Chapter 29

760 20 2
                                    

PINAHARUROT ni Trina ang dalang motorsiklo ni Roger sa kahabaan ng kalsada habang kasunod naman nila ang iba pa. Mukha silang mga gangster na susugod sa kalaban at akala ay hari ng kalsada. Si Roger naman sa likuran niya ay napakapit na lang sa sobrang bilis niyang magpatakbo ng motor. Well, sanay siya sa mabilisang takbo lalo na at F1 driver siya. Mababa lang sa one thousand cubic centimeter ang minamaneho niya kaya kayang-kaya niyang paliparin iyon.

"M-Ma'am Trina, mahal ko pa ang buhay ko!" sigaw ni Roger sa likuran niya. Para itong batang takot na takot sa tatay na mapagalitan.

"Mahal ko rin ang buhay ko, Roger! Kung hindi ko aabutan ang asawa ko, baka sa ibang bahay na siya pumunta!" Mas lalo pa niyang diniinan ang accelerator ng motor. "Kumapit ka lang diyan sa likuran ko at paliliparin ko na ito!"

"Wooh! Exciting!" korong sigaw naman ng mga nasa likuran nila.

Sa totoo lang, gusto na rin niyang matawa sa kabilang bahagi ng kaniyang isipan. Nungkang pinaharurot niya ang motorsiklo habang may angkas siyang kulang na lang ay himatayin sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Wala, eh. I need to do this. Baka tinuklaw na ng ahas na Ella na iyon ang asawa ko. This is the way on how to chase my irascible billionaire husband! Desidido na talaga siyang komprontahin si Kameron kahit na sa anong paraan. She wanted to be a professional one but how? Kung ganito naman ang kahihinatnan ng kanilang pagsasama at sinira lang din ng hindi niya alam na matino ba na nilalang.

Nakarating sila sa hospital kung saan naka-confine si Mayor Ella. Pagkahinto pa lang ng nila sa tapat ng hospital, mabilis siyang bumaba agad. Si Roger naman na nahihilo at hindi maiguhit ang mukha ngunit mas natuon ang atensiyon niya sa labas. Maraming mga sasakyan at ilang taga-media na tila naghihintay ng update sa mayor nila. Ilang sandali pa, lumabas na si Ella kasama si Kameron at mga bodyguard nito. Naroon din si Mang Isko sa likuran ni Kameron at ang mga tao ay nagkakagulo na roon. Nais niyang puntahan ang mga ito nang magdilim na naman ang paningin niya sa nasaksihan niya.

"Ma'am Trina! Sandali lang! Pasensiya na ho. Kung susugod kayo, eskandalo po ito para sa lahat. Kausapin niyo na lang si Sir Kameron nang masinsinan dahil kung hindi kami ang malalagot sa kaniya na sinamahan namin kayo rito. Ma'am, masungit talaga si Sir Rune kaya hanggat maaari, maghunos-dili kayo," pigil ni Roger sa kaniya. "Ma'am, nadadaan naman sa maayos na usapan," dagdag pa nito.

Napatingin siya kay Roger na hanggang ngayon ay hawak pa rin nito ang tiyan at napangiwi na. "Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko, iyan din ba ang gagawin mo? Kapag nakita mo ang girlfriend o asawa mo na inaalagaan ang iba na hindi ka man lang kinunsulta, anong mararamdaman mo?"

Napakamot na naman ito sa ulo. "Ma'am, wala ho akong girlfriend. Wala akong masasabi sa inyo sa ngayon pero maawa ka sana sa amin dahil kapag nalaman ng boss namin na dinala ka namin rito, lagot kami."

"Oo, Ma'am Trina. Baka hindi na kami sa koprahan magtatrabaho. Si Sir Kameron pa naman ang sapat magpasahod sa lahat na may koprahan dito. Saka tiba-tiba rin kami sa pagkain," dugtong ng isa.

"Ako ang bahala sa inyo." Napameywang siya. "Ako ang batas kaya walang magagawa iyang boss niyong masungit kung pati siya ingudngod ko rin sa buhangin!" Muli siyang napasulyap kay Kameron.

Interview lang nang ilang sandali at nagsipasok na sasasakyan ang mga kasama ni Ella. Humarap pa ito kay Kameron saka dinampian ng halik ang kaniyang asawa. Namilog ang mga mata niya habang tila pinasabog ng nuclear bomb ang kaniyang kanina pa maligalig na puso. Lalo siyang nag-init at halos mariin na siyang napakuyom sa kamao. Ini-angat pa niya ang dalawang manggas ng kaniyang t-shirt at tiim-bagang. Hinintay muna niyang mawala ang mayor na iyon at ang mga taga-media para walang ma-record na eskandalo. Nang maging tahimik ang paligid iyon na ang chance niya.

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon