Twenty One
"Get used to it"
Everything is a blur to me. Pakiramdan ko ay lumulundag ang kalsadang tinatapakan ko. Pagewang-gewang kong tinahak ang kahabaan ng kalsadang habang iniisip kung tama nga ba ang dinadaan ko.
I feel so light, so stupid. Paulit-ulit kong binabalikan ang lahat ng mga naganap ngayong gabi.
How can I be so gullible? Someone like me would never ever be able to climb up on their social ladder. They're the kings and queens in this stupid fairy tale of mine. And me? I would always be that naive ugly duckling waiting to be noticed by my potential Prince Charming.
Marahas kong inalapat ang aking palad sa aking mukha upang punasan ang mga nagpupumiglas na luha. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok kong amoy alak. Natawa ako sa katangahan ko. Kung hindi sana ako nagpauto, wala sana ako sa kinalalagyan ko ngayon.
I knew it. I knew that something bad would happen if I went to that party. I knew something was definitely wrong when they asked me to be their friend. I guess 'me' and 'their friend' would never fit in the same sentence ever. I just knew too much but I ignored it.
It's just too good to be true, you know? I knew this would happen eventually. Maybe I just hoped too much.
Yeah, too much.
Everything happened tonight was for their own selfish entertainment. And the sad thing about it was that I let them do this to me.
Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking luha. Tinanggal ko ang natitirang pasta na dumikit sa aking mahabang buhok. Nakatatak sa isip ko ang bawat mukha nilang punong-puno ng saya sa pagkaka-pahiya ko. Ang bawat hampas sa aking katawan ng mga pagkain nakahapag sa mesa. Ang bawat kabog ng musika kasabay ng pagsaboy nila ng kung ano-ano sa aking mukha. No one's been able to save me from the hell back there.
Durog na durog na ang aking utak. Maging ang aking katawan ay hindi ko na maramdaman. Sa bawat hakbang ko ay parang may tumutusok sa aking paa. Tinignan ko ang mga ito at hindi na nagulat nang makita kong may dugo ang mga ito. Hindi ko ininda ang sakit at sa halip ay nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Emerald?"
Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses na 'yon.
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang buong kalagayan ko.
"Holy Shit." Gulat na utas niya.
"What happened? Sinong may gawa sa'yo nito?" Hysterical niyang tanong habang inaayos ang buhok ko.
Umiling ako. Nananatili pa din ang tingin ko sa aking mga paa.
"Bullshit, Emerald! Hindi pwedeng wala! Galing ka sa bahay ni Amanda, di'ba? Siya ba may gawa niyan?"
Hindi ako sumagot. No. Ayokong isipin nila na nagsumbong ako kay Ezra. Mas lalo nila akong pag-iinitan.
Binantaan na nila ako na kapag nakita nila na kasama ko si Ezra ay baka mas malala pa ang aabutin ko dito. Technically, hindi naman ako ang lumalapit kay Ezra. Siya itong buntot ng buntot saakin to the point na pakiramdam ko ay dalawa ang anino ko.
"Hindi, Ezra." Tanggi ko.
Wala na akong lakas na makipag talo sakanya. Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay ang makauwi ako sa bahay namin.
"I wanna go home, but I have no idea kung nasan ako. Will you please help me?"
Hindi ako mapakali sa akong pagkakatayo. Habang tumatagal ako dito sa harap ni Ezra ay unti-unti ko g nararamdaman ang sakit ng aking paa. I've been wandering for almost an hour kaya siguro ganito na lang ang sakit ng mga ito. The pain is unbearable but it was nothing compared to what they did to
Me.

BINABASA MO ANG
Broken Trust
RomansaFierce Hastings was cold, calculating, indifferent and everyone didn't understand her. So obviously it was all but impossible not to fall in love with her. Young, talented, and brilliant in almost every way, Elleander Asher Valdez is the young...