ABALA si Kameron sa mga paperworks niya matapos ang dalawang linggong bakasyon kasama si Trina. Mabusisi niyang tiningnan ang lahat ng mga pipirmahan niya upang makasiguro siyang walang bahid na anuman iyon. Nadala na siya sa pagpirma niya noon sa isang kontratang hindi niya gaanong nabusisi at nabasa. Habang abala siya, tumunog naman ang message tone niya. Dinampot niya ang cell phone upang tingnan kung sino ang nang-aabala sa kaniya.
Hi, Labs! Good morning! I'm here in circuit race and doing my practice routine. K&K for the win!
He smiled after reading the message from his wife. She also sending her picture wearing her full gear suit with a peace sign on her finger. Itinigil niya ang pagpirma at sumandal sa swivel chair habang nag-scroll ng mga na-send pa na picture ni Trina sa kaniya. He wanted to go there to support her but he has a lot of things to do and scheduled meeting in the late afternoon. Nagkasya na lamang siya na panoorin ang video nito na kanina pa pala nito na-send sa kaniya.
When Katrina crossed his line, he found himself different than before. Mas lalo niya itong hinangaan at minahal. Hindi naman siya ang tipo na nagso-show ng feelings towards opposite sex. Kaya nga naitago niya ang pagmamahal niya rito sa loob ng maraming taon. Nag-reply na lang siya rito bago niya inilapag ang cell phone at muling inatupag ang kaniyang mga papeles.
Naramdaman niyang may pumasok sa kaniyang opisina ngunit hindi na lamang niya ito sinulyapan. Alam naman niyang ang bagong sekretarya niya itong si Cecil. Inutusan niya ito kaninang kunin ang documents sa marketing department at may pipirmahan siya.
"Good morning, Sir Kameron!"
Nagulat siyang nag-angat ng tingin sa bagong sekretarya niya nang marinig niya ang boses nitong kaytaas agad ng energy nitong batiin siya. Kanina ng batiin siya nito, tango lang ang iginante niya at hindi niya pinuna ang aura nito. Naalala na naman niya si Trina na bungad pa lang, ang taas na agad ng level ng energy. Hindi niya tuloy maiwasan ang isipin ang asawa sa karakter nito kaya siya napakunot ang noo.
"S-Sorry, Sir. Medyo nasobrahan yata ang kape ko. Mag-iibang brand na ako ng kape bukas. Uhm, you have a visitor sa lounge natin. Wala ang name niya sa schedule mo today kaya hindi ko muna siya pinapasok dito," sambit nito.
"What's her name?" he asked.
"Siya raw po si Mayor Mariella Brillantes," tugon nito.
"What?!" Agad siyang napatayo kaya nagulat naman niya ang sekretarya niya. "S-Sorry. I...I will change my coffee brand too. Papasukin mo siya rito," utos niya sa mababang tono ng kaniyang boses. Ayaw na niyang maranasan na bulyawan ito since pangatlong sekretarya na niya ito. Marahil kaya nag-resign ang mga nauna dahil sa mga bulyaw niya at kasungitan.
"Uhm, okay, Sir. Lalabas na ako. Uhm, ikukuha ko ba kayo ng kape ulit este maiinom?"
"Bahala ka na."
Bahagya itong ngumiti. "Right away, Sir!" Sumaludo pa ito na akala nito ay sundalo sila. "Ay, sorry!"
Napapailing siyang sinundan ng tingin ang sekretarya niya. My goodness! Bakit ba ako pinapalibutan ng makukulit? Do I need to change myself too and adopt their character? No, ayoko! Tama na ang may isang Katrina Ferrer ako sa buhay ko. Wait. What she's doing here? We already talk about the land and I said no to her. Napasuklay na lamang siya sa buhok niya saka naglakad malapit sa window glass. Sa taas ng building na kinaroroonan niya, kitang-kita na niya halos ang mga katabing building. Nag-iisip na naman siya kung bakit naroon si Ella habang pinagsalikop ang mga braso.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at ang mga yabag na papalapit. He slowly turned to them and then saw them coming.
"Sir, Mayor Brillantes is here," Cecil said to him.
BINABASA MO ANG
Her Irascible Billionaire [R-18]
RomanceMakwela at isang mahaderang babaeng bakla ng taon si Katrina o Trina Ferrer bilang isang sikat na car racer at may sariling fashion business. She has a twin brother named Karl Tristan Ferrer and managed their car business both local and abroad. Halo...