Matapos kong matignan ang sitwasyon nila Miguel, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko. Kinuha ko sa cabinet na nasa tabi ng kama ko ang dalawang bote ng healing potion na iniwan ni Arvin.
"Bakit kailangan mong gamutin ang kalaban?" boses ni Miguel na kakapasok sa kwarto ko.
"Gagawin ko rin 'to para gamutin ang kakampi. Sinusunod ko lang din si Arvin"
Nilagay ko na sa bulsa ko ang isang potion at hinagis ko naman ang isa kay Miguel at sinapo niya naman ito, "Ikaw na ang bahala kay Leo"
"Utos din ba 'to galing kay Arvin?"
Ngumiti ako, "Hindi, utos mula sa akin"
Nagulat ako nang ihagis niya pabalik sa akin ang bote, buti nalang nasapo ko 'to.
"Ang Hari at si Arvin lang ang maaaring mag-utos sa akin, naiintindihan mo? Magpapatrol muna ako sa buong Palasyo" at lumabas na siya ng kwarto ko.
Kung pwede lang basagin sa mukha niya ang bote na 'to, nagawa ko na.
ARVIN'S POV
"Seryoso na ba talaga 'to?" - Celia na nasa likuran namin ni Leerin.
Matapos ng laban, mas minabuti naming ayusin na ang mga gamit namin para magpatuloy sa paglalakbay papuntang Vidre.
"Hm, mas magiging ligtas tayo hanggat nagpapahilom ng sugat ang kalaban"
"Paano ka naman nakakasiguro na wala siyang balak umataki kahit na may sugat pa siya. Nakatakas nga siya ng walang kahirap-hirap" sagot pa ni Celia na binubunton ang galit sa pagsampa niya sa karwahe na gagamitin namin sa paglalakbay.
"Ikaw ba susugod ka nalang basta-basta kahit na alam mong 25% lang ang chances mo?"
"Maliban nalang kung may ibang bagay siyang gagamitin na pang-ataki sa atin, imbis na siya mismo ang aataki sa atin" dugtong ni Vann.
"Mayroon bang klaseng ganuong Mahika?" - Leerin.
"Mga range magic at range magic items" mahinang sagot ko.
"Katulad nalang ng magnet arrow" dugtong ni Vann.
Isa rin ito sa mga kinakabahala ko.
"Pinagbawal na ang magic arrow ah? Kaya wala ng mga Blacksmith ang gumagawa nito" si Celia na kala mo laging may kaaway.
"Pero may mga Blacksmith na nababayaran para gumawa nito" sagot ko naman.
"Blacksmith ang Unique Skill ni Arvin Boreanaz. Hindi kaya mas mabuting ipaalam natin 'to sa Abarca?" tanong bigla ni Roniel kaya pare-parehas kaming nalingon sa kanya.
"Hindi. Dahil may sariling mission ngayon ang Captain ng Generals" may ngiti kong sagot na nagpatahimik sa kanilang lima.
KARIM'S POV
Kumatok ako bago ko binuksan ang pinto ng kwarto ni Aliyah. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang nagtatali ng buhok niya na sa tingin ko ay naghahanda para gamutin ang sariling sugat niya.
"Arvin?"
Kinuha ko ang isang upuan at umupo ako sa harap niya, "Healing potion"
May ngiti niya naman itong kinuha sa kamay ko. "Akala ko nalimutan mo na, haha"
Ininom niya kaagad ang potion kasunod ng paghinga niya ng malalim na para bang nahimasmasan siya.
"Thank you as always" may malaking ngiti niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/259093649-288-k787064.jpg)
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...