45

331 36 0
                                    

Nasa Lunch counter kami ngayon , hinihintay si Drake ‘yong mga babae wala padin dito nag order kami nang makakain hanggang sa biglang dumating si Sanya na kinatigil naming lahat.

“ANG KAPAL NAMAN N’YANG PUMUNTA PA DITO PAGKATAPOS NG  MGA GINAWA N‘YA.”

“OO NGA,  TAPUS NAG PAPLANO PANG MAG PRESS DUH KAHIT ANONG MANGYARI DI AKO BOBOTO D‘YAN!”

halo halong bulungan ang mga nadidinig ko dito sa loob nang lunch counter kaya nagkatinginan kami. Napatingin din kami kay Sanya na nasa harap na namin. Tama kayo alam na namin nakasabwat si Sanya sa nanyaring dukutan.


“S-Si M-Marvin? O-ok naba s‘ya?” kinakabahang tanong nito ma may halong luha sa mga mata n‘ya.

“Ano ba kasing pumasok sa utak mo Sanya at nagawa mo iyon,  magkapatid ang pinahamak mo. Dahil ba sa pagmamahal? Mahal ka naman ni Marvin eh ginagamit n‘ya lang si Alex para makamove on sa‘yu pero ano itong ginawa mo? Mas lalo mong pinatunayan kay Marvin na di ka karapat dapat na maging Asawa n‘ya. At kahit kami nawalan nadin nang tiwala sa‘yu..”



“Alam ko.” sagot n‘ya kay Riley.“Alam kung mas lalo kayong magagalit sa‘kin pero please tell me? Ok naba si Marvin? Ok naba s‘ya?”

“Ok na s’ya.” walang ganang sagot ko sakto namang dumating si Jay at Alex na mas lalong nagpagulo sa sitwasyon.

“Anong ginagawa mo dito? Ang kapal naman nang apog mo na magpakita samin? Dapat nga lumayas kana dito eh.”

“Wala kang paki alam at hindi ko kailangan nang presensya mo.” sabat ni Sanya Kay Jay gulo to promise.

“Wala kang paki alam? Talaga ba? Kaya pala nong nagkagulo na hinayaan mulang kami? How selfish you are pinahamak mo lahat dahil lang sa lintik na pagmamahal mo? Anong klaseng puso ang meron kaba huh? Handa mong ibuwis ang buhay nang ibang tao makuha mulang ang gusto mo. Ang kapal nang pagmumukha mo.” galit na galit na sagot ni Jay habang si alex naman walang reaction na naupo at umiinom nang juice.

Amp! Parang nanonood lang din nang sine ah. Mala mystein sabagay magkaibigan nga naman sila.


“Ano bang kinagagalit mo? Wala kang paki alam kung anong gawin ko dahil buhay ko ito.”

“Pero hindi mo buhay ang mga taong pinapahamak mo.”

“Kaya nga andito ako para magsorry diba?”


“Nagsorry kaba? Tssss.”


”Pano ako magsosorry dahil inuunahan muna agad ako? Bakit dahil may gusto ka kay Marvin? Ang dami mo pang sinasabi ba’t di mo nalang aminin sa sarili mo na may gusto ka kay marvin.”

Halos natahimik kaming lahat sa sinabi ni Sanya kay Jay kahit ako natahimik din at may kung anong party nang katawan ko na hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Sanya like what the fuck!

Natahimik din si Jay At alex.

“Tama na‘yan.” awat ni alex saka pinaghiwalay ang dalawa na ngayon ay nagtatagisan nang tingin pero ayaw yata magpaawat ni Jay.


“Oh,  eh ano naman kung gusto ko si Marvin? Atleast ako wala akong sinasaktang ibang tao dahil hindi ako katulad mo isa kang piece of shit wala kangang naambag dito sa M.U kundi puro kalandian.”


“Sinasagad mo ba pasensya ko jay?”

“Bakit nasasagad kaba?”

Napa iling nalang kami dahil sa dalawang ito. Wala ba silang balak na tumahimik tumayo ako nang tumayo si Alex.


Mysterious University Season 2 (#On - Going)Where stories live. Discover now