34

683 73 2
                                    

Nasa room kami ngayon isang oras pa bago lumabas,  after nong bell kanina na sunod sunod andito kami nanatiling nasa loob ng classroom . Si Mystein nasa Conference room pinatawag dahil sa gulong ginawa n‘ya sa Senior. Sina Marvin naman nasa Unit nila.




“Sa tingin mo? Ayos lang ba si mystein ngayon?” tanong bigla ni Jay dahilan para mapalingon ako dito.

“Hindi ko alam,  basta ang alam ko baka bigyan s‘ya ng parusa dahil sa nangyari. Hindi pa tayu pwedeng lumabas kasi wala pang nag isang oras dahil lahat ng teacher ay may inaayos para sa darating na activity na magaganap dito sa M.U at sa likod ng M.U kaya naman di ko alam.”



“Ang dami mo namang sinabi, para Oo o Iwan lang naman ang sagot.”



“Eh,  sa gusto kung magpaliwanag eh.”



“Hindi ko naman kailangan paliwanag mo.”


“idi wag mong pakinggan.” sagot ko,  oo nagtatalo na kami ngayon para kaming tanga.


__


√Mystein “Primus” Point of view√



••••••••••


“How can you explain this Ms Primus? May nakapagsabi samin na pumunta ka sa Senior para manggulo? Wala kana ba talagang ibang ginawa kundi ipahiya ang Junior huh? Maturingan kang President ng University na’to pero ang isip mo nasa talampakan.”




“Ba’t ka sumisigaw?” tanong ko dito.




Seriously,  Kasama ko ang Second Owner ng University na’to don sa Senior tapus ako lang ang pinatawag ng mga teachers council? Anak ng putang*na lang ano tingin nila sa‘kin pasimuno ng gulo.




“Sinabi na naman namin diba? Na palitan na ang Ssg president ng bago,  dahil wala naman ng mapupuntahan ang M.U kung puso kamalasan lang ang dala ng Supreme dito.”





“Tama,  tulad nalang kanina. Kung di pa nagbell ng marami baka mas lalo pang lumaki ang gulo.”




Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa mga sinasabi nila. Para ano pa ang magsalita ako kung puro bunganga nila umiiral at ayaw pakinggan ang sariling opinyon ko. Hindi naman kasi ako tanga para makipag away ng walang dahilan. Bakit? Alam ba nila kung gaano katibay ang mga ugali ng nasa Senior at para sabihin nilang ako na naman ang pasimuno ng gulo?




Wala naba silang ibang nakikita kundi ako lagi? Aba’t di ba sila nagsasawa sa pagmumukha ko? Kasi ako sawang sawa na sa mga mukha nila kulang nalang nga magpalit kami ng pagmumukha eh.


Namatili lang ako tahimik habang ang kamay ko nasa may ilong ko banda. Ayukong makita nila na umaagos ang dugo sa ilong ko pumipikit ako ng kunti para di masyadong mahilo.



Sana hindi ako tuluyang bumagsak hanggat  di pa natatapos ang klasse dito sa M.U sobrang saya ko siguro kapag nakagraduate kami dito na buhay pa ako. Na kahit minsan mararanasan kupang makita ang mga mahal ko sa buhay.




“Oh,  Ano? Ms Primus? Mananatili kanalang bang hindi kikibo? Para na kaming sirang plaka dito ah? At ano ‘yang ginagawa mo nagtatakip ka ng ilong habang kausap kami at talagang wala kang galang.”



Mysterious University Season 2 (#On - Going)Where stories live. Discover now