Twenty Four
"Pagkabasag"
Nang huminahon na si Ash ay hinila ko na siya pabalik ng set. Hindi pwedeng lagi siyang ganito. Hindi pwedeng kapag may naririnig siyang ayaw niya na tungkol sakin ay lagi na lang siyang magfi-freakout ng ganoon. I know he knows that. Now, he needs to understand that. Mapagmatyag ang mga tao sa Cyrea. Lalo na ang mga taong sadyang naghahanap ng butas para pabagsakin ka. He needs to be careful and he's not doing well at that.
"Ash ayusin mo ang pagkakahawak mo kay Fierce. And Fierce fix your face please. Hindi pwedeng mukha kang tuod dyan!" Sigaw ni direk. Humahikhik si Ash kaya naman siniko ko ang parte ng kanyang katawan na nakadikit saakin.
Itinuloy namin ang naputol na eksena kanina. Nakakandong ako kay Ash samantalang yakap-yakap niya ako mula sa aking likuran.
"Okay, ready na ba?" Tanong ni direk sa cameraman. Tumango lang ito tsaka itinapat ng kanyang mga assistant ang kulay puting ilaw sa gilid namin ni Ash.
"Focus." Nang sinigaw ni direk ang salitang 'action' ay napunta na naman kami ni Ash sa aming sariling mundo.
"Ezra!" Sigaw ko habang itinutulak ang ulo niyang nakadantay sa aking balikat.
"Hmm?"
"Anong 'hmm'? Ezra, nakikiliti ako!" Sabi ko kahit sa totoo ay hindi Naman talaga. Ayoko lang talagang may makakita saamin. Baka kung anong sabihin nila kay Ezra. Ayokong pag-isipan siya ng masama ng ibang tao lalo na ang mga team mates niya.
Pinapahalagahan niya ang mga ito. At ang makita nilang kasama niya ako ay malaking insulto iyon para sa kanila. I was never destined to be a part of them so I'll just stay where I belong. At ang lugar na iyon ay malayo sa kinalalagyan ni Ezra.
"Baby, can you repeat that?" Nangilabot ako sa pagtawag sakin ni Ezra. Baby? Really?
"A-anong uulitin ko?" Tumikhim ako dahil namamaos ang boses ko.
"The first part. You sound so sexy." Bulong niya.
Sinapak ko ang braso niyang walang benda. Humalakhak lang siya. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Epekto ba yan ng injury niya?
Binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nanatili kami sa ganoong posisyon kahit na takot na takot akong may makakita sa amin. Nag-aalala rin akong baka nabibigatan na siya sakin. Inayos ko ang pagkakaupo ko at sinulyapan siya.
"Ezra?"
"Yes, baby?" Pakiramdam ko niyayanig ang buong pagkatao ko kapag sinasabi iyon ni Ezra sakin. When did he start calling me by that endearment anyway?
"A-anong meron satin?" Pabulong kong tanong.
Ang akala ko ay hindi niya narinig iyon dahil matagal bago siya sumagot.
"What do you want us to be?" Mahinahon niyang tanong Matapos ang ilang sandali. Tumingin siya saakin gamit ang mapupungay niyang mata.
"I-I don't know. I'm confused, Ezra. You act sweet infront of me but you act like an ass infront of everyone else."
"That's because I want to be sweet infront of you." Bulong niya.
"Are we friends?" Frustrated kong tanong.
Kumunot ang noo at umigting ang bagang niya. Nagulat ako nang binuhat niya ako at hinarap sakanya. Baliw na nga yata 'to! May injury siya at kung buhatin niya ako ay parang wala lang sakanya.
"I'm pretty sure na hindi ko tinatawag na 'baby' ang mga kaibigan ko." Natatawa niyang sagot sa tanong ko.
"Then what are we? Bakit mo ako tinatawag na 'baby' kung ikaw na nga ang nagsabi na hindi mo naman tinatawag na ganun ang mga kaibigan mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/1885741-288-k344347.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Trust
RomanceFierce Hastings was cold, calculating, indifferent and everyone didn't understand her. So obviously it was all but impossible not to fall in love with her. Young, talented, and brilliant in almost every way, Elleander Asher Valdez is the young...