Chapter 19

877 15 2
                                    

Masama ang tinging ipinukol nito sa kaniya. "Mukha ba akong nagsisinungaling?"

"M-Malay ko kung hindi ka nagsasabi ng totoo. Ngayon lang naman kita nakausap ng ganito."

"Then ask me what do you want to know about me. Matigil ka lang sa kakadaldal mo," pagsusungit na naman nito.

Bahagya siyang humarap dito sabay ngumiti. "Okay. Ano ang ideal woman mo? Maganda ba? Matangkad? Matalino o kaya naman ay sophisticated katulad ng mga gusto ng ibang mga lalaki?"

Humarap din ito sa kaniya sabay sabi nang, "Older than me. I don't mind if she's beautiful or not, tall or petite, but the important thing is she's older than me."

Ouch, Trina. Matindi iyong ideal woman niya. Bakit ba ako ipinanganak na mas bata sa kaniya. Dismayado siya. "Ah, nice. Mukhang gusto mo na yata iyong senior citizen na. Ilang taon ka na ba, Kuya Kameron?" asar niyang tanong ngunit naningkit at kumunot lang ang noo nito na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya. Naalala niyang sa tuwing tatawagin niya itong kuya, makakatikim na naman siya ng halik dito. And she loves the way how he treats her. "I mean hindi naman siguro⸻"

"I didn't say much older than me—three to five years, I mean. Masyado ka namang literal. Ikaw? Ano na naman ang ideal man mo? Pustahan tayo, katulad mo rin na isip bata."

"Excuse me, hindi, noh. Well, older than me, of course. Gusto ko iyong matured na mag-isip na kahit saan niya ako dalhin, maingat siya. Kahit hindi mayaman, ayos lang sa akin basta mamahalin lang ako at tanggap ako. Mukhang bibili na lang talaga ako ng lalaki." Saka niya napagtripan na inumin ang laman ng baso. Ang pait! Napangiwi siya sa sobrang pait ngunit tiniis niya.

"So, do you like me?"

Sinulyapan niya ito habang nagpakita ito ng pilyong ngiti sa kaniya. Hindi siya agad nakaimik dahil hindi rin niya alam kung paano ito sagutin. Indeed. Hindi lang pagkagusto ang naramdaman niya rito ngunit mas malala pa roon. And we all know eversince that she loved him so much but how she would tell it to him in a proper way? Aamin na ba siya? Ibinaba niya ang rock glass sa counter saka muling natuon ang atensiyon dito. Hindi rin inaalis ni Kameron ang tingin nito sa kaniya at naghihintay lang ng kung ano ang sasabihin niya.

"Then tell it to me, Trina. Is is true about the rumors that you like me since you were young?" he seriously asked.

Nagulat siya ngunit hindi niya gaanong ipinakita kay Kameron. Lihim din siyang napalunok ng ilang beses nang marinig niya ang sinabi nito. Sinong nagsabi kay Kameron? Si Kreisha ba? Pero hindi iyon sasabihin ni Kreisha dahil nag-usap na kaming ilihim muna. Ang mga marites sa paligid ko ba? How did he knows about that? She was trembling at the moment and think of the possibilities on how to answer him in a right way. Hindi rin pala madali ang umamin sa nararamdaman sa harapan ng isang taong minamahal niya.

"Excuse me, Sir Kameron."

Napalingon sila sa pinagmulan ng boses na iyon. Si Aling Sonia. Tila nabunutan siya ng tinik nang bigla itong naroon sa kanilang direksiyon at nakaligtas siya sa pagkaka-hot seat niya sa binata.

"Yes, Aling Sonia?" tanong ni Kameron dito.

"Sir Kameron, tumawag si Mayor Mariella Brillantes ng bayan ng Pulong Bato. Ipinapatanong niya kung kailan ka raw pupunta sa bayan upang makipagkita sa kaniya. Tumatawag siya sa inyo kanina kaya lang ay busy raw ang phone niyo," wika ni Aling Sonia.

Mayor Mariella Brillantes? Sino siya? Nagtaka naman siya kung sino ito sa buhay ni Kameron. Napatingin naman siya kay Kameron na saktong nagtama ang kanilang paningin ngunit panandalian lamang iyon. Muli itong bumaling kay Aling Sonia habang siya ay nanatili lamang ang tingin dito.

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon