Chapter 26

980 18 0
                                    

Natawa na lang siya at pinagbigyan niya nangyari ang kaniyang asawa. Saksi ang mga paintings na naroon at ang carpeted na sahig na kung saan naganap ang kanilang pagniniig. They were both naked lying on the carpeted floor while gasping each other's intimacy. Nalulunod na naman silang dalawa sa kanilang kapusukan habang pabilis nang pabilis si kameron sa galaw nito. May mga bagay na silang alam ngayon kung paano nila paiinitin ang kanilang sandali at balang araw, hindi lamang iyon ang kaya nilang gawin. As Kameron said to her, mag-explore sila sa bagay na iyon lalo na ngayong mag-asawa na sila. Walang pagsidlan ang kasiyahan niya sa akmang panahon na itinakda nga talaga sila. Maraming panahon man ang lumipas, sapat na iyon para sarili naman nila ang kanilang isipin.

Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. "I love you, Trina." Hindi pa ito umaalis sa pagkakadagan nito sa kaniya kahit na kakatapos lang nito.

"I love you too, Kameron. Kaya lang ang bigat mo," reklamo niya.

"Let's stay like this. Hayaan mong namnamin ni my world si everything mo," biro nitong namumungay ang mata.

Mahinang kinagat niya ito sa braso. "Sira ka talaga!"

Napapangiti lang itong umalis sa pagkakadagan sa kaniya saka nito hinaplos ang katawan niya at pinagmasdan. "You're mine now, Trina. Ako lang dapat."

"Ikaw lang naman talaga. I always yours, Kameron." Nakatitig siya sa magagandang mata nito at kahit buong araw niya itong titigan, hindi siya magsasawa.

Nanatili pa sila sa loob ng kwartong iyon upang tingnan pa niya ang mga paintings ni Kameron sa kaniya. It was unpredictable moment for her and now she knows about him. Malihim lang talaga si Kameron sa lahat ng bagay na kahit ang kapatid nitong si Kreisha ay walang alam tungkol doon. Sabagay, ang alam lang din niya ay ang ilang personal na bagay sa buhay nito.

IPINAGPATULOY nila ang pagtatahi ng fishing net at tinuruan siya ng kaniyang asawa na niya kung paano ito gawin. Sakto namang maganda ang araw sa isla kaya maganda rin ang bungad ng kaniyang umaga. Nasa likuran niya si Kameron habang hawak nito ang dalawa niyang kamay upang igiya sa pagtahi ng net.

"You should put this one to another to, para madugtungan iyong linya ng net. At itali mo siya nang ganito," wika nito habang itinuro nito ang pagtatahi.

She feels his warm breath towards her ears and his both arms almost wrapped to her entirely. Pakiwari niya, wala siyang matutunan sa mga itinuturo nito kung ganito naman kakisig at kagwapo ang nasa likuran niya. Kahit ilang beses pa silang magsiping sa kama, she still feels her shivering, sa tuwing nagkakadikit ang kanilang mga balat. Ganoon ang atraksiyon niya rito kaya nga ilang beses din siyang naging marupok.

"Trina, are you listening?" Kameron asked her.

"Ha? O-Oo. Nakikinig ako." Lutang ka, gurl?

"You're not listening either. I'll kiss you when you're not listening to me." Inilapat nito ang mga labi sa kaniyang leeg saka tinutudyong halikan siya.

Nakikiliti siya. "Labs, nakikiliti ako. Baka kung saan na naman mapunta iyang paghalik-halik mo. Ang aga pa, Kameron," saway niya. Mula noong ikinasal sila kahapon, nakitaan na niya ito ng lambing sa sarili. Akala nga niya tuod ang lalaking minamahal niya pero may itinatago pa lang karisma pagdating sa intimacy.

"Wala si Mang Isko," hirit pa nito.

"Magtatanghaling tapat, Mr. Severino. Baka nakalimutan mo," saway pa rin niya pero gusto naman niya ang ginagawa nito. Sige pa, may labs. Harutin mo lang ako hanggat gusto mo.

He chortled again. "Okay, later."

Humarap siya rito saka ini-angkla ang mga braso sa leeg nito. "Basta ba may libreng hawak sa abs."

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon