45• Armour

12 0 0
                                        

CHAPTER FORTY-FIVE

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising. Today is the day we all are waiting for.

Nang magising ako, nasa loob na ako ng kwarto ko at nakahiga sa malambot kong higaan. Nakabalot din ako ng kumot. Inalala ko kung anong nangyari kagabi. Napangiti ako kahit hindi pa dumidilat ang mga mata ko. I remember having a really great quality time with his majesty at the fire place last night.

I slowly opened my eyes to greet him a good morning, only to find out I'm all alone inside my room. Nasaan na 'yon? Akala ko katabi ko siyang natulog dito? Isa pa, paano ako nakarating dito eh sa pagkakaalala ko, sa fireplace ako nakatulog?

Kahit medyo inaantok pa, bumangon na ako at padabog na iniligpit ang hinigaan ko. Iniwan niya ako nang hindi man lang nagpapaalam. Ni hindi man lang nag-good morning. Pangit niya naman maging fiancé. Nakakatampo.

Pagkababa ko ay naabutan kong abala na ang lahat. Nakasuot na sila ng mga damit pandigma. Some are picking their weapons, some are eating pancakes, most are having some rituals. Seems like they are all intrigued about this war. They haven't been on a battlefield since my parents died. I feel confident that we would win this feud but I can't help but be anxious about the devastating result of this catastrophe. How many lives would become casualties? How many homes might get destroyed? Wars causes destruction. That's for sure.

"Good morning to our soon to be Queen Aurora," bati ni Flint nang tumabi siya sa akin habang wala sa mood akong kumakain ng pancake.

"Nakita mo si Blaze?" tanong ko. Nawala ang ngiti niya at sinamaan ako ng tingin.

"Binati kita tapos hindi mo ako binati," nagtatampo niyang sabi. Bakit biglang naging balat-sibuyas 'to?

"Edi good morning din. Nasaan nga si Blaze?" He shrugged and resumed sharpening his sword.

"Maaga siyang umalis eh. Babalik daw siyang Nevada para i-kondisyon ang mga sundalo niya at masabihan sina Brand," sagot niya. Ah okay. Understandable. Pero hindi man lang niya ako ginising para magpaalam. Humanda siya sa akin mamaya.

Nang matapos akong kumain ay dumiretso ako sa weapon room para kunin ang espada ko na gagamitin ko mamaya. Pagpasok ko ay naabutan ko si Uncle Pyr kasama si Uncle Hayden. They both smiled when they noticed me.

"Good morning to our beautiful niece," bati ni Uncle Pyr sa akin. Kahit wala sa mood ay ngumiti ako pabalik sa kanilang dalawa.

"Good morning din po sa mga gwapo kong uncle," biro ko. We all chuckled for a while.

"You should wear this on the battlefield," Uncle Pyr pointed at the armour stand on his left. It is a leather armour in the colour of maroon. It has a huge black belt, a black trouser and a red knife holster. This looks great with my combat boots.

"Wow! This is majestic," bulalas ko habang tinitignan ang mga detalye ng armour. May simbolo ng Descendants of the Sun sa kwelyo nito at maging sa buckle ng belt.

"That was one of your mother's favourite armour. I just thought that it would look great on you," Uncle Pyr said while I can't take my eyes away from the armour. I smiled bitterly. This was my mom's and I would wear it on the war that gives me the ticket to the throne. Sisiguraduhin kong mabibigyan ko siya ng karangalan.

"I will wear it. Thank you, Uncle," I mumbled. I turned to him and gave him a squeeze.

"Ngayon pa lang, proud na kami sa iyo, Aurora," sabi ni Uncle Hayden saka ginulo ang buhok ko. Agad naman akong napangiti nang malawak sa sinabi niya. Mapalad ako dahil may pamilya akong katulad nila. Matagal man ang lumipas bago kami nagkita, at least tinanggap nila ako nang buong puso at minahal. I am thankful to be with them.

Elemental MonarchMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon