Thirteen
"Forever"
"I don't think I want to do this right now" I hissed through the phone.
"Hey, you should be happy, you know. You're working with, like, the two of the most successful celebrities in that country. Not to mention they're both hot and sexy."
"I don't know, Hayley. I don't exactly feel ecstatic right at this moment."
"Ngayon lang yan. Give yourself a break, Fierce. Stop being so pessimist and for once enjoy yourself. Come on, working with them is not that remorseful."
"You're just saying that because you're not in my freaking position." I said, gritting my teeth.
She laughed.
"Don't laugh, Hayley. I still haven't forgiven you for telling my plans to AJ."
"I know, I know." She said as she yawned. "Look, I'm really drained today and as much as I wanted to listen to your continuous rant, I still need to wake up early tomorrow. I'll be home soon, Fierce, but please, try to control your temper for awhile."
"Yeah." I sighed. "Bye, Hayley."
"Good luck, Fierce." Hindi ko alam kung para saan ba ang 'good luck' na sinabi niya. Kung para sa pagiging artista ko ba yan o para sa plano kong pahirapan si Ash. Which, by the way, haven't made any progress yet.
Madaling-araw na nang tumawag ako kay Hayley. Alam kong gusto niyang marinig ang mga nangyayari sakin ngayon at hindi nga ako nagkamali dahil pagkasabi ko pa lang ng 'hello' ay dinaig na niya ang mga kilalang reporter sa tv sa kanyang pag-tatanong. Ipinaliwanag ko sakanya ang lahat: simula nung encounter ko kay Bench sa eroplano, sa pagkakaalam kong sintayog na ng lipad ni Maleficent ang career ni Ash dito sa Cyrea, sa pagkikita naming muli, sa pagiging designer ko, sa pagdala sakin ni Bench sa Limelight na siyang ikinagalit ni Ash at ang pinakamagandang balita sa lahat ay ang pagiging biglaang artista ng kanyang matalik na kaibigan.
Hindi ko alam kung ano ang expresyon ng mukha niya sa sinabi ko pero matapos kong magkwento ay bigla na lang siyang nagtitili sa kabilang linya. It turns out na crush na crush pala niya si Bench. Napabuntong-hininga na lang ako ng marealize ko na dinaig ko pa ang isang caveman.
"In five minutes magsisimula na ang press con--be ready." Napairap na lang ako sa sa papaalis na crew.
Hindi ko talaga matanggap ang mga nangyayari sakin ngayon. Ang sabi ni dad ay designer lang, of course, bakit nga naman ako magpapaniwala sakanya? Dapat nung una pa lang ay nahalata ko na ang rason sa paglagay niya sakin sa posisyong iyon. Hindi pa man ako nakakapaapak sa bansang Cyrea ay napagplanuhan na niya ang lahat ng ito. Umuwi man ako o hindi, alam kong iginuhit na niya ang lahat sa kanyang isip. Ako na lang talaga ang kailangan at pwedeng ng magsimula ang puppet show.
Fashion designer, my ass.
Sinabi lang niya iyon bilang suhol. Alam kong alam niya na sukdulan ang pagkamuhi ko sa mga artista at alam niyang makakaapekto sa pagpapatakbo sa kumpanya kung mismong ang may-ari nito ay kinasusuklaman ang mga talents niya.
Napabuntong hininga na lang ako at naglakad papunta sa isang pahabang mesa na nasa sentro ng entablado. Nakatutok dito ang mga napakakalaking spotlights. Tinitignan ko pa lang ito ay naninindig na ang balahibo ko.
Funny how something you hate suddenly becomes your job in just a snap of a finger.
Nagsimula na ang press con at nag umpisa na sa pagtatanong ang media. Hindi pa ako nagsasalita simula nung ipikinakilala ko ang sarili. Fuck, mukha akong timang dito na patango-tango kahit na wala naman akong ideya sa mga pinagsasabi nila.
BINABASA MO ANG
Broken Trust
Любовные романыFierce Hastings was cold, calculating, indifferent and everyone didn't understand her. So obviously it was all but impossible not to fall in love with her. Young, talented, and brilliant in almost every way, Elleander Asher Valdez is the young...