Chapter 21

827 16 2
                                    

PASAKAY na siya sa puting SUV kung saan si Kameron ang magmamaneho at naghintay sa kaniyang makasakay siya roon. Pagbukas niya pinto sa front seat, tumingin sa kaniya ang binata sabay ang pangungunot noo nito, as he always did.

"I'm sorry. Sa sobrang excited kong sumama sa iyo rito, nakalimutan ko iyong doll shoes ko kaya nag-sneakers na lang ako," paliwanag niya kahit hindi naman nito tinatanong. "Let's go?" Pinasadahan siya nito ng tingin. "What? May problema sa suot ko?" Kinuha niya ang seat belt niya ikinabit.

Nagsuot lang naman siya ng off shoulder peach dress na above the knee length. Litaw na litaw ang mapuputi niyang balikat at hita. Light make up lang din ang inilagay niya sa mukha at kung sa kabuuan, babaeng-babae siya ngayon. Malayo sa hitsura niya kapag nasa race track siyang kulang na lang ay maligo siya ng alikabok.

"Nothing." Saka nito isinuot ang sunglasses. "Nagmukha ka lang namang tao," asar nito. Pinaandar na rin nito ang sasakyan at minaniobra palabas ng resthouse.

Umismid siya. "Well, nakita mo lang naman ang diyosang bumaba sa lupa at kasi—" Natigilan siya. Shit, Trina. Iyang bibig mo. Ipangangalandakan mo talagang may nangyari sa inyo kagabi? God! "Kasi...kasingganda ng mga bulaklak ni Aling Sonia," pagdadahilan niya.

He shook his head once. "Nag-uumpisa ka na naman sa kaingayan mo," pagsusungit nito.

"At nag-umpisa ka na naman po sa kasungitan mo. Siguro natanggal na iyong amats sa ulo mo at balik normal ka na naman."

"That's why you had a crush on me even if I am an irascible one?"

"Hindi kaya," tanggi niya.

"So, what's the reason why do you like me since?" Hindi ito lumingon at natuon lang ang tingin nito sa daan.

"Ano, uhm..." Nahagip niya ang mga niyugan sa kanilang nadadaanan. "Kameron, parang gusto ko ng buko."

"Huwag mong ibahin ang usapan," sita nito.

Bumaling siya rito. "H-Hindi ko iniiba ang usapan." Bahagya siya napabuntong hininga. "Kung bakit pa kasi ikaw iyong crush ko na muntik mo na akong maihian noon. Muntik ko na makita iyong—"

"My world ko?" He looked at her and slightly grinned. "Nakita mo na kagabi."

Natahimik siya saka muling ibinaling ang tingin sa nadadaanan nila. "Sira ka talaga." Naalala niya ang hitsura nito kung paano nga ito nagngangalit at pilit na ipasok sa kaniyang everything. Napangiti siya pagkatapos. Nagmistulang comedy na ang nangyari kagabi na sinabayan pa ng mahabang oras na ginawa nila iyon.

"You're not innocent right now, Trina. I mean—we aren't both innocent."

Muli siyang bumaling dito. "Kasalanan mo."

"Kasalanan mo rin. Hindi mo ako pinigilan."

"Oh?" Tumaas ang kilay niya. "Kasalanan nating dalawa dahil masyado tayong marupok! Hindi ako makapaniwalang—ay!" Napahiyaw siya nang biglang itabi ni Kameron ang sasakyan at huminto. "W-What happen?" pagtataka niya.

Kameron slightly faced her, removes his sunglasses, and stared at her. "Damn you, woman. I just can't help it."

Nagulat na lamang siyang bigla na lang din siyang hinila nito saka siniil ng maiinit nitong halik. Hindi lamang basta-bastang halik iyon ngunit isang mapanghanap na halik. Siya naman na tila nananabik din dito, tinanggap naman niya agad iyon. He looks like aggressive today and yet asking for something—intimate!

"Trina, let's do it here," he whispered.

"Kameron...n-nasa sasakyan tayo," alangan niyang tugon dito.

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon