-Chapter 20-

401 6 0
                                    

Twenty

"Promise"

"Hay nako, girl, tumigil ka na sa kakaiyak diyan a'! Kung tutuusin hindi dapat ikaw yung nagluluksa dyan e. Dapat si Ash, hindi naman ikaw yung pinagsalitaan ng masama diba? Siya." Tumingin ako ng masama kay AJ at kumuha ng panibagong tissue.

"AJ, masyado ka namang mean kay Ate Fierce." Inabutan ako ng tubig ni Riley at umupo sa couch sa tabi ng inuupuan ko.

"I really don't understand you, Fifi. Noong isang araw, gagad na gagad kang saktan siya. Ngayong sinaktan mo naman, iiyak-iyak ka."

Nanahimik sila sa sinabi ni AJ. Wala kahit isa sakanilang dumugtong sa sinabi niya. Am I really that indecisive? Siguro ay masyado pang maaga ang pag-uwi ko ng Cyrea. Siguro ay tama si Hailey. Siguro ay hindi pa nga tuluyang naghilom ang sugat na ginawa ni Ash. Siguro nga tama sila. Siguro nga ay hindi ko pa kaya.

"You should make up your mind, Fifi. Hindi yung sa tuwing nagkikita kayo ay lagi ka na lang magbe-breakdown ng ganyan. Tapos ngayon, ano? May Bench pang nadamay. Ang gulo ng lovelife mo, Fifi."

"Hindi ko ginustong magustuhan ako ni Bench, AJ. Simula pa lang alam mong wala akong balak mag-entertain ng ganyang feelings. Alam mo iyon, diba?"

Bumuntong-hininga si AJ bago ako kinausap muli. Si Chance naman ay tahimik lang kaming pinagmamasdan. "Alam mo, friend, dapat talaga hindi mo na tinrato ng ganon si Ash kung iiyak-iyak ka lang ng ganyan. Sinaktan mo na nga yung tao, sinaktan mo pa yung sarili mo. Napaka-masokista mo talaga, ano? Alam mo namang nasasaktan ka sa ginagawa mo pero ginagawa mo pa rin." Umiling-iling si AJ. "Hay, kaya ayokong magkalovelife muna e'.".

Humilata siya sa kama ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng librong pinabili niya kay Riley kanina. Kulay itim ito at may posas na nakalagay sa cover. Apparently, isa daw itong sikat na aklat ngayon.

"Ate Fierce, kung gusto mo ngang makipaghiganti kay Kuya Ash, diba dapat masaya ka ngayon? Bakit ka umiiyak? Kasi kung ako ang tatanungin, dalawa lang ang ibig sabihin niyan. It's either mahal mo pa si Kuya Ash o ayaw mo siyang masaktan which, by the way, leads to the choice number one."

Humalakhak si AJ matapos sabihin ni Riley iyon. "Apir tayo dyan, mare! Ewan ko ba dyan sa babaeng 'yan, masyado niyang pinataba ang galit niya kay Ash. Fifi, uso ang magbukas ng mata sa panahon ngayon. Masyado mong sinara ang utak mo sa mga reasons and explanations, yung mga nakita at narinig mo lang ang pinaniwalaan mo. What if there's more than that? What if there's a fucking reason behind all that betrayal and lies? Ang galit hindi yan halaman na pinapalaki at pinapataba. Isa yang calorie. Calorie na dapat sinusunog para mawala. Maybe it's time to move on and forget everything that happened. Awang-awa na ako sa tao, Fifi. He doesn't deserve all the heartbreaks."

Heartbreaks? Wow, ha? Siya pa talaga ang may ganang makaramdam non?

Binato ng unan ni Chance si AJ. "What the flying fudge, Chance? Tang-ina, hindi ko alam kung anong page na ako!"

"Close that hole in your face, Alfred. You promised." Matigas at punong-puno ng autoridad ang pagkakasabi ni Chance dito. Napatulala na lang ako sakanilang dalawa.

Promise? Anong promise? Kanino? May alam ba sila na hindi ko alam?

"How many time do I have to tell you not to call me Alfred!" Iritadong sabi ni AJ habang linilipat ang bawat pahina ng aklat na binabasa niya.

"Tungkol saan ba yan at masyado kang naging tutok sa pagbabasa?"

"Wala...wala. Bata ka pa, kiddo. Magpaalam ka muna sa boss mo, malay mo pumayag at mapahiram kita." Kinindatan niya pa Riley.

Broken TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon