NAGISING siya sa amoy ng rosas na nanunuot sa kaniyang ilong kaya tuluyan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang isang pirasong rosas na may kasamang card. Kahit mabigat ang katawan niya, bumangon pa rin siya upang basahin ang nilalaman ng card. Napuna na rin niyang wala na roon si Kameron sa tabi niya.
Every morning shows a better start and it is best, to begin with, a peaceful mind. Good morning!
Iyon ang nakalagay na quotes sa card at kilala niyang handwritten iyon ni Kameron. Gumuhit naman ang ngiti sa labi niya saka niya nabasa ang initial na naroon. Everything meets World. Hindi niya alam kung mahihiya ba siya o kiligin sa sinulat nito. Ang lalaking iyon, may tinatago pa lang pagiging makata sa katawan. Bumabawi ba siya? Inamoy niya ang rosas saka niya naalala ang rosas na pinitas nila ni Raven sa kanilang bakuran. Ibinigay iyon sa kaniya kaya lang may kasamang pagsusungit, but this time, ayaw niyang isipin na baka pakonswelo lang iyon dahil may hindi magandang nangyari kahapon. Subalit binigyan niya pa rin iyon ng kahulugan at nag-assume na lang na bumabawi nga ito. Tuluyan siyang umalis ng kaniyang kama saka siya naglakad patungong balcony at binuksan ang pinto. Dama niya ang malakas na energy vibes kaya dapat niyang salubungin ang umaga nang nakangiti at masaya. Pagkabukas niya, sumalubong agad sa kaniya ang sariwang hangin na nagmumula sa karagatan.
"Good morning, mga manok ni Mang Isko!" sigaw niya. Napakaganda ng umaga niya kaya sasalubungin niya ito na may payapa sa kaniyang isipan katulad nang sinulat ni Kameron sa card. Subalit nagulat siya nang may manok na lumipad at pumatong sa railings ng balcony. "Ay, manok!" Saka siya bumaling sa ibabang bahagi na naroon naman sina Mang Isko, Aling Sonia at si Kameron.
Tawang-tawa ang mag-asawa sa tinuran niya habang si Kameron ay nakatitig lang sa kaniya at napangiti. Naroon ang mga ito sa garden para mag-agahan kaya sumenyas si Aling Sonia na bumaba na at mag-umagahan. Matapos din siyang mag-ayos sa sarili, bumaba siya upang puntahan ang mga ito.
"Halika na, Miss Trina. Kanina ka pa namin hinihintay," yaya sa kaniya ni Aling Sonia.
"Trina na lang ho, Aling Sonia. Masyado po yatang pormal," tugon niya. Umupo naman siya katabi si Kameron.
"How's your morning?" Kameron asked her. Nagkusa itong magtimpla ng kape sa dalawang tasa.
"Maayos naman. Salamat nga pala sa rosas at card. Gumanda tuloy ang umaga ko, may labs." Pangiti-ngiti siya rito.
"Ah, iyon ba? Nag-repot si Aling Sonia ng mga bulaklak niya rito at pinutol iyong mga hindi na kailangan. Sayang naman kaya kinuha ko na iyong isa," paliwanag naman nito.
"Ha? Nasayangan ka lang kaya mo nilagay malapit sa ilong ko? How about the card?"
"May card ba?"
Napaismid siya nang mahalata niyang ayaw nitong aminin na may inilagay nga ito. "Bakit ayaw mo na lang aminin na ikaw ang naglagay doon? Alangan naman mga manok ni Mang Isko ang nagsulat at naglagay doon sa kwarto ko."
Napabungisngis ang mag-asawa na naroon lang sa kanilang harapan.
"Naku, Trina. Bata pa iyan si Kameron mahilig na iyan mag-iwan ng card kahit sa mommy niya noon. Ang sweet niya noong kabataan niya at pati nga kami ni Isko ay nabigyan niya. May mga drawing pa nga iyan noon," singit ni Aling Sonia sa usapan nila.
"Drawing?" Bumaling siya kay Kameron. "Artist ka?" Aba, hindi ko alam iyon, ah.
"Now you know," he said. "Here's your coffee, iyakin," asar nito sa kaniya saka malalim ang tingin ipinukol nito.
"Siyangapala, Sir Kameron. Natingnan na agad ng mekaniko iyong sasakyan kaninang maaga pa. Maayos naman ang lahat pati ang aircon at malakas din ang buga. Mabilis nga lumamig noong sinubukan namin kaya wala naman kaming nakitang problema," sambit ni Mang Isko.
![](https://img.wattpad.com/cover/288830797-288-k949881.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Irascible Billionaire [R-18]
عاطفيةMakwela at isang mahaderang babaeng bakla ng taon si Katrina o Trina Ferrer bilang isang sikat na car racer at may sariling fashion business. She has a twin brother named Karl Tristan Ferrer and managed their car business both local and abroad. Halo...