Chapter 11

920 19 0
                                    

"Magpalamig ka muna, pare. Mukhang kanina pa malayo ang tanaw mo sa mga nagdaraang sasakyan." Sabay inilapag ni Kaiser ang isang baso ng scotch brandy.

"Thanks," tipid na tugon ni Kameron.

Nasa Restobar siya ni Kaiser nang hapon na iyon at may hinihintay na kakausap sa kaniya. Wala siyang balak na harapin ito but once and for all, kailangan niyang harapin ito. Dinampot niya ang baso ng scotch brandy saka sumimsim ngunit dumating din ang taong hinihintay niya.

"Tristan is here. Mukhang may usapan kayong dalawa," sambit ni Kaiser saka bumaling sa kaniya. "Maiwan ko muna kayo dahil may ihahabilin ako sa manager ko. I'll be back." Tumalikod na agad ito saka nakipagbatian kay Tristan ngunit dumiretso din sa puwesto nito upang harapin ang manager niya.

"Pwedeng maupo?" tanong ni Tristan sa mababang tono ng boses nito.

"Bahala ka. Kung gusto mo, tumayo ka na lang diyan habang pinapanood akong uminom. Find yourself comfortable. Ang lawak nitong puwesto natin," pagsusungit na naman niya saka niya inilapag sa mesa ang baso.

"Kahit kailan talaga, Kameron Severino, ang suplado mo pa rin." Bumuntong hininga ito saka umupo sa tabi niya. "Parang kanina lang, umuusok na iyang ilong mo sa galit."

Matapos ang hidwaan nila kaninang umaga, tinawagan siya ni Tristan upang mag-usap sila nang maayos. Hindi rin nakatiis ito kaya ito na ang naunang mag-reconcile sila. Maayos naman sila noon pero nagkaroon sila ulit ng hindi pagkakaintindihan mula nang magkasama ang kapatid nilang dalawa sa Portugal at naroon siya.

"It's your entire fault," paninisi niya. "Kung ibang tao lang ang kaharap ko kanina, baka sinapak na kita."

"But you can't do that to me, my dear friend."

"Hindi mo ako kaibigan," pagtatama niya. "Kaaway nga ang turing mo sa akin, hindi ba?" Bumaling siya rito.

"Siguro, noon. Ngayon, ayoko ng gulo. Kaya lang kasi nakita mismo ng mga mata kong hinalikan mo ang kapatid ko. The truth is, nakita na kayo ni Wigo na hinalikan mo ang kapatid ko sa bahay ni Rendell noong ikakasal siya. But I don't believe it if I don't see it in my eyes. Kaya lang nakita ko talaga." Sinalinan nito ang bakanteng scotch glass upang makiinom na rin tulad niya. "Isang tanong, isang sagot, Kameron. May gusto ka ba sa kapatid ko?"

"Wala," direkta niyang sagot. "Believe it or not, Tristan. Minsan nakaka-frustrate na ang pagiging isip bata ng kapatid mo. I am thinking that those kisses would be better for her to mature enough as I always said. Sa totoo lang din, hindi issue rito ang halik na iyon. Mas issue rito ang pagtrato niyo sa kaniya na akala niyo toddler pa iyong kakambal mo."

"But she still a woman, Kameron. Nakakabastos lang sa akin dahil kapatid ko iyon at mukhang ikaw ang first kiss niya."

"And she's my first kiss too. Ninakaw din niya ang unang halik ko sa babae."

Natawa ito. "Kahit pa naman noon, ang hina mo pagdating sa babae." Uminom muna ito bago nagsalitang muli. "You know, balewala naman sa akin ang mga naging hidwaan natin noon dahil mga bata pa tayo noon at mas matanda ka sa akin ng limang taon. Pero hindi ko lang talaga maisip na aabot tayo sa ganitong nagbabangayan lalo na iyong kanina sa office." Bumaling ito sa kaniya. "Alam mong matagal na rin may gusto sa iyo ang kapatid ko at binabalewala mo lang ito dahil ayaw mo nga sa kaniya. But the way you kissed her, iba ang nakikita ko. And you're right. Hindi siya magtitino sa buhay niya kung lagi kaming nakabuntot sa likuran niya. May sarili siyang desisyon sa buhay na dapat ay pribado lang sa kaniya at hindi na kami dapat nakikialam."

"Exactly," he replied. "Matagal ko ng alam na may gusto si Trina sa akin but I don't take advantage on it. Iyong halik? Dala lang siguro ng pagiging lalaki ko. Kahit naman ikaw na nakipaghalikan kay Georgette noon sa bahay ni Rendell."

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon