"Go home, Trina. Maaga pa tayo bukas."
"Uhm..." Hindi siya makaimik at halos natameme na siya nang dahil sa mainit na halik na pinagsaluhan nila kanina. "O-Okay." Hindi na siya muling tumingin sa mga mata nito saka siya naglakad palapit sa paper na may lamang pagkain. Halos himatayin na rin siya sa sobrang kaba na nararamdaman niya.
"Don't call that way again, Trina. Or else, I may ask for more than that."
Natigilan siya habang bitbit na niya ang paper bag saka siya dahan-dahang lumingon kay Kameron. She swallowed. She was even more felt shivering while he said those words for her. Hindi siya sanay at ang pagiging madaldal niya ang nagpatahimik sa nangyari kanina. Ngayon, kaharap na naman niya ang binatang kaylalim ng tingin sa kaniya. His emotion was diferrent from his normal one. It was kind of seducive things for her and captivating motion.
"S-Sorry. H-Hindi ko na uulitin." Ilang beses na akong nahalikan ng lalaking ito ngunit ganito pa rin ako. Nasaan na ngayon ang tapang mo, Katrina Ferrer!
"Mukhang masarap iyang bitbit mo. Wala bang para sa akin diyan?"
"Ha? Ah, ito ba?" Bahagya niyang iniangat ang paper bag na hawak. "Pasalubong ko sana sa kapatid kong ito at... at hinihintay na niya ito."
"Hindi mo ako bibigyan?"
"Ha? Kumakain ka ba nito?"
"Hindi mo pa talaga ako kilala. Ako ang bahala sa unggoy mong kapatid. Let's go to the kitchen." Sabay hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila palabas.
"P-Pero Kameron!"
"Don't worry. Hindi naman siguro magagalit ang kapatid mo kapag uubusin ko iyan."
Hindi na siya nag-react pa dahil mas lalong nagimbal na naman ang mundo niya sa pagkakahawak ng kanilang kamay. Isang matinding karanasan na naman sa buhay niya ang nangingibabaw sa biglaang pagiging sweet ng binata. Yes! She finds it so cute and sweet.
"Uhm, it's delicious!" he commented. Hawak nito ang stick ng isaw habang enjoy na enjoy ito sa pagnguya.
"Kameron, talaga bang kumakain ka niyan? H-Hindi mo nga gusto ang bagoong na dinala ko rito noong mga nakaraang buwan tapos kumakain ka pala ng street food?" Nakatitig lamang siya rito habang nasa kitchen table sila at kaharap niya ang binata. Kalahati ng pasalubong ni Tristan dito ay binawasan niya.
"Why? Can't you believe that I am eating this food? Na... This is amazing for me, Trina. Kaya lang ay madalas lang dahil masama rin ang sobra."
"Talaga ba?" Nakikita naman niyang sarap na sarap ito. "Kung sinabi mo lang na gusto mo pala iyan, nag-order sana ako ng para sa iyo."
"It's okay. Gusto ko lang naman na bawasan ang parte ni Tristan. Kung maghanap siya, sabihin mo na inubos ko ang kalahati. Hindi naman siguro niya bilang ito."
"Bilang niya, actually."
"Hayaan mo siyang matakam."
"Hay. Anong magagawa ko?" Kibit-balikat na lamang siya habang pinapanood ang binatang kumakain. How I wish na ako naman ang pinapapak mo, may labs. Ano na naman itong naisip ko? Kinilig na naman siya sa kaniyang naisip.
Inihatid siya ni Kameron hanggang sa gate ng bahay nila at isang kaway lang ang ginawa nito bago ito bumalik sa kanilang bahay. Nagtataka na naman siya sa mga ikinikilos nito na hindi na katulad noon. Naisip niyang marahil sa nangyari kanina at gusto na rin niyang isipin na may gusto nga ito sa kaniya. Subalit ni isang salita ay wala man lang itong nababanggit sa kaniya. Tuloy, hindi niya matukoy kong anong gustong ipahiwatig nito. Pagdating naman nila sa kaniyang bahay, sinalubong na agad siya ng kaniyang kapatid. Nakakunot na ang noo nito at hindi maganda ang pagsalubong nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Her Irascible Billionaire [R-18]
RomantikMakwela at isang mahaderang babaeng bakla ng taon si Katrina o Trina Ferrer bilang isang sikat na car racer at may sariling fashion business. She has a twin brother named Karl Tristan Ferrer and managed their car business both local and abroad. Halo...