Chapter 24

64 10 5
                                    

CHAPTER 24
 
Nang sumunod na araw ay nagyaya si Ralth na sa labas sila mag-dinner. She was then surprise subalit may saya siyang nadama sapagkat tila narinig ng asawa ang panaghoy niya.
 
"Why are you doing this?" tanong niya habang ang mga mata ay nakatuon sa mga pagkaing nakahain sa kanilang mesa. It was an Italian set at ayon kay Ralth ay kaibigan ng kuya niya ang may-ari ng resto. It was a typical resto, not so fancy and not too shoddy. Ang pinaka-gusto niya ay ang pagiging simple ng lugar.
 
"I'm just doing my part, dahil naging busy ako lately and I want to make it up to you," he answered with a smile on his face.
 
Isang tango ang kaniyang itinugon at sumimsim ng wine. 
 
"Why did you bring me here?"
 
Kumunot ang noo ni Ralth sa tanong na iyon. He was half annoyed sapagkat para bang kay layo ng loob ng asawa sa kaniya. He was making effort para makabawi subalit tila hindi ito na-a-appreciate ng asawa. 
 
"Well, this place is special for us, lalo na kay kuya Dem at kuya Ash. And I brought you here because I wanted to celebrate our first wedding monthsary to make it more special."
 
Isang buwan na pala silang mag-asawa. Lumipas pala ang mga araw nang hindi niya namamalayan. Parang kahapon lang ay ikinasal sila. Ganoon na ba siya ka busy para hindi iyon mapagtuonan ng pansin? 
 
Bakit sa isang buwan ay para silang estranghero sa isa't isa. She barely talk to him, see him and now they are celebrating that damn monthsary like a normal couple. How ironic!
 
Eksaktong pagbaba niya ng kopeta ay may babaeng tumawag sa pangalan ng kaniyang asawa at kumaway ito.
 
"Ralth!" masaya itong naglakad patungo sa kanilang table. She rose her eyebrows in an instant nang bumeso ang babae sa asawa not minding that she was there looking at them.
 
"Why you're here? Oh, I would like you to meet Allison, my wife. This is Karen," and he held her hand in a gentle way. Kunway ngumiti si Allison ng bahagya forcing a friendly look.
 
"Oh, we finally meet Mrs. Sevilla. It's a pleasure to meet you." Anito at saka bumeso sa kaniya na hindi naman nagkalapat ang kanilang mga balat.
 
"Nice to meet you too, Karen." Naalala tuloy niya ang mutchacha ng kaibigan niya. Well, the maid Karen was likable and talkative and friendly. Pero hindi ang Karen na ito.
 
"Am I ruining the moment? I'm sorry but I really have to talk to Ralth, alone." She said with a pleading eye. What an actor.
 
Binaling niya ang tingin kay Ralth, and she saw him mumbled sorry. Hindi pa man siya nakapagsalita ay tumayo na ang asawa at iginiya si Karen palabas ng resto. 
 
Allison felt neglected and abandoned. She can't help but to sigh in disappointment. Like what he said, he's sorry. Pero hindi ata matatapalan ng sorry nito ang paninibugho niya. That woman, ito ang kasama ni Ralth sa isang silid noong nakaraang araw. Sa puntong iyon ay halong poot at selos na ang kaniyang nadama. She can't bare that her man was talking to the other woman privately. Kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa ay hindi niya alam.
 
Isa pa, ay nagtataka siya kung bakit si Karen at Ralth ay naroon sa headquarters nang araw na iyon. Alam niyang assassin rin si Ralth but it was a first time na matyempuhan niya ito roon gayong hindi naman ito nabibilang sa Lumerie Org sapagkat ang lahat ng agents doon ay pawang kababaihan lamang sa pamumuno ng tatlong elders. It must have been Karen. Subalit iyon rin ang unang beses niyang makita ang babae sa headquarters.
 
"What's really going on?" she groaned in frustration.
 
"What's going on is that, your husband is talking to his ex-girlfriend."
 
Marahas niyang binalingan ng tingin ang nagsalita. It was the owner's wife. "Are you sure about this?"
 
Ngumiti ito at inilapag ang inorder ni Ralth na blueberry cheesecake in three serving. Naalala niya tuloy ang asawa na mamaw sa dessert na iyon. Na takam na takam sa kinakain habang nag-aalok ng kasal. She missed that side of him.
 
"No, my husband is. Siya nga dapat ang mag-serve nito but he appointed me, instead nang makita niyang lumapit si Karen sa table niyo. He was upset with what happened."
 
She was intrigued kaya pinaupo niyang saglit si Daisy. "Tell me what I have to know about this Karen." Nasa tono niya ang authority, ayaw mang gawin.
 
"The usual ex-girlfriend na obsessed sa asawa mo. Call me insensitive. Why don't you talk to him about this,"
 
"You should know what men are kapag pinag-uusapan ang tungkol sa kanilang exes." Subalit umiling si Daisy at ngumiti.
 
"If that will happen, try to turn the table on your side." And she winks at her and left.
 
Was she trying to say that she could manipulate this man, that easy? Oh, knowing her husband. Hindi parin nakakabalik si Ralth sa kanilang table and she took the chance para tawagan si Aki para kumuha ng impormasyon tungkol kay Karen.
 
"Leave it to me, jealous Alli." Saad ni Aki na may panunuksong tinig. Ibinaba niya ang tawag shaking her head off. Well, at least she had the right to be jealous.
 
Lumabas siya sa resto at hinanap ang dalawa sa paligid. Nasa parking lot ang mga ito. Stupidly, isiniksik niya ang sarili sa malagong halaman. She can hear them na pakiwari niya ay nagtatalo. Sa tono pa lamang ng pananalita ng asawa. Good thing, she never let him mad at her like that.
 
"Bakit ka ba nakikialam sa mga plano ko? You could have ruined it!"
 
"Yes, I really will kung hindi mo isasagawa iyon ng maayos. Ang akala ko ba ay sasabihin mo na sa asawa mo?" Si Karen na may pang-aakusa sa tinig.
 
Hindi niya matukoy kung ano ang pinagtatalunan ng dalawa, but when she heard them mentioning her, mukhang alam na niya.
 
"I can't. Hindi niya pwedeng malaman ito. Gagawa ako ng paraan."
 
She could not help herself kaya lumabas siya sa pinagtataguan at tinungo ang dalawa. "Anong hindi ko pwedeng malaman?"
 
Ralth look at her surprisingly, bahagya siyang pinasadahan ng tingin at muli ring ibinaling iyon kay Karen. Si Karen naman ay umaktong hindi nagulat, bagkos ay nakangiti pa ito.
 
"Well, I think this is the right time to tell her the truth. You must have known that Ralth married you to save his family's reputation, right?" Ibinaling ni Karen ang tingin sa katabi at ngumiti ito ng matamis. "Ralth and I are having a baby."
 
Hindi makaapuhap ng sasabihin si Alli sa mga sandaling iyon. She knock off and she manage to stay on her ground. "Oh, congrats!" Pinagsila niya pa ang boses at ngumiti. Si Ralth na sinawata si Karen sa susunod nitong sasabihin.
 
"Akala ko naman kung ano na, and yeah I am happy, really happy for you, both." And with that, she left.
 
Nang makaalis si Allison ay saka pa nagsalita si Ralth. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Karen at marahas na isinandal sa pader.
 
"What the hell did you do!" Ang anyo nito'y tila yaong leon na handang lapain ang katunggali. He was raging mad.
 
"Come on! Tinutulungan kitang mapadali ang trabaho mo. Let me go you, moron!" Sinubukan nitong pumiglas subalit lalong siyang idiniin ng binata. She can feel her blood stops, and she can barely breath. He was choking her to death.
 
"Hindi ko kailangan ng tulong mo, Karen. Maisasagawa ko ng maayos ang trabaho. Not get lost!" Binatawan siya nito ng marahas. Karen stood up in defiance kahit pa namimilipit sa sakit at humihingal.
 
"You'll pay for this, Ralth Sevilla. For everything you've done to me! I swear!" Saka ito tumakbo papalayo sa binata.
 
Napahilamos ng marahas si Ralth. He couldn't believe what have just happened. He ruined everything. Papaano siya makakabawi sa mga kasalanan niya. Naging magulo na ang sitwasyon nang dumating si Karen.
 
Ginagamit ni Francisco ang sariling pamangkin para takutin siya. That man in his dirty tricks. Kailangan niyang dispatsahen si Karen kung ayaw niyang maunahan siya nito. Damn!
 
May dapat pa siyang aaysuin.
 
Mula sa back door ay natanaw niya si Dem na dismayadong nakatitig sa kaniya. Subalit wala siyang panahon para kausapin ito. Higit sa lahat ay si Alli ang dapat niyang bigyan ng paliwanag.
 
He drove back home, habang nasa daan ay tinawagan niya ang asawa subalit unattended ito. He cursed at tinawagan ang hotline number ng kanilang bahay. Walang sumasagot, ibig sabihin ay hindi ito umuwi.
 
"Where the fuck are you, wife,"
 
Saka niya naisipang tawagan si Shan. Ilang ring pa ang lumipas bago sagutin ang tawag niya. 
 
"Yes, hello."
 
"Where is Allison?" Agad niyang tanong. Narinig pa niya ang mahinang mura ni Shan sa kabilang linya.
 
"Hanapan ba ako ng nawawalang Allison? At kung alam ko, bakit ko sasabihin?"
 
Bullshit! Bakit ba kay tigas ng ulo ng mga babae. "Just tell me if you know!"
 
"Nagkagalit kayo? My ghad! If I were you, hayaan mo muna si Allison. She need some space and time to think. 'Yan ang hirap sa inyong mga lalaki, gusto niyo madalian." He was hit by that word. Was he rushing things? Ano naman ngayon kung umalis ito at nag-iisip. Isa pa ay hindi ganoon kadali mag-convince ng isang Allison Mackenzie. She always wanted to know the truth first bago ito mag-react. "Sasabihan kita 'pag may alam ako."
 
Ipinarada niya ang kotse sa garahe. Tuloy-tuloy ang kaniyang pagpasok kaya't hindi niya napansin ang asawa na nakaupo sa couch na kanina pa siya hinihintay.
 
"I should know you will act like nothing."
 
Instantly, Ralth stops from taking a step. Saka pa niya nadama ang presenya ng asawa. No one bothered to open the lights at hinayaan ang madilim na paligid.
 
"Because what Karen had told you was nothing. Hindi siya buntis." Paglilinaw niya.
 
Allison snorted. "Yeah, I know. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit lagi kayong nagkikita nitong nakaraang araw. And you didn't bother to tell me." Pag-aakusa nito.
 
"How did you?" 
 
"Stop pretending, Ralth. Walang piring ang mga mata mo, at hindi ka rin bingi. Alam mo kung sino ako."
 
Was she talking about her job as an agent? Alam niya iyon mula pa noong umpisa.
 
"So, this Karen was your ex and she still obsessed with you. And you keep seeing her behind my back. Are you enjoying of keeping us both?" Patuloy ni Allison. Kung hindi pa nakapatay ang ilaw ay baka hindi niya masabi ang mga salitang iyon. She don't want to be weak in front of him. Pagtatawanan lamang siya nito.
 
"I am seeing her dahil sa trabaho. Believe me, wife." Lumapit si Ralth sa asawa. He can only see her silhouette at hindi iyon hadlang para hindi malapitan ang asawa. He hold her hands tight.
 
"Tell me, how could I believe a man like you if you're keeping a secret. You've never told me earlier that Karen was your ex, hindi ko pa malalaman kung walang nagsabi sa akin."
 
"Am I keeping a secret, wife?"
 
"Yes you are, mula pa sa simula. You were so distant, you were so deep and hideous. Everything about you was a mystery. Tell me, sino ba talaga ang Ralth na pinakasalan ko?"
 
Hindi niya iyon gustong sagutin. Wala siyang balak. "Wife,"
 
"Stop this nonsense, Ralth. Alam kong wala akong karapatan dahil tulad nang sabi mo'y asawa lamang kita sa papel. Maybe it is safe for us this way." And stormed off. Slamming the door out of his face.
 
Lumundag siya sa kama at ibinaon ang mukha tyring to keep her sob in silent. Nasasaktan siya, naguguluhan. Hindi niya naiintindihan ang sarili. Things were different and strange. Iyon ba ang kapalit ng lahat? 
 
Bakit ba kailangan siyang parusahan ng ganoon? She only love this man so much, ngunit bakit kay hirap. She felt empty, dissatisfied. Hindi iyon ang buhay na pinangarap niya. It was far from that.
 
She felt herself loosing her track. Hindi maaaring maging ganoon ang buhay niya sa susunod pang mga araw. She have to find and fix herself. Hindi ang tulad ni Ralth ang magpapabagsak sa kaniya.
 
Phantom should fly and soar again.
 

Her Formidable Sin (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon