Twenty Three
"Nalulunod"
Naging magulo ang aming paglipat sa kabilang set. Nakikisabay ang init ng ulo ng mga tao sa init ng panahon.
"Hindi nga kasi natin pwedeng gayahin ang style ng mga artista sa kabilang network. People will accuse us na wala tayong originality!" Ani ng isang stylist.
"Hindi naman natin gagayahin. I'm just suggesting na ganoon ang style ng character ni Fierce kaya mas maganda kung yun ang iapply nating style sakanya." Pagtatanggol ng stylist na mostly nagaayos sakin.
"Pero kapag ginawa natin 'yon, mahahalata ng mga tao na may kapareho ang style niya sa kabilang network."
Nagkibit-balikat ang stylist ko. "It's a movie anyway. 'Di naman siguro nila maiisip 'yon. Since hindi naman masyadong napapansin ang mga 'yan kapag movie na ang usapan."
"Pero hindi lang naman kasi pipichuging movie ang ipapalabas. Sigurado akong nakaabang na ang mga tao kahit matagal pa ang showing ng movie." Sabi ng isa pang stylist.
"E' guys, tignan niyo naman kasi 'yang gustong ipasoot ni Ma'am Samantha." Nginuso ng stylist ko ang damit na nais ipasoot ni Samantha sakin sa isang partikular na eksena. Sinundan ko sila ng tingin at tulad nila, napangiwi din ako. Fashion designer ako at alam ko ang maganda sa hindi.
"Yeah. It's utterly disgusting." Pag-sang ayon ko. Natawa sila sa reaksyon ko at napagdesisyonan na nila na palitan ito.
Sinimulan ko ng ayusan ang sarili ko dahil malapit ng magsimula ang susunod na eksena. Di tulad ng ibang mga artista dito sa set, ako ang nagaayos ng sarili ko since maalam naman ako sa fashion. Kaya lang, dahil bago pa ako sa industriya ng pag-aartista, hindi ko pa alam ang mga bagay na dapat iconsider kapag mamimili ng isusuot sa isang partikular na scene. Kaya naman kinailangan ko ang tulong ng isang bihasang stylist.
"Okay, wag na nating masyadong patagalin 'to. This will be the last sequence para sa araw na'to so give your best shot, okay?" Tumango lamang kaming lahat at humudyat na direk sa cameraman. "Okay. We'll start the last sequence in three-two-one, Action!"
"Dude!" Sigaw ni Zeke na nakapukaw sa atensyon ni Ezra. Nakaupo siya sa kama at hawak-hawak niya ang kanyang kaliwang braso.
Nag-angat ng tingin si Ezra at nagulat sa presensya ni Zeke. Nasa likod ako ng kaibigan ni Ezra at malamang ay hindi pa niya ako napapansin.
Si Vera ay nagprisinta na magpark ng sasakyan ni Zeke at susunod na lang raw siya dito sa kwarto ni Ezra. Nag-alangan pa si Zeke nung una ngunit dahil nagmamadali siyang makita si Ezra, ay napapayag siya ni Vera.
"Tapos na ang game?" Paos na tanong ni Ezra.
"Fuck, dude, isinuko ni Coach ang laban." Kumunot ang noo ni Ezra. "Pagkatapos mong maisugod sa ospital ay ilang minuto lang ay si Rick naman ang sinadya nilang patamaan. Hindi ako sigurado kung dito din siya dinala."
Tumango si Ezra at parang may iniisip. "Anong ginawa nila kay Rick?"
"Broken leg." Mariin na sagot ni Zeke. "Wala pa din akong natatanggap na tawag mula kay coach. Kinailangan niyang sumama kasi mukhang mas malala ang injury ni Rick."
"Pano na daw ang next game?" Nag-aalalang tanong ni Ezra.
"Tangina. One thing's for sure, we're screwed sa susunod na laban next week. At kung ganyan pa din sila maglaro, baka lahat tayo madala na sa ospital."
Yumuko si Ezra at ininda ang sakit ng kanyang braso. Malulutong na mura ang lumabas sa bibig niya at kaagad naman siyang dinaluhan ni Zeke.
"Dala mo ba ang bag ko?" Tanong niya habang hawak niya ang kanyang braso.
![](https://img.wattpad.com/cover/1885741-288-k344347.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Trust
RomanceFierce Hastings was cold, calculating, indifferent and everyone didn't understand her. So obviously it was all but impossible not to fall in love with her. Young, talented, and brilliant in almost every way, Elleander Asher Valdez is the young...