Chapter 38

784 13 0
                                    

AFTER TWO DAYS, nagbakasyon nga sila ng isang linggo kasama ang mga bata. Since malapit lang din ang race track kung saan siya nag-e-ensayo, pabor din sa kaniya ang bakasyon. Nagpapasalamat na rin siya dahil nagkaroon ng oras ang mga matino na ngayong bilyonaryo at magiging matino pa lang. She's very thrilled that she belongs to this circle of friends.

Halos apat na oras ang biyahe nila mula Maynila at bago makarating sa hacienda, may isang hacienda pa ang nadadaanan nila. Malawak din ito at magaganda ang tanawin. Nabasa pa nga niya sa karatula ang pangalan nito. Hacienda Aritana. Nice name but familiar one. After a few minutes, they arrived at Hacienda Aviza. Kung maganda ang lupain na nakita niya kanina, mas lalo namang kaakit-akit ang paligid.
Pagka-park ni Kameron sa kotse kung saan siya lulan, kaniya-kaniya silang nagsibabaan. Ang mga bata naman ay excited sa mga nakikita sa paligid.

"Daddy, look! There's a plenty of chicken!" sigaw ni Izen sabay turo sa mga manok sa malayong bahagi.

"Do you want to eat chicken tinola later?" Rendell asked his son.

"No, Dad. It's pity for them to eat. They are so kawawa. I guess they should be fit in cock fighting and not to be eat by us. What do you think, Dad?" Kinuha nito ang backpack na dala at inilagay sa likod.

Natutuwa naman siyang pakinggan ang mag-ama habang ibinaba ni Rendell ang mga gamit nila. Nasa unahan naman si Riexen habang karga nito ang limang buwan nitong sanggol. Gusto na tuloy niyang magka-baby sila ni Kameron at mas madami, mas masaya.

"Hey, Izen. Do you want to go with me? I know how deal with cock fighting," Kameron intervened.

"Really, Tito Kameron?" He was amazed.

"Izen, don't go with your Tito Kameron. Baka ibang cock fighting ang ituro niyan," singit ni Raven habang karga nito ang anak na si Reish.

Bahagya itong hinampas ni Kreisha sa balikat. "Hoy! Huwag mong tuturuan iyang bata. Kalokohan mo talaga, Raven."

"Wala naman akong ibang sinabi. I'm just kidding," ngiting paliwanag ni Raven.

"Puro ka na naman kalokohan, Raven. Akin na nga iyang pamangkin ko at baka kung ano na naman ang ituturo mo riyan." Kinuha ni Kameron si Baby Reish kay Raven at ibinigay naman nito ang bata. "Come with me, my little dinosaur."

"Tito Kameron, you will also teach Baby Reish on how to do cock fighting?" muling tanong ng makulit na si Izen.

"In time. He's too little to handle chicken." Sabay ginulo ni Kameron ang buhok ng bata.

"Tara na sa loob at baka kung saan na naman mapunta iyang usapan na iyan," yaya niya sa mga ito.

"Oo nga. Mukhang ngayon pa lang magulo na ang bakasyon na ito," singit ni Reixen.

"Basta ako, behave ako," tugon ni Raven.

Napapangiti silang sabay na pumasok sa loob. Inasikaso naman agad sila ng mga tauhan nina Zack. Malawak at malaki ang resthouse ma naroon at kahit ilang pamilya pa ay kasyang-kasya doon. Nakasabay niya rin si Kinne habang karga-karga nito ang tatlong buwan pa lang na sanggol. Si Wigo naman na hawak sa magkabilang kamay ang dalawang bata. The Kinne Zurich are loved to adopt children from different countries. And the last one is a Filipino baby. Ayon kay Riex, iniwan lang daw ang baby sa nursery room at tumakas ang nanay. And the rest is history na ayaw na rin niyang isipin.

"Magandang umaga sa inyo! Ay, are na ga ang mga bisita ni Sir Zack at Ma'aam Zairah. Ala eh, magsipasok na kayo at nakahanda na ang kainan," wika ng isang lalaking may edad na.

"Oh, Mang Berting. Salamat naman at nakabalik ka na," wika ni Zack dito.

"Oho, Sir Zack. Karipas na agad akong pumarine. Aba'y takot ko lang sa inyo na hindi agad ako makarating. Ay, ito na ga sina Zevi at Zero?"

"Sila na nga ho, Mang Berting," tugon ni Zairah.

"Aba'y malaki na at malulusog! Hala at magsipasok na kayo nang makapagpahinga," nagyaya na ito.

Napangiti siya. Ilang beses na siyang pabalik-balik ng Batangas at ito ang namimiss niya. She loves the accent and the people sa mainit na pagtanggap sa kanila. Matapos nilang ayusin ang kanilang mga gamit sa guest room, muli silang bumaba para sa tanghalian. And there she feels the province ambiance. Nalanghap niya agad ang simoy ng hangin nang naroon siya sa  table arrangement na pang-probinsiya. Nasa lilim ng mangga ang mga kasama niya pati ang kaniyang asawa

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon