Chapter 41

815 15 1
                                    

 "ANG SARAP!!"

Napangiwi siya nang makita niyang sarap na sarap si Kreisha sa nilutong tinola ng asawa ni Mang Berting na si Aling Simang. Hindi niya maiwasang isipin na napuyat sila nang dahil sa manok na hinuli ng tatlo. Tanghali na silang nagsigising at nauna lang siyang bumaba sa garden. Ang iba naman ay wala pa roon samantalang sina Raven, Tristan at Zack ay naroon na. Nakahanda na ang lahat ng pagkain maliban na lang sa ibang kakain na lang.

"Good afternoon, everyone!" bati ni Kaiser nang nasa likod na niya ito. "Hay, ang sakit ng ulo ko sa alak na iyon. I would never drink that wine anymore. Hindi lang sikmura ko ang bumaliktad kung hindi buong kaluluwa ko." Iniurong nito ang upuan katabi ni Tristan. "Oh, what happen to your arms? Bakit may band aid ka, Tristan?"

"Wala ito. Kinagat lang ito," dahilan nito.

"Hindi iyan kagat, tinuka kamo ng manok," tugon ni Zack.

"What did you say? Tinuka ng manok?" Sabay napatingin ito kay Kreisha na sarap na sarap sa manok. "Pati ikaw, Raven?" Nakita nitong may band aid din ito sa kamay.

"Oo. Pati ako. Nang dahil sa manok na iyan at hindi ko man lang nakuha ang mga itlog ko," sambit ni Raven.

Napangiti na naman siya nang maalala ang kwento nitong humirit pa ng itlog sa inaheng manok. Hindi na nila iyon kinuha dahil nga sa hinabol na sila at ayaw na rin nilang balikan. Ang akala nga niya ay hindi tinuka ang mga ito pero nagulat na lang siyang nalaman na may sugat ang mga ito.

"Why, Raven? Nawawala ba ang mga itlog mo? Akala ko nakadikit lang iyan at..." Napangiti si Kaiser. "Nevermind."

"Kung hindi lang dahil kay Kreisha, hindi kami manghuhuli ng manok kaninang madaling-araw. Kung bakit kasi hinabol ni Raven iyong manok, hayan tuloy. Natuka kami nang wala sa oras," reklamo naman ni Tristan.

Maya-maya lang ay dumating na ang iba pa kasama ng kaniyang asawa. Noon lang niya napunang may band aid din ito sa ilalim ng braso nito.

"Don't tell me, Kameron, natuka ka rin ng manok katulad ng mga ito?" tanong ni Kaiser dito.

"Oo. Ayoko ng ulitin iyon kung kasama ko naman ang dalawang ito. Napapahamak ako," tugon nito sabay humalik sa pisngi niya. Tumabi na rin ito sa kaniya para mag-umpisang kumain.

"Thank you sa inyo," sambit naman ni Kreisha. Masayang-masaya ito habang kumakain ng tinolang manok.

"Kung hindi ka lang nagdadalangtao, Kreisha, iiwan ko na talaga itong asawa mo at kapatid mo sa kulungan. Hahayaan ko silang dumugin ng mga inaheng manok sa loob. Mabuti na lang at mabait pa akong kaibigan."

"Mabait ka pa sa lagay na iyan, Tristan, ha. Anyway, gusto mo ba ng tinola?" alok ni Kreisha.

"Ayoko. Baka antukin ako niyan," tanggi ni Tristan.

"What happen last night?" tanong ni Wigo na tila wala pa sa tamang wisyo.

"Wala naman, P're. Gumapang ka lang kasama itong si Kaiser. Mga mahihinang nilalang pala kayo," nagmayabang na naman si Raven na akala ay walang nangyari dito kagabi.

"I don't want to drink anymore. Iyang alak na iyan ang magpapawala sa akin sa katinuan. Siyangapala, ano na naman ang gagawin natin ngayon? Kung hindi magpaanak ng baka, baka iba na naman paanakin natin? This is too bad. Kung alam ko lang na ganito pala ang buhay sa probinsiya, hindi na ako sumama."

"Nagrereklamo na naman ang kapatid ko. Palibhasa lumaking may gintong kutsara sa bibig," saway ni Kinne. "By the way, manghuhuli tayo ng tilapia at hito sa fish pond. Sabi ni Mang Berting, masarap daw ang mga isda dahil malalaki na at matataba pa."

Her Irascible Billionaire [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon