Chapter 50

2.2K 40 6
                                    

PATAKBONG tinungo ni Trina ang banyo nang makaramdam siya ng pag-iba ng kaniyang sikmura. Talagang ibinuhos niya sa lababo ang mapait na lasa niyon na ngayon lang niya naramdaman. But she know that it was her first morning sickness as what the doctor said to her. Ang inakala niyang wala siyang nararamdaman ngayon, nag-uumpisa.

"Trina! Are you okay?!" nag-aalalang tanong ni Kameron sa kaniya. Naroon na ito sa likuran niya at hinihimas ang kaniyang likod.

"L-Labs, h-hindi ako okay. Masama ang pakiramdam ng tiyan ko at...nahihilo ako," sambit niya. Kumuha agad siya ng tissue para punasan ang bibig niya.

"Do we need to see a doctor?"

Lumingon siya rito. "Ha? N-No! I mean...morning sickness lang ito at magiging okay lang ako."

"I think you're not. Let's go and will need to see your doctor!" aligaga ito.

"Labs! Labs! Wait!" She cupped his face with both hands. "A-Ayos lang ako, okay? Pumasok ka na sa office at nandiyan naman ang nanay ko kung sakaling kailangan ko ng tulong."

Matagal ito bago nakasagot sa kaniya. "Okay. Just call me when you need help." Napatingin ito sa pambisig na relo. "I have morning meeting today. Sigurado ka na ayos ka lang?"

"Oo, Labs." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Halika na, Mr. Severino. Tiyan ko lang ito at yakang-yaka ko ito, okay?" Gusto na niyang matawa rito dahil mula nang malaman nitong nagdadalangtao siya, napaka-sensitive nito. Mas ito pa ang nag-aalala kaysa sa kaniya.

Kibit-balikat na lang din ito sa sinabi niya at inihatid pa niya ito sa parking sa baba. Ayaw nga sana nitong umalis pero napilit lang niya since kailangan niya ang deal nito. Mula kahapon, sunod-sunod din ang mga closed deal nito at events sa restaurants na hawak nito. Sunod-sunod din ang swerteng pumapasok sa kanila nang balitaan siya ng kapatid niyang nakabenta sila kahapon ng triple ang halaga. Wish ko na lang na sana maging okay rin ang baby namin. Malusog lang siya, masaya na ako.

THREE MONTHS LATER, muli siyang sumailalim sa ultrasound para malaman nila ang sitwasyon ng baby at dahil nauso ang gender reveal, ginanap nila ito sa isa sa mga restaurant na pagmamay-ari ng asawa niya. Naroon ang lahat ng mga kaibigan niya at kamag-anak nila ni Kameron para saksihan ang pinakamasayang araw na iyon. Halata na rin ang umbok ng kaniyang tiyan na halos pantay na sa tiyan ng kaibigan niyang si Kreisha. Ang weird nga dahil sa palagay niya, hindi lang isa. May lahi pa naman sila ng kambal.

"Good evening, everyone!" bati ni Kinne sa lahat. Isa ito sa host ng event kasama nito si Georgette sa harapan. "Before anything else, I would like to thank you that you are here tonight to witness the new upcoming member of the family of Ferrer-Severino. And at last, they made it through after the struggles they have been this past months. So, totoo lang, ayoko ng patagalin ito at excited na kami ni Georgette to do the gender reveal. And take note that this is really important to the both couple, Kameron at Katrina."

"Yes! Kahit ako ay excited na rin kaya naman let's do the gender reveal! Come here, Kameron and Katrina. At pakibuksan na ang ating tabing para malaman nila kung ano ang gagawin."

Kabado siya at excited na rin sa gender ng baby nila. Subalit lalo silang na-shock nang mawala ang tabing sa harapan.

"Triplets?!!" sabay-sabay na wika ng lahat.

"Surprise!!" sabay na wika nina Georgette at Kinne.

Nasapo na lang niya ang bibig niya habang mahigpit siyang niyakap ni Kameron. Talagang bumuhos ang lahat ng emosyon sa loob ng event na iyon. She was carrying a triplets babies! Kahit ang result ng gender reveal ay lalo rin silang na-surprise ni Kameron. It's one boy and two girls. Napapaiyak na lang siya sa lahat ng pinagdaanan nila ni Kameron. Nawalan man sila ng isang anghel, pinalitan naman ito ng tatlong magiging anghel nila sa buhay.

"Love, I have something to show you."

"Ano iyon?"

"Come here. May isang room ako rito na hindi mo pa nakikita."

"Saan?"

"Basta."

Sumama naman siya rito sa kabilang pasilyo. Matagal na niyang nakikita ang room na iyon ngunit lagi lang iyon nakasara. Pagpasok nila sa loob, mga paintings nilang dalawa ni Kameron ang naroon at sa pinakagitna naman ay ang painting nilang dalawa na mismo.

"Labs, ito ba iyong painting na ginawa mo noong nasa Mindoro tayo?" Pinagmasdan niyang maigi ito dahil wala silang larawan na ganoon ni Kameron pero kuhang-kuha nito ang mukha nila.

"Yup."

"Ang gaan ng kamay mo sa detalye." Napuna niya ang bahagi kung saan may romantic place at pictures sila sa Mindoro. "Hey. Ito iyong mga-"

"You stool it from me since then. Dinala ni Tristan iyan dito at ipinakita sa akin. Lahat ng mga letters na dapat noon ko pa nabasa. When you sleep at night, dinadala ko iyan at binabasa. Habang binabantayan ka sa pagtulog mo. Kaya lang sa sobrang dami niyan, wala pa ako sa kalahati."

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi. Kung ano-ano ang kalokohan niya sa mga nilalaman ng love letters niya para dito. "My god, Labs. Grabe iyong mga kalokohan ko rito sa iyo."

"I know. Kahit ang pagpasok mo sa kwarto ko noon na hindi ko alam at kinuha mo ang paborito kong pabango."

"Ay, oo nga!" Nakita niya ang perfume na tinatago pa niya. "Until now, Labs. I like your masculine smell. Nakakalaglag panty!" biro niya.

"Silly." Lumapit ito sa kaniya saka yumakap mula sa likuran at hinimas ang tiyan niya. "Since the day we keep our feelings towards each other, we treasured it. Kung naalala mo lang ang araw na hinampas mo ako ng tangkay ng kahoy sa Tanay, hindi ko na iyon nakalimutan. Until this time, I never loved someone else but only you. After you giving birth to our three dear children, let's get married again. I want to give you everything for our future."

"Yes, Labs." Kumilos siya upang humarap dito. "Handa ka na ba sa tatlong makukulit dito sa bahay?"

"I wil try to suppress my patience for them." He kissed her and embraced her tightly. "I love you, Katrina Ferrer."

"I love you too, Kameron Severino."

And they had kissed again to showed their unconditional love to each other. They stayed strong and brave enough to face the new challenge in life as building their own family. Destiny? Line of fate? Kahit saan sulok man ng mundo kapag itinadhana sa iyo, sa iyo talaga. Kahit gaano man kalayo ang agwat niyo sa isa't isa, still, naroon pa rin ang pagmamahal. Wether it's a game or not, they keep holding on until the rest of their lives.

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon