Chapter 31

900 16 0
                                    

HINDI na siya nagpaalam kahit kay Aling Sonia na tutungo siya sa resort ni Kameron. She needs to unwind herself for the meantime. Kailangan din niyang ma-refresh ang utak niya sa kakaisip kung paano niya aayusin ang relasyon nilang dalawa. Hindi niya napaghandaan ang pagiging seloso at selosa nilang dalawa sa isa't isa. Ayaw din naman niyang humingi ng advice sa kaibigan niyang si Kreisha at makakaabala pa siya

Malawak at napakaganda ng resort ni Kameron. A breathtaking place with romantic type of good vibes ambiance. Naririnig na niya agad pagpasok pa lang ang banda na sinabayan ng modernong musika. Nakakita siya ng puwesto na malayo sa crowd at umupo roon. Ang lalaking iyon talaga. Hindi man lang sinabi sa akin na ganito pala kaganda ang resort nito. Mukhang wala siyang planong igala ako rito. Nilapitan naman siya ng waiter at maya-maya lang din ay naglapag na ito ng inumin sa table niya.

Ang totoo niyan, gusto niyang magpakalango sa alak. Gusto niyang maibsan man lang ang sakit ng nanganganib niyang damdamin kahit sandali. Hindi naman talaga sagot ang alak sa lahat ng problema. Wala lang talaga siyang malapitan dahil malayo siya sa mga kaibigan niya. Kung magsumbong naman siya kay Tristan, malalagot naman siya.

"Trina?"

Hawak niya ang shot glass at inilapit na sana sa labi niya nang mag-angat siya ng tingin sa lalaking nakatayo malapit sa kaniya. "Irwin?!" Nagulat siya na nakita niya ang kapwa car racer driver na pinagselosan noon ni Kameron.

"Hi!" bati nito sa kaniya. "Can I join you?"

Umayos siya ng upo saka nilagok ang laman ng shot glass. "Sure! Inilapag niya sa mesa ang hawak. "How are you? Napadpad ka yata rito?" Natuwa naman siya na may nakita siyang kakilala niya.

"I'm on vacation, and I choose this place. It's adorable and cozy. Alam mo na, unwind paminsan-minsan. And you? Are you doing the same? Wala kang kasama?" he asked.

"I have. Kaya lang ay busy siya at ako lang ang nandito para mag-enjoy sa banda. Ikaw? Wala ka rin kasama?" tanong naman niya.

"I'm alone." Napatitig ito sa kaniya.

"Nice. So, let's have a drink together? Sige na at sagot ko," yaya niya.

"Walang magagalit? Baka mamaya nito ay may pupunta rito at bigla ka na lang pauwiin. I'm sorry about that and I still remember the man who is there to fetch you to go home. Is he your boyfriend?" Nagsalin na ito ng alak sa shot glass na ino-offer niya.

Hindi siya sumagot bagkus iniba niya ang usapan. "Alam mo, uminom na lang tayo. The places has good vibes and let's enjoy the night. Mabuti nga at may kakasama ako ngayong gabi." Kahit papaano, maiibsan ang kalungkutan niya nang dahil kay Irwin.

Magkaibigan lang sila ni Irwin at wala naman masamang kasama niya ito ngayon kahit ngayong gabi lang ng kaniyang kasawian. Mula pa kanina, hindi na naman siya kinausap ni Kameron at tila balewala na lang dito ang lahat sa kanila. Ma-pride siya, oo. Pero gustuhin man niyang ayusin ang hidwaan nila, tila mailap ang asawa niyang buksan ang pagkakataon para sa kanilang dalawa. Marahil ay labis nga itong nagtampo o nasaktan sa ginawa niya. Mas lalo rin naman siyang wala naman siyang nagtatampo rito dahil sa ginawa nitong hindi man lang ito nagpaalam.

Malalim na ang gabi at lalong naging intense ang buong paligid. Nakipagsabayan na sila sa mga naroon na nag-enjoy sa banda. Nakita nga niya ang grupo ng kasama ni Roger sa stage upang tumugtog. Kasabay ng pag-indayog niya sa musika, tila nakalimutan niya ang sakit. She felt dizzy after the wild music. Subalit kaya pa naman niya at sanay naman siyang umiinom.

"That was so very fun!" she said. Lumayo muna sila sa crowd ni Irwin.

"That's why you enjoyed the night with him."

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon