-Chapter 02-

586 21 3
                                    

Two

"Hitting two birds with one stone."

Ladies and Gentlemen, welcome to Priza International Airport!

Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight.

We hope you enjoyed our ride. Thank you.

I smiled.

Tumayo ako para kunin yung luggage ko sa compartment ng eroplano.

"What the Fuck, you filthy little bitch!"

Napatigil ako sa pagkuha ng gamit ko nang umalingawngaw ang boses ng isang lalaki sa loob ng eroplano. Napatigil ang lahat ng pasahero para tignan ang kaguluhan.

"I'm sorry, sir! Sorry po talaga! It's my fault. I'm so sorry," sabi ng mangiyak-ngiyak na stewardess habang pinupunasan ang polo nung lalaki na nabuhusan ata ng kape.

"Ano ba? Get your hands off my shirt!" Binalingan nung lalaki ang mga natitirang passengers ng eroplano na naglabas ng cellphone para ivideo yung nangyayari.

Tss! ano ba yan.. Ang bait sa tv, ang gaspang ng ugali sa personal. Idol pa man din siya ng kapatid ko.

Dinig kong sabi ng nasa likod ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang hambog na lalaking sigaw ng sigaw.

DMK, branded na damit pero hindi masyadong mamahalin.

Napaismid ako. Hindi naman niya kailangang magfreak out sa harap ng maraming tao ng dahil sa kakapirasong tela. Isang tela na sigurado akong mas mura kaysa sa sweldo ng stewardess na pinapahiya niya sa maraming tao.

"I said, get your hands off my shirt," he said through his gritted teeth. "I want this girl out of my sight, now!"

Napasinghap lahat ng natitirang pasahero ng eroplano. Umalingawngaw ang sigaw niya sa enclosed space na tinatapakan ko.

Stop being a jerk. I muttered under my breath. Nakakairita.

Lalo pang napayuko yung stewardess na ngayon ay nakaluhod na para pulutin yung basag na baso.

Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad sa aisle ng eroplano. "Excuse me." I was half expecting, half wishing na sana padaanin niya ako.

Ni head to foot niya ako. Natigil yung tingin niya sa bag ko na may nakalagay na FH entertainment at may nakaembroid na 'assistant designer'. Napairap na lang ako sakanya.

"What?" Sabi ko sakanya ng hindi niya ako sinagot.

He smirked.

Aware akong madaming nanunuod samin ngayon. Fudge, kapag lumabas at kumalat ang video na yan ay paniguradong lagot ako kay Dad.

"You don't own this place kaya wag kang gumawa ng iskandalo," nagpause ako. Silently wishing na hindi nga sakanya 'tong plane na 'to. Masama ang tingin niya sakin but I won't take back what I've said. "Now, pwede bang tumabi ka na kasi nagmamadali ako." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko at kaagad naman akong napatingin sa aking relo.

"What? Nag sorry na siya sa'yo diba? What're you waiting for? Lumuhod pa siya sa harapan mo? Masyado mo naman atang mahal ang kakapirasong tela na yan. It's not even that expensive." Binigyan ko siya ng blankong tingin.

I purposedly bumped my shoulder onto his. Di pa ako nakakalayo ng bigla siyang magsalita.

"Assistant Designer ka ng FH Entertainment?" He laughed mockingly. "You think you're so high just because you rode a first class plane? Assistant ka lang pala. Just wait, miss. I'll make sure you'll be designing for me."

Broken TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon