Chapter 27

1K 20 0
                                    

PASADO alas-siyete pa lang ng umaga nang magising si Kameron at wala na sa tabi niya si Trina. Matapos silang biglaang ikinasal sa simbahan, sa kwarto na niya ito natulog. Napahikab na naman siya at tinatamad bumangon ngunit kailangan pa niyang hagilapin ang asawa niya at kung saan na naman ito pumunta. Nagtungo siya sa banyo at naligo muna.

The truth is, he was trying to used himself with Trina's presence. Kailangan niyang masanay na may asawa na siyang makulit at madaldal. But he was very thrilled and feels the fulfillment when everything went well. Ang mga kakulangan niya sa buhay noon ay napunan ngayon lalo na kasama niya si Trina. Napuna na rin niya sa sarili niyang may pagbabago dahil hindi na siya madaling magalit o uminit ang ulo. That's when he confessed her loves to her very sweet yet clamorous wife sometimes.

He was inside the restroom and then he shaved his face. Kakatapos lang niyang maligo at gusto niyang fresh siya sa paningin ni Trina. Mas lalo lang siyang naging conscious sa sarili niya at magpabango pa lalo. O marahil ay gusto niyang siya lang ang lalaking nakikita ni Trina. Habang nakatitig siya sa malaking salamin, naalala niya ang isang beses na pinagalitan niya ito dahil sa kaingayan sa loob ng kanilang bahay.

May meeting siya nang mga panahon na iyon at si Trina naman itong dinig ang boses sa buong village. Kitang-kita niya sa mukha ng dalaga ang pagkainis nito sa kaniya at ang nakanguso nitong mga labi. Hindi lang iyon, maraming beses pa. Minsan na lang ay napapangiti siya kapag naaalala niya ang mga nakaraan nilang dalawa. After reminiscing their days, he went out and take his clothes on for breakfast.

Pagkababa niya, narinig niya agad ang malakas na music na nagmumula sa kusina. Kasabay ng musikang iyon ay ang boses ni Trina na sumasabay sa kanta kaya naman curious siyang nilapitan ito.

Go on! Go on! Leave me breathless! Ohhh! C'mon!

Bumungad sa kaniya ang boses ng kaniyang asawa na abalang nagluluto sa kitchen na sinabayan pa nito ang pagkembot. Wala itong kamalay-malay na naroon siya sa bungad saka sumandal doon. Inilagay din niya ang mga braso sa dibdib habang pinagmamasdan lang ito sa ginagawa. He stared at her profoundly while staying at his position for a while. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong maigsing skirt hanggang butt nitong sumasabay sa indayog ng katawan nito.

Trina was just 5'6 in height, has below hair length, physically fit, have perfect butt for him and most of all, her pouted lips. Hindi siya madalas tumitingin sa pisikal na hitsura ng isang babae kahit pa marami siyang nakikilalang mas sophisticated at literal na magaganda both local and international. Ang iba pa nga ay mga sikat na model at celebrities na madalas kumakain sa restaurant nila. But Trina was different among of them, so it might the reason why he really loves her since from the start.

"Oh, c'mon—ay kalabaw!" Gulat itong napalingon sa direksiyon niya nang makita siya roon na nanonood. "May labs, n-nandiyan ka na pala."

Tinanggal niya ang mga braso sa dibdib, napangiti at napailing sa tinuran ng asawa niya. Marahan siyang naglakad papalapit dito na hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ni Trina. Nagbawi rin naman ito ng tingin sa kaniya habang inilagay nito sa plato ang niluluto.

"What's our breakfast, Mrs. Severino?" he asked while he turned to her back and embraced her tightly. He sniffed her hair and kissed her neck down to her shoulder. Hinding-hindi siya magsasawa sa feminine scent nito na lagi niyang hinanap-hanap.

"Itong usual breakfast lang, Labs. Inihanda na ito ni Aling Sonia but since inutusan mo siyang tumungo sa resort, ako na ang nagluto. Ngayon pagtiyagaan mo muna ang niluto ko dahil kung hindi magugutom ka."

Napangiti naman siya saka siya kunalas sa pagkakayakap kay Trina. "Do I have a choice? After this, we need to face the laundry." Hinila niya ang upuan at umupo.

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon