa dalaga and her memory loss. Hindi naging sagabal sa kaniya ang dalaga for the first year na naroon ito sa organisasyon at nagti-training. Dahil lang din naman sa usapan nila ni Thalia. But then he learned about Allison nang ipahalungkat nito ang files sa MI-6. He was threatened, akala niya ay iba ang Allison na ito sa batang nakita niya noon akap-akap ang kakambal. The kid saw his face, sigurado siya roon kaya't pinahanap niya ito and he found her again under Thalia's shelter. Hindi niya kaagad naisagawa ang plano.

He waited 'til the kid turned in her teenage year nang mag desisyon itong hanapin ang mga magulang kasama ang kakambal. Mula noon ay wala na siyang balita sa kambal hanggang sa muli itong sumulpot sa loob mismo ng main headqauters nila sa Spain at saka niya ipinagpatuloy ang matagal na niyang balak.

Noong una ay motivated si Ralth na gawin ang trabaho, halos araw-araw niyang minaman-manan ang dalaga mula sa malayo. He was waiting his perfect time to assasinate her subalit biglang umeksina ang kaniyang Ama.

"The house's needed your presence, son." Anito sa nababahalang tinig. Hindi niya matanggihan ang ama at sa kaniyang pag-uwi ay nalaman niya ang suliraning kinakaharap ng kanilang pamilya. He got pressured kaya't hindi na niya natutukan ng maayos ang trabaho bilang Spy. Naroon pang binigyan siya ng panibagong trabaho ng Ama, at dumagdag pa ang ilang trabaho mula sa iba't ibang cliyente. He wasn't just a spy but an assassin at pareho iyong pinapakinabangan ni Francisco.

At ngayong nalaman niyang nawawala si Allison, everything was fucked up. "Hanapin mo siya at patayin sa lalong madaling panahon. Nauubos na ang oras ko and I want her dead sapagkat iyon ang ticket ko para mapabilang na sa Orders of Five!" pagbagsak na tumayo si Francisco at tumalikod. Kung hindi siya nagkakamali ay ang dating posisyon ni Alexie Dixson ang tinutukoy nito. Kabilang ito sa Orders of Five na siyang humawak sa CDJ, subalit dahil sa matandang alitan ay bumuwag ito at ipinagpatuloy ang nasimulan. Ang kaniyang ama na si Cloud Sevilla na siyang namahala sa isa pang org.

Ang namahala sa Lumerie Org ay si Thalia, at may dalawa pang hindi natutukoy. Iyon ang kaniyang pinag-aaralan kung hindi lang nawawala si Alli. He could have made his mission accomplish. But Allison is his top priority.

Naningkit ang mga mata ni Ralth at masamang tiningnan ang nakatalikod na si Francisco. "Matagal ko na siyang minamanmanan, at kilala ko si Allison. She won't go-off unless she is provoked. May ginawa ka ba para maging dahilan ng pag-alis niya?"

Natilihan ng bahagya si Francisco at saglit ring naglaho. Subalit hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. He was right, sadyang may ginawa ang matandang ito kaya't umalis si Alli ng walang paalam.

Siya nama'y walang pasitabing lumakad at umalis sa silid ni Francicso. Tama si Zen, he was totally damned. Saan niya ngayon hahanapin ang mailap na tigreng iyon? Inilabas niya sa parking lot ang four-wheel drive at mabilis iyong pinatakbo hanggang sa marating ang unit niya. Sa parking lot pa lamang ay may napansin na siya subalit ipinagsawalang-bahala niya iyon.

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon