Chapter 16

922 23 0
                                    

Bago pa man tumulak sina Trina at Kameron patungong Mindoro, niyaya muna siya nina Kreisha at Kinne na kumain ng street food isang gabi. Isang sikat na kainan sa Tondo na madalas dinadayo ng karamihan. Since nagdadalangtao si Kreisha, pinagbigyan na nila.

Hindi na rin sila masyadong gumayak pa dahil alam naman nilang crowded ang lugar. Idagdag pa na maraming mga malilikot ang kamay sa paligid kaya kailangan nilang umastang taga-roon lang din. Ang masaklap lang ay may kasama silang ibang lahi. Knowing Kinne that she's half-Swiss and half-Filipino nationality. Ang kotse naman na ginamit nila ay ipinarada na lamang sa kakilala nila na malapit na condo unit ng naturang kainan.

"Hmm. Naamoy ko na ang ihaw-ihaw. Bilisan kaya nating maglakad at baka wala na tayong puwesto," yaya ni Kreisha sa kanila habang nagmamadali.

"Chill ka lang. I already called Mang Tonyo to reserve our table, Kinne said. Hindi naman ako papayag na susugod lang tayo rito lalo na at buntis ka, Kreisha. Wait, did your husband Raven knows that you are here?"

"Hmm. Feeling ko, tumakas na naman iyan sa asawa niya. Ayaw kaya siyang payagan ni Raven na lumabas lalo na at trimester period," wika niya. "Gurl, baka naman sugurin tayo rito ng asawa mo?"

"Ang sabihin mo, baka si Kuya Kameron lang ang susugod dito. Sus, Trina. Akala mo na hindi ko alam na niyaya ka ng kapatid ko sa Mindoro," pagbulgar ni Kreisha sa kaniya.

Nagulat siya. "Hoy, paano mo nalaman? H-Hindi ko pa nga sinasabi sa inyo?"

"Gurl, tumawag sa akin si Mang Isko at Aling Sonia. Sinabi nila sa akin na magbabakasyon si Kuya Kameron doon at may kasama raw na babae. At ang babaeng iyon ay nagngangalang Katrina Ferrer. Eh, sino bang Katrina Ferrer iyon kung hindi ikaw lang?" Bahagya diya nitong kinurot sa tagiliran. "Hoy, ikaw, ha. Lumalandi ka na talaga sa kapatid ko. Aba, baka pagbalik mo rito, juntis ka na!"

"Aw!" Napa-aw na lang siya ngunit hindi naman masakit ang tinuran ni Kreisha sa kaniya. "Eh, 'di mas maganda. Ayaw mo bang maging member na ako ng Severino Family? And well, patay na patay ako roon sa kapatid mong tuod, noh? Ano pa ba ang bago? Kulang na lang gagapangin ko iyon," nakanguso niyang tugon dito.

Natawa si Kinne sa kanila. "Seriously? Gagapangin mo siya? Baka hindi ka pa nakasampa sa kama ay sinipa ka na ni Kameron. Sa kakapalan ng pagiging tuod ng lalaking iyon, baka mag-rosaryo na lang kayo sa kwarto. Anyway, I am not against with you and him, huh. Boto pa nga ako sa inyong dalawa. Biruin mo, kinausap pa niya ang kapatid ko na pahiramin kayo ng chopper patungong Isla Bulalakaw. So, it seems that Kameron inviting you not for a kind of his jest lang. Mukhang totoo yata ang pinapakita ni Kameron sa iyo."

Bumaling siya kay Kinne na may kasamang amusement sa narinig. "Talaga, Kinne? Alam mo, gusto na talaga kita. Lagi mong binibigyan ng malaking chances itong pag-ibig ko kay Kameron. Pumayag naman si Wigo na pahiramin kami ng chopper niyo?" Hayun na naman at siya at nanaginip.

"Hindi lang pumayag, binigay pa ng kapatid ko. Ganyan ka galante ang kapatid kong cassanova at supportive sa mga kaibigan," tugon nito.

"Wow. Ang yaman ng kapatid mo. Sabagay, nasa lahi niyo ba naman ang mga aristocrat sa Switzerland." Muli siyang bumaling kay Kreisha. "See? Para kaming honeymooners ng kapatid mo!" pagmamalaki pa niya.

"Well, wala naman akong magagawa talaga kung ikaw na ang babae ng kapatid ko. Huwag ka lang iiyak-iyak kapag nagkaproblema kayong dalawa, ha! Naku, Trina."

Hinawakan niya ito sa braso. "Are you ready to welcome me in your family?"

"Naku, kahit noong bata pa tayo, welcome na welcome ka. Bruhang ito!"

"Thank you, besh! Magiging mabait akong asawa ng kapatid mo," nangisngislap pa ang mga mata niya.

Ilang minuto pa, naroon na sila sa puwesto nina Mang Tonyo. Hindi naiwasan sa paligid na may mga usok at crowded nga ang lugar. Gabi rin ang pinakamasayang kumain doon at mararamdaman ang makamasang paligid. Maingay din at kaniya-kaniyang diskarte kung paano nga naman dadayuhin ng mga tao mula sa iba't ibang lugar.

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon