-Kameron was sitting at his living area on his room while facing his laptop. He wouldn't be at his office since his father got sick. His sister wasn't there because of her trip twenty days duration from Dubai to South Africa. Hindi na niya pinigilan ang kapatid na umalis lalo na at nangako naman itong magtitino na pagbalik nito. Kailangan din niyang tingnan ang ama niyang nilagnat kagabi ngunit maayos naman ang lagay nito kinaumagahan. He's there to keep his family safe. Iyon naman talaga ang papel niya simula noong mamatay ang kaniyang ina. Nangako siya rito na aalagaan niya ang kaniyang ama at ang kapatid niyang babae kahit pa may hinanakit siya sa ina noon. And it was one of the reasons why he's been out of his line. Well, he has the reason of being aloof and overprotective.
Tumunog ang cell phone niya sa tabi at tiningnan ang caller. Wigo? Dinampot niya ito at sinagot. "Hello?"
"Hey. Are you busy?" Wigo asked him.
"Not so. Why did you call? Kung wala kang mahalagang sasabihin, I'll drop this call."
"Sungit." Bahagyang tumawa ito sa kabilang linya. "Chill lang, bro. Masyado ka naman mainipin. I just want to tell you that your sister and Raven has the same flight bound to Dubai. Mukhang iisa lang din yata ang cruise ship na gagawin nila patungong Cape Town, South Africa. Are you aware about this?"
"What?!" Kumunot ang noo niya sa narinig mula kay Wigo saka napakuyom na rin ng kamao. Hindi siya makapaniwalang magkasama sa iisang trip ang dalawa na wala man lang siyang kaalam-alam.
"Hey. Don't get mad at them, bro. Malay mo at nagkataon lang dahil sinabi naman ni Raven na nag-iisa lang siya sa trip niya. I know this information since they are both on board in my airline and I am telling this information for your awareness. Huwag mo sanang bigyan ng kahulugan ito and let's see what's Raven's explanation about this issue."
"Hindi ko bibigyan ng kahulugan?" galit niyang tanong dito. "What are you suppose me to do? I let my sister do what she wanted to do in her life being with Raven's presence? Not this time, Wigo."
"What do you mean by that?" he curiously asked.
Nagpupuyos ang damdamin niya nang mga oras na iyon. Walang alam ang ibang mga kaibigan niya tulad nina Wigo at tanging nakakaalam lang ay si Zack. Minsan na rin naging baliw ang kapatid niya sa pagmamahal nito kay Raven at ayaw na niyang maulit pa iyon. Hindi ka pa rin tumigil sa kabaliwan mo sa unggoy na iyon, Chubby!
"Still there, Kameron? Sana pala ay hindi ko sinabi ang bagay na iyon at mukhang gulo na naman pala ang magiging resulta."
"Salamat sa pagiging madaldal mo at may kalalagyan sa akin ang unggoy na iyon," banta niya.
Tumawa lang ito. "Bro, your sister isn't getting any younger anymore. Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?"
"Wala! At ayokong malaman na sasaktan lang ni Raven ang kapatid ko. I need to end this conversation and I want to talk to Raven. I'll kill him!"
"Bro⸻"
Hindi na niya ipinagpatuloy pa ang pakikinig kay Wigo at ibinaba na agad niya ang tawag nito. Lalo lang siyang nag-init sa ibinalita nito kaya naman ay nag-dial siya upang tawagan mismo si Raven. Maya-maya lang ay narinig na niya ang boses nito sa kabilang linya.
"Hello?"
"Isang tanong, isang sagot. Magkasama ba kayo ng kapatid ko sa cruise ship?" direkta niyang tanong dito.
Matagal bago nakasagot ito sa kabilang linya. Kung nasa harapan lang niya si Raven, baka hindi lang suntok ang inabot nito sa kaniya.
"Oo. Pero nagkataon lang na magkasama kami and it's not intentionally. I didn't know that we have the same itinerary," paliwanag ni Raven sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Her Irascible Billionaire [R-18]
RomanceMakwela at isang mahaderang babaeng bakla ng taon si Katrina o Trina Ferrer bilang isang sikat na car racer at may sariling fashion business. She has a twin brother named Karl Tristan Ferrer and managed their car business both local and abroad. Halo...