-Chapter 19-

249 4 0
                                    

Nineteen

"Panyo"

"Bench," bulong ko. "You can't."

Napanganga ako sa mga sumunod na salitang binitawan niya. "I'm not asking for your permission, Twilight. I'm informing you. It's my decision and I'll do what it takes to make you like me."

Hindi na ako nagsalita habang nagda-drive siya.

Hindi ako ang naka-upo sa driver's seat pero pakiramdam ko mababangga kami ng hindi oras dahil sa atake sa puso. Masyadong biglaan ang pag-confess niya. Goodness, bakit hindi ko napansin na may gusto na pala siya sakin?

Ipinark niya ang kanyang Corvette sa gilid ng isang ice cream parlor. Great, I need to cool down dahil baka kung ano ano na lang ang masabi ko kay Bench.

Sinoot namin ang sunglasses namin at tinago ang mukha ko gamit ang scarf na nakuha ko sa dressing room. Siguro ay hindi na nila kami mamumukhaan dahil nakasoot pa kami ng high school uniform. Sa pagmamadali ni Bench ay hindi na kami nakapagpalit pa ng damit.

Okay lang naman sakin dahil pagbalik namin doon ay start na ulit ng taping. Mabuti na lang at alas dos pa lang ng hapon at hindi pa naglalabasan ang mga estudyante dahil kung hindi ay lagot na naman kami sa fans ni Bench.

"I don't understand. I mean, how? Bakit, Bench? The last time I checked we hated each other." Sunod-sunod na tanong ko sakanya matapos siyang umorder ng Ice cream namin.

"Twilight, you don't have to ask questions like that. And correction, I didn't hate you. It's just that you pissed me off the first time we met." Sinabi ni Bench gamit ang malakas na british accent niya. Eto talaga ang dahilan kung bakit binabad ko ang sarili ko sa panonood ng Harry Potter at Star Wars nung high school pa ako. Masyado akong addicted sa tono ng pagsasalita nila.

Hindi na ako napapangiwi kapag tinatawag niya akong 'Twilight'. Nasasanay na siguro akong 'yon ang tawag niya sakin. Hindi ko naman talaga kinamumuhian ang 'Twilight'. Hindi lang talaga ako fan ng mga kumikinang na bampira kapag nasinagan ng araw.

"Seryoso ako." Sinabi ko at matalim ko siyang tinignan.

Kumunot ang noo niya at pinagtaasan niya ako ng kilay.

"I'm serious too."

"Pero Bench, you can't like me. Masasaktan ka lang. I have a lot of skeletons in my closet and I don't want to include you in my mess."

"Twilight, gaya nga ang sabi ko, hindi ako humihingi ng permiso mo. I'm informing you, so you really have no choice."

For a second, nakalimutan kong seryosong bagay ang pinaguusapan namin dahil narinig ko na naman ang pilit na tagalog ni Bench.

"You should really stop speaking tagalog, Bench. It's a major turn off." Kumunot ang noo niya at hindi ko mapigilan ang aking pagtawa.

"I just wanna share a common thing with you and speaking in that language makes me forget our differences." Kaswal na sabi niya at parang hindi man lang siya nagdalawang isip para sabihin iyon.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. How can he say that so casually. Grabe, hindi kaya may masamang nakain lang si Bench kanina kaya ganyan yung mga pinagsasabi niya? Nasaan na yung Bench na lagi akong inaasar?

Napatingin ako sa lalaking papalapit sa inuupuan namin ni Bench. Kasabay ng paglapit nito ay ang pagtingin ng mga tao sa loob ng Ice cream parlor.

So much for wearing disguise. Bulong ko sa sarili ko.

Dahil hindi lang ice cream ang dala-dala nito kungdi isang malaking bouquet ng rosas. Nalaglag ang panga ko at narinig kong natawa si Bench sa harapan ko. Nagbulong-bulungan ang mga tao at tila kinikilig sila sa kanilang nasasaksihan. Itniago ko ang mukha ko sa scarf na soot ko habang tumayo naman si Bench at kinuha ang bulaklak sa lalaki at iniabot sakin.

Broken TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon