"Kameron, mag-usap nga tayo," seryoso niyang wika sa binata. Nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na makausap ito dahil abala ito kanina sa kaniyang ama at kapatid. Kaya lang, naamoy na rin niya ang alak dito dahil nakipag-inuman nga ito. "Bakit hindi mo sinabi sa mga magulang ko ang totoo? Akala ko ba, you won't tolerate this thing. Mukhang nagbago yata ang ihip ng hangin."
Ito na lang ang naiwan sa pool side habang kaharap pa rin ang natirang alak sa bote. She still doesn't believe what it said earlier. Hindi rin niya naiintindihan ang takbo ng iniisip nito gayong hindi na nga maipinta ang mukha nito kaninang kinomprota siya.
"Maupo ka at mag-usap tayo," utos nito habang nilalaro ang yelo sa basong may alak.
Hinila naman niya ang upuan saka umupo. "Nakaupo na ako. Anong drama na naman ito?"
"Aren't you happy with that? Isipin mo na lang na ito na iyong kapalit ng hinihingi ko sa iyo. And Tristan told me that your mother has heart problem. Ayokong isipin na ang magiging dahilan pa ng depression niya ay ang balitang hindi naman totoo."
"Kinausap ka ng kapatid ko?" Nabigla siya sa sinabi nito. "Pero bakit gagawin iyon ng kapatid ko?"
"Ginagawa ng mga nakakatandang kapatid ang kanilang tungkulin para lang protektahan ang pamilya. Isipin mo na lang na ganoon nga. But don't think that it would be easy as that since it's part of pretending ourselves. Hindi ito madali para sa akin."
Nakaisip na naman siya ng kalokohan dito. "Then gawin nating madali. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ipagkakalat sa iba ang tungkol dito. Alam ko naman na napipilitan ka lang sa kagandahan ko at kung wala ang pinagkasunduan natin, malamang isinumpa mo na ako." Manigas ka ngayon dahil titiisin mo na mag-jowa tayong dalawa. At least man lang sa ganitong paraan maramdaman ko ang pagiging nobya mo. "Ano pala ang itatawag ko sa iyo? Honey, my love, my darling?" asar na naman niya.
"Eh, kung ihulog kaya kita sa swimming pool?" masungit na naman nitong tugon.
Napakamot siya sa batok at ngumiwi. "Ito naman, hindi na mabiro. Masyado ka talaga marahas sa akin. Sige ka, kapag na-inlove ka sa byuti ko, wala kang libreng kiss!"
Tumayo ito bigla. "I'll go home. Baka makalimutan kong bahay niyo pala ito."
Tumayo rin siya saka niya pinigilan ito. "Teka, sandali! Maaga pa naman, ah!"
Napatingin ito sa pambisig na relo. "Maagang madaling araw na, Katrina. Oh, baka naman gusto mo pa ng goodbye kiss?"
"Shige! Este hindi! Hindi pa naman tayo tapos mag-usap tungkol doon, right? Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ang pagpapanggap na ito?"
He stared at her profoundly. "Do you want me leave or I'll throw you in the pool?" banta nito.
"Kameron naman... Kailan ba ka hindi magsusungit sa akin?" Tumabi naman siya sa daraanan nito dahil hinarangan niya ang binata.
"Kapag napasukan ng agiw iyang utak mo at tumino ka!" asik nito. "Uuwi na ako." Nagmartsa naman itong palayo sa kaniya.
"Kameron Severino, makikita mo! Pakakasalan mo rin ako!" sigaw niya.
"Mangarap ka pa!" ganting sigaw nito ngunit hindi na lumingon sa kaniya.
Siya naman ay napapailing lang saka bahagya napangiti. Sa pagkakataong iyon, waging-wagi na naman siya dahil ito na mismo ang nag-iisip ng paraan para sa kanilang dalawa. Pustahan tayo, Kameron. Mai-inlove ka rin sa akin. Pasasaan ba at bibigay ka rin. Hinayaan na lamang niyang lunabas ito at siya naman ay pumasok na sa loob. Nagdiwang na naman ang puso niya dahil sa wakas, naging instant boyfriend niya ito. But she knows na parte lamang iyon ng pagpanggap ngunit malaking achievement na rin para sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/288830797-288-k949881.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Irascible Billionaire [R-18]
RomanceMakwela at isang mahaderang babaeng bakla ng taon si Katrina o Trina Ferrer bilang isang sikat na car racer at may sariling fashion business. She has a twin brother named Karl Tristan Ferrer and managed their car business both local and abroad. Halo...